Page 11

6.8K 210 11
                                    


Carleen~

Kahit may pasok bukas pumunta parin ako dito sa bar, nag text kasi si Dale sa akin at wala na akong magagawa jackpot nato mga beshy! Mga gwapong fafa ba naman ang kasama ko hahaha.

Kanina tinawagan ko si Breana nag alala lang ako kaya gusto kong makasigurado kung okay lang ba yon.

"Carl ano nga pala ang pangalan mo kapag gabi?" Tanong ni Raver na tumungga ng alak.

"Haha, Carleen fafa Reeeeyb." Landing sagot ko sa kanya.

"Puta bakit kaba naging bakla?" Sabi ni Dale.

"Sa tiyan palang ako ni madeeer ko babae na talaga ang puso ko hahaha."

"Tssskk.."

Hindi pa masyadong maraming tao dito sa bar kaya ang pwesto namin ay dito sa VIP.

"Ano ba talagey ang pag-uusapan natin mga fafa?"

"Kadiri ka talaga bakla, fafa? Amputa!" Mura ni Dale.

"Alangan namang MAMA haleeeeer?"

"Hahahahahahaha," mga baliw talaga sila.

"Paano ba namin yan makilala si Breana?" Seryosong tanong ni Raver, at si Zimmon tahimik lang dito sa upuan niya.

"Hmmmmm.... Paano nga ba? Ganito nalang mga fafa, bukas kapag break time na pupunta kami sa cafeteria pagkatapos hanapin niyo kami at umorder muna kayo ng pagkain tapos don kayo uupo sa pwesto namin. Pero dapat magpapaalam muna kayo kunwari, okay ba?"

"Sige ganyan nalang." Woooh! Akala ko hindi na magsasalita si Zimmon.

Nagulat ako sa sinabi ni Zimmon na narinig niya kami sa rooftop at sinabi niya rin na matagal na niyang makita si bebs at wrong timing pa talaga. Kami lang apat ang nakaka-alam dapat hindi ko muna 'to sasabihin kay Breana.

Kaleeerkkeeey talaga! *sabay hawi sa bangs kahit wala naman*

Marami pa kaming napag planuhan at pagkatapos naming uminom nagsi uwian na rin kami.

Sana bukas hindi palpak hahahaha!

-

(Third Person)

Maagang umalis ang lalaki sa kanyang condo na tinirhan na pag mamay-ari ng kanyang kaibigan at hiniram pa niya ang sasakyan nito.

Habang nagmamaneho siya konting kaba ang kanyang naramdaman dahil ilang taon niyang hindi nakita manlang ang babaeng iniwan niya. Kaya ganito nalang ang kanyang pakiramdam, ilang minuto ang lumipas nakarating din siya sa Cruz University pero sa labas lang siya ng school itinabi niya ang sasakyan malapit sa may nagtitinda ng street foods.

Sa loob lang siya ng sasakyan wala sa kanyang plano ang bumaba.

Tinignan niya isa-isa ang mga studyanteng pumasok sa gate hanggang makita na niya ang babaeng nakasuot ng faded na jeans na ang damit naman niya ay V-neck shirt na kulay gray at naka suot rin ng sapatos na kulay black na may tatak na nike. Kahit simple lang ang suot ng dalaga ang lakas parin ng dating sa kanya lalo itong gumanda sa paningin niya at palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso.

Hindi niya namalayan nawala na sa kanyang paningin ang babae dahil tuluyan ng nakapasok sa school.

Hinampas niya ang manibela ng sasakyan at hindi niya alam ang gagawin kaya nag pasyahan rin niyang bumalik ng condo.

"Damn it!"

"I missed you so much Honey."

Yan lang ang lumabas sa kanyang bibig.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now