Book 2: Chapter 6

3K 51 9
                                    

Mga bebs halo-halo! Nagsasawa naba kayo sa kwento nila ZimBre? Haha! Comment naman kayo dyan at  bawal ang mga punyeta dito charot! Sana magustuhan niyo 'to, hays try kong makapag-update ng mabilis 'kay? At saka bawat chap ay pinaikli ko lang kasi trip ko eEnjoy mwaah! :*

-Ate Gandabels

Breana ~

Ang bilis talaga ng panahon masaya ako na may girlfriend na ang panganay kong anak na si Zian.

Dinala niya rito sa Rock Gal si Nicolette   pinapabayaan ko nalang sila na mag date basta hindi lang aabot sa punto na may gagawing kababalaghan, iba pa naman ang panahon ngayon.

Sa sumusunod na araw pumunta ako sa mall na mag-isa kanina pa akong hindi mapakali kasi parang may nagmamasid sa akin pero hindi ko nalang 'yon pinansin.

Si Z kasi busy 'yon sa company ang daming inaasikaso pero hindi naman siya nawalan ng time para sa amin.

Pumunta muna ako sa ladies room pagkatapos ay lumabas na ako at nagulat ako dahil bigla nalang akong napatid dahil medyo maraming tao akala ko sa sahig na ang bagsak ko kaya lang may agad nakasalo sa akin medyo napahawak ako sa braso ng taong 'yon.

"Geez, okay ka lang?" Sabi ng lalaki.

Mabilis akong umiwas at tumango. "Uhm, yes. Thanks." Sabi ko at saka umalis.

Jusko bakit ba ako minalas tsk. Hindi pa ako nakakalayo ay may narinig akong sigaw.

"Miss! Teka lang." Paglingon ko ay yong lalaki ang tumawag, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ulit siya.

"What?" Ayoko sanang mainis kaso hindi ko napigilan.

"Chillax babe, I'm Gavin. Ikaw?" Napataas ang kilay ko, seryoso ba siya?

"Mister, may asawa't mga anak na ako kaya please lang ayoko sanang maging bastos pero nagmamadali kasi ako." Pagsisinungaling ko sa huling salita, ang totoo ayoko talaga na makipagkilala pa.

Gwapo naman siya at matangkad parang Korean ang hitsura niya.

"Woah! Really? Ang hot mo kasi akala ko single kapa e." Nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon bago pa ako maka react ay agad naman siyang kumindat at kumaripas ng takbo.

Natulala ako ng ilang segundo saka bumalik ako reyalidad at nasa mall pala ako shit!

Kung makita ko ulit 'yong lalaking bastos na 'yon saksakin ko talaga siya gamit ang ballpen kainis!

-

Zimmon ~

Kakatapos lang ng meeting namin at nandito ako sa office ko at naka-upo sa swivel chair. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis kumunot ang noo ko.

Fuck!

Si Louise ito ah at biglang kumuyom ang kamao ko.

Hindi ko alam kung sino ang nagpadala sa akin ng pictures. Shit!

Kinalma ko ang sarili ko kasi puta sino ba 'yong lalaki na nakayakap kay Louise at saka hinalikan pa talaga ang kamay niya.

Pumikit muna ako sandali pero shit hindi mawala sa isip ko ang pictures na 'yon.

"Sir nandito po si Ma'am Wynter sa labas." Sabi ng secretary ko sa intercom.

Ano na naman kaya ang ginawa ng babaeng 'to kainis.

Wala akong magawa kaya pinapasok ko siya.

"Hi! Nagdala ako ng foods para sa 'yo." Bungad niya sa akin.

"Bakit kaba pumupunta pa dito Wynter baka magalit na naman sa akin ang asawa ko." Galit kong sinabi sa kanya pero fuck! Umiyak siya.

"Miss lang naman kita e, at saka masama bang padalhan ka ng pagkain?" Umiiyak niyang sabi, napabuntong hininga nalang ako sa kaartehan niya.

"Fine!" Nagliwanag naman ang mukha niya at mabilis lumapit sa akin at binuksan niya ang lunch box.

"Say aah."

"No, ako na hindi naman ako bata para subuan mo." Sabi ko.

"Okay sabi mo eh." Ngumiti naman siya.

Tahimik lang siyang tumingin sa akin at nakailang subo na rin ako ng biglang bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa nabitawan ko ang kutsara at napasandal bigla pagkatapos wala na akong makita.

-

Breana ~

Nagdala ako ng lunch para kay Z papunta ako sa company at ilang minuto ay agad akong nakarating nasa labas na ako ng building at binati ako ng mga guards at ilang empleyado ngumiti lang ako sa kanila.

Nakasakay na ako elevator at sakto naman na nasa tapat na ako ng office ni Z at wala akong nakitang secretary baka umalis.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan. Pagpihit ko sa doorknob ay agad kong nabitawan ang dala kong pagkain dahil sa nakita ng dalawa kong mata.

Si Z na walang malay pero nakabukas ang ilang butones ng suot niya at ang kapal ng mukha ng babaeng ito kasi nakakandong na siya sa kay Zimmon. At hinalikan niya ang walang malay kong asawa hindi ako napansin ni Wynter kaya ako na mismo ang lumapit at sinabunutan ang kanyang buhok hanggang sa makalbo ang malanding babaeng 'to!

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now