Page 21

5.7K 155 2
                                    

BREANA~

Kinabukasan late na akong nagising dahil ang taas ng tulog ko kagabi. Bumangon na ako dahil late na rin ako sa first subject ko ngayon urgh!

Nagmamadali akong sumakay sa aking kotse ng sa wakas naka-abot na ako dito sa school. Alas siete ang una kong klase dapat kaya ngayon nakarating na ako dito ng alas nuwebe.

Hindi ko namalayan kanina pa tumutunog ang aking cellphone, kinuha ko 'to at tinignan kung sino ang tumawag si bakla lang pala.

"He-----"

"Hoy bebs nasaan kana ba? Kanina pa kita hinihintay mabuti nalang at wala si prof. Lalabas na ako ng room ngayon."

"Nandito ako sa may bench yung tinatambayan natin bilis punta ka dito." Nakahinga ako ng maluwag dahil wala daw'ng prof na pumasok, mabuti naman.

Makalipas ang limang minuto nakarating din ang kaibigan kong bakla na hinihingal pa talaga.

"Hoooo... Gaaash my feslak hagardo na huhuhu." As usual inirapan ko nanaman.

"Ang OA mo bebs!" Sabi ko, naka-upo na kami ngayon, meron ding mga studyante pero iilan lang.

"Bakit late ka abeeer?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Ang taas kasi ng tulog ko kaya late na rin ako nagising." Sagot ko naman.

"Talaga lang huh!?"

"Oo nga sabi!"

"Ito naman masyadong masungit, oh siya may chikaness aketch sayo."

"Ano naman yan?"

"Kanina kasi nakita ko si fafa Zimmon babatiin ko sana siya kaso parang wala sa kanyang sarili." Sabi niya, bakit kaya?

"Baka may dahilan or wala lang talaga siya sa mood." Sagot ko. Oo nga pala walang alam si bakla na nakipag dinner sa akin si Lemuel.

"Dahil bff kita may sasabihin ako sayo, kagabi ng dinner kami ni Lemuel tapos biglang tumawag si Zimmon hindi ko masyadong intindihan dahil pinutol agad niya ang tawag."

"Hala! Baka isa ka sa kanyang rason bakit siya wala sa mood hmmm..." Ipinagkibit balikat ko nalang, bakit naman ako ang isa sa dahilan?

"Bebs try mo kayang magpakalalaki ang gwapo mo kaya." Pag-iiba ko ng usapan hindi kasi ako komportable ngayon medyo na bothered ako sa pagtawag ni Z kagabi.

"Eewwness! Kalerkeey ka talaga bebs," Uma-aksyon pa talaga siyang parang nasusuka. Totoo naman eh ang gwapo ni bebs sayang lang dahil baklita.

"Baka nakalimutan mo may misyon pa tayo ang maghanap ng babae para sa kadramahan mo." Sabi ko napatakip siya bigla sa kanyang bibig.

"Gaaad! Huhuhhuh bakit pina-alala mo bebs? Waaaaaahhhh!"

"Hays ewan ko talaga sa 'yo bakla, pero bebs pwede ko bang marinig ang lalaki mong boses yong totoo na hindi pinipilit ha!"

"Ayoko nga bebs." Niyugyog ko ang kanyang balikat. "Ang arte mo bebs sige na please." Nag puppy eyes pa talaga ako.

"Ehem-ehem..."

"Hi bebs."

"HAHAHAHAHAHA!" Hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil napaka baritono pala ang kanyang boses.

"Huhuhuhu... Ina-api mo talaga ako bebs ba't kaba tumatawa huh!?"

"Eh kasi bebs hindi bagay sa mukha mo ang baritonong boses haha."

"Tseeeeeh!!"

Tawa lang kami ng tawa habang naglalakad pupunta kami sa cafeteria dahil nagugutom kami hindi na ako nag almusal kanina sa bahay.

Pagpasok namin umorder na kami ng pagkain. Wala pang masyadong studyante dahil ting oras parin ng klase ng ilan.

Susubo palang sana ako ng biglang sumulpot sa harapan namin si Zimmon.

"Hi fafa." Bati ni bebs tinanguan lang siya nito.

"Punta ka mamaya sa rooftop pagkatapos ng klase mo." Diretso niyang sabi sa akin at lumabas na ka agad siya dito.

"Nag-away ba kayo bebs?"

"Sa pagkaka-alam ko bebs wala naman kaming problema. Ewan ko don."

"Mamaya daw mag-usap kayo."

Ano kayang nangyari don?

Ang bilis ng oras hapon na at natapos narin ang klase namin na-una ng umuwi si bebs.

Nakarating na ako sa rooftop at nakatalikod si Zimmon kaya kinakabahan ako.

Tumikhim muna ako sa kanyang likod.

"Mabuti at nakarating ka." Kita ko sa kanyang mata ang lungkot.

"Anong pag-uusapan natin Z?" Tanong ko.

He sighed.

"Louise, gusto kita or mahal na nga yata kita eh. Baka nagtataka kagabi at ngayon bakit ganito ako diba? Pupunta sana ako sa inyo kagabi kaso nakita kitang sumakay sa kotse kaya ayon sinundan ko kayo. Pamilyar sa akin yong lalaki, sino nga ba yon? Alam mo ba nagseselos ako."

Lumakas ang tibok ng puso ko hindi ma proseso sa aking utak ang kanyang mga sinasabi ngayon.

"Alam kong wala akong karapatan diyan sa buhay mo pero Louise sino yon?" I gulped.

"Siya s-si L-Lemuel ang dati k-kong boyfriend." Nauutal na sagot ko.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now