Book 2: Chapter 2

3.2K 69 0
                                    

BREANA~

Nandito kami ngayon sa dining table kumain ng breakfast namin.

Tahimik lang si Zimmon bad vibes pa ata 'yan, si Zian at Ziana naman tahimik lang din walang nagpakiramdaman lang ata kami rito.

Tumikhim ako. "Tahimik natin ah, salita naman kayo dyan madlang people." Pagbibiro ko, parang natatae na ewan ang dalawa kong anak.

"Err.." Si Ziana.

Nakita ko na uminom si Zimmon ng tubig at dumiritso ang tingin kay Ziana.

"So Ziana Ley anong pumasok sa isip mo 'yong nangyari kagabi?" Seryosong tanong ni Zimmon.

Kinagat naman ni Ziana ang kanyang labi at saka tumayo at niyakap niya ang kanyang Dad. Hindi umimik si Zimmon, kahit brat si Ziana sobrang sweet rin nyan.

"Dad, kasi ginaya ko lang 'yong si Sadako and then pumasok sa isipan ko na pagtripan kayo alam mo na Daddy pag may insomnia ako diba iba't-iba ang pumasok sa isip ko. Waaaah sorry Daddy, I love you." Tapos hinalik-halikan niya si Zimmon sa pisngi.

Napabuntong hininga nalang si Zimmon. "Okay don't do that again."

"Okay Dad, yeeeeeeey!"

Napailing nalang ako.

-

ZIMMON ~

"Sir, nandito po ulit yong anak ni Mr. Saavedra." Sabi ng secretary ko.

Napahilot ako sa sentido ko, nandito na naman ang makulit na babae. Hindi alam ng asawa ko na may pumupunta rito, ayoko lang na mag-away kami ni Louise.

"Papasukin mo." Tamad kong sabi.

"Okay Sir."

Sumandal ako sa swivel chair at tinignan ang ilang papeles.

"Hi Zimmon, I missed you!"

"Ano na naman ang kailangan mo Wynter?"

Wynter Saavedra, parang si Samantha sobrang spoiled. Maganda rin naman siya pero mas maganda ang asawa ko sa kanya.

Ewan ko ba sa babaeng 'yan bakit ako ang kinukulit alam naman niyang may asawa't anak na ako.

"What do you want?"

"Ikaw ang gusto ko Zimmon. Please mag date naman tayo promise walang makaka-alam sa atin." Tapos lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko, mabilis akong umiwas ganito siya palagi akala niya ay madadala niya ako sa pang se-seduce niya pwes hindi damn!

"You crazy bitch!" Nagulat ako sa pagsugod ni Louise.

Hinila niya ang buhok ni Wynter mabilis ko silang inawat at niyakap ang asawa ko.

"How dare you! Zimmon look inaway niya ako.. Huhuhu.." Si Wynter na nag drama pa talaga.

"How dare you yang mukha mo! Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo bruhilda ka, akala mo hindi ko alam ha? May tiwala ako sa asawa ko kahit hindi niya sabihin may magsasabi rin sa akin sa mga galawan mo, hmp!"

Napaawang ang bibig ko, ibang klase talaga ang asawa ko.

"Duh! Pwes tignan lang natin." Tapos nag walkout si Wynter.

-

BREANA ~

Akala ng Wynter na 'yon ay natatakot ako sa kanya walang makakasira sa pamilya namin. Akin ay akin lang.

"Love, sorry." Kanina ko pa naririnig si Z sa pag so-sorry niya. Pang ilang beses na rin akong umirap.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Malamig kong sinabi.

Nandito parin kami ngayon sa office niya, umupo ako sa couch.

"Ayoko lang na mag-away tayo at saka ikaw lang ang mahal ko kahit na may maghubad sa harapan ko hinding-hindi kita ipagpapalit kaya sorry na love."

Wala parin akong kibo pero sa totoo lang kinilig ako sa sinabi niya.

Tumayo ako at ni lock ang door knob. Hinarap ko siya, mabuti nalang at maayos ang suot ko. Kung mas sexy yong suot ng hitad mas sexy ako.

"Paano kung ako ang maghuhubad sa harapan mo?" Sinadya kong paakitin siya gamit ang boses ko.

Nakita kong napalunok siya.

Lumapit ako at hinalik-halikan ang leeg niya.

"Damn!"

Bago paman ako halikan ni Z ay umiwas na ako.

"Later love." Kumindat ako at iniwan don sa office niya.

Bahala siya dyan galit parin ako, mabilis akong umalis sa company at pumunta ako sa Rock Gal.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now