Last Page

6K 140 12
                                    

A/N: Salamat sa mga nagbabasa nito kahit hindi maganda, baguhan lang po ako at pagpasensyahan kong malaki ang expectations niyo rito pero ito lang talaga ang kaya ko hahaha!!

May bago akong kwento na naman anak nila Breana at Zimmon ang bidang lalaki hihi. Inspired po siya sa A Love So Beautiful Ang title ay A Game Called Chasing

Pramis magustuhan niyo siya.

Sorry sa wrong grammar at typos.

Okay last nato enjoy! :)
-

BREANA~

Kanina pa akong naiingayan sa cellphone ko, tamad ko 'tong kinuha sa side table hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag ngayon ang nasa-isip ko ay gusto ko pang matulog.

I groaned. "Hello?" Pikit pa ang dalawa kong mata.

"Good morning po Ma'am, kailangan niyo pong pumunta rito sa Rock Gal dahil may emergency po." Napabalikwas ako ng bangon dahil sa hindi malamang dahilan, pero ano daw emergency?

"What?" I asked Aira. "Kailangan niyo na pong pumunta rito Ma'am nagkagulo na."

"Okay, I'll be there." Dumiritso na ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko. After that tinignan ko muna ang orasan at alas 9:37 na pala ng umaga. Ganito ba talaga ang buntis minsan napapagod na akong bumangon sa kama. Urgh, bumaba na ako sa hagdan at nadatnan ko sila na naglilinis ng bahay.

"Manang asan sila Mommy?" Tanong ko kay manang. "Ay magandang umaga iha, ahh umalis sila ng Daddy mo hindi ko alam kung bakit. Kain ka muna maghahanda ako," Mabilis kong pagtanggi nagmamadali na kasi ako.

"Wag na salamat nalang, una po ako Manang." Lumabas na ako ng bahay at sinabihan ko si Manong na ipahatid ako sa RG.

Sumakay na ako sa sasakyan habang nagmamaneho si Manong bigla nalang 'tong tumigil. Inangat ko ang ulo ko at halos mahimatayin na ako dahil sa mga lalaking naka mask papunta sa amin. "Manong, OMG!" Nagpapanic na ako dahil pinilit buksan ang pinto ng sasakyan ang isa sa lalaking itinutok ang baril sa amin. Walang magawa si Manong dahil na rin siguro sa takot kaya na unlocked ang pinto ng sasakyan.

"Lumabas ka diyan Miss kung ayaw mong iputok ko sa'yo ang baril." Sabi ng tabachoy na lalaki sa isang baritonong boses.

"Please maawa kayo sa akin buntis po ako, anong kailangan nyo?" Naiiyak kong sabi.

"Sasama ka sa amin sa ayaw at gusto mo, sige kunin niyo sya." Hinawakan ako sa magkabilang braso ng ibang lalaki, tinignan ko si Manong base sa reaksyon niya takot din 'to.

"Okay sasama ako sa inyo wag niyo kaming saktan ng baby ko." Halos pabulong kong sabi.

Sumakay na ako sa van na itim nilagyan ng blind fold ang dalawa kong mata. Lord, help me.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now