Page 39

4.5K 125 4
                                    

BREANA~

"HAHAHA! Ano ba Carl wag mo nga akong binobola." Tili ni Amor, nandito kani ngayon sa bahay ni Carleen.

Nagtataka kayo kung bakit Carl? Syempre meron pa talagang pag-asa na maging lalaki si Bebs hahaha nakakatawa talaga sila, akalain mo 'yon naging tunay rin ang kanilang relasyon.

Kahapon pa ako nakabalik dito sa Pilipinas, apat na taon na rin ang lumipas simula nong umalis ako. At sa ibang bansa akong nagpatuloy sa pag-aaral, graduate na ako sa kursong HRM napagdisesyonan ko na magpatayo ng Restaurant dito sa Pilipinas.

Flasback

"Hinay-hinay lang bebs sa pag-inom."

"Ang sakit lang talaga bebs, that feeling na naghihintay ka sa wala."

"Okay lang yan bebs, dapat mag-usap kayo at maglinawan kung ano bang nangyayari, okay?"

"Sana nga bebs, gusto kong ipaintindi niya sa akin."

"Ganyan talaga bebs."

Umuwi ako sa bahay na parang baso na nabasag, kinaumagahan pumasok ako sa school hindi ako yong klaseng babae na magpaka losyang nag-aayos parin ako kahit deep inside nakawalang gana.

Dumiritso muna ako sa room gusto ko pa sanang pumunta sa kanilang HQ pero may klase pa pala ako at napaka strikto nitong prof namin.

Pagkatapos ng klase sinamahan ako ni bebs sa HQ nila, pinihit ko ang door knob dahil hindi naman naka lock kinakabahan pa ako hanggang sa nabuksan ko 'to.

Nakita ko si Z na mag-isa lang papasok na sana ako ng--

"Why are you here?" Lamig niyang saad.

Parang kinurot ang puso ko don.

"If you don't mind, pwede ba kitang maka-usap?" Kalmado kong saad.

"Let's break-up." Bigla nalang tumulo ang luha ko buti nalang nandon sa labas si bakla at kami lang dalawa ang nandito.

"Why Z? Paki explain mo nga sa akin?" Singhal ko sa kanya, hinawakan niya ako sa braso at para akong nakukuryente sa pagkakahawak niya.

"Hindi ba obvious, I don't love you anymore. Pwede kanang lumabas." Masakit man pero pinilit kong maging matapang.

"Okay, sabi mo 'yan. Pakasaya ka." Sarcastic kong sabi.

Putang ina lang talaga! Sa sumunod na araw wala akong pinansin na malapit sa kanya at, hindi na ako pumasok dahil sinabi ko kay Mommy na don nalang ako sa ibang bansa magpatuloy. Total nandon rin naman nakatira ang mga relatives ko.

Masakit sobrang sakit, sinumpa ko talaga ang mga lalaki.

Maraming nanligaw sa akin, wala akong oras sa love life na yan putang ina lang talaga.

Pilit ko siyang kinalimutan hanggang sa naka move-on na ako.

At nang makatapos ako sa college at miss ko na ang parents ko hindi na ako nag dalawang isip na maka-uwi sa Pilipinas.

"Hey bebs! Tulaley ka na naman diyan." Pa baklang sabi ni Carl.

"Hahaha, wala ito bebs. Namiss ko lang talaga kayo." Sabi ko nalang.



Kinaumagahan sinamahan ako ni Mommy para ipakita sa akin ang pwesto na pwede kong ipatayong restaurant.

Naka-abot na kami sa lugar kung saan ang sabi niya, nandito kami sa isang lugar kung saan maraming tao meron ding fastfood sa labas ng mall actually mas maganda rito. Tinignan ko ang pwesto maganda ito.

"Okay na ito Mom." Nakangiti kong sabi.

"Hindi ka na talaga Baby anak." Biglang yakap ni Mommy sa akin. I just smiled at her.

"Tara muna sa Dad mo at sasabihin natin na nagustuhan mo." I nodded my head.

Pinuntahan na namin si Dad sa kompanya namin.

Maraming tumitingin sa amin, at hindi niyo alam maraming nagbago sa akin lalo na sa aking bagong hitsura.

Kung dati naging Cold ako ngayon ibinalik ko na rin sa dati pero sa taong malalapit sa akin hindi ko sila pinalalamig na pakitungo don lang sa taong hindi malalapit sa akin.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now