Tick-tock-tick-tock
Ang tunog ng orasan nalang ang naririnig ko dito sa classroom kasi inaabangan ko na mag 4pm at magkikita pa kami ng girlfriend ko. Kanina pa ako excited na umalis nung nag message yung girlfriend ko kaya ngayon di na ako mapakali.
Nung nag bell ay agad ako napatayo at kinuha yung bag pero hinarang ako ng kaibigan ko.
"Aba! Nagmamadali ka yata?" Tanong sakin ni Forth.
"Magkikita kami ni Moo Wan."
"Wooh! Magdedate pala. Saan?" Talagang ma-usisa tong si Forth kailanman. Pati pagkikita ko sa girlfriend ko kelangan pa nya malaman kung saan.
"Diyan lang sa Starbucks Coffee."
"Pwede sumama?"
"Gago! Ayoko may referee!"
Tumawa ng malakas ang kaibigan ko dahil sa biro ko. "Sige na nga. Umalis ka na pero balitaan mo ko bukas kung naka-score ka na." Tumawa ulit siya.
"Gago ka Forth!" Hindi ako ganun. May respeto kaya ako sa mga babae. "Alis na ko Forth. Bukas na lang."
Tumango si Forth at agad na ako tumakbo sa lobby hanggang sa labas ng school. Nakita ko yung sundo ko at sumakay. Sinabihan ko yung driver na ihatid muna ako sa Starbucks Coffee sa downtown. Excited ako palagi kapag magkikita kami ni Moo Wan kasi tuwing kasama ko siya, masaya ako.
Dumating ako mga 5pm dahil medyo traffic. Nagtext ako kay Moo Wan na andito naku sa Starbucks Coffee. Hindi ko na hinintay yung reply at hinanap ko na siya at nakita ko siya nakaupo sa couch. Lumapit ako sa likod nya at hinalikan ko yung pisngi nya. Nagulat si Moo Wan at parang naiinis siya sa ginawa ko.
"Sorry na." Nag apologize nalang ako kahit naglalambing lang ako sa kanya. Di siya sumagot sakin at mukhang galit pa siya.
"Umorder ka na." Sabi nya na may halong coldness.
Sinunod ko siya at nag-order na ako ng brewed coffee. Habang naghihintay ako sa coffee ko ay tinitingnan ko yung girlfriend ko at may kausap siya sa phone. Parang mukhang malungkot siya habang may kausap siya.
"Akira!" Tinawag na yung pangalan ko at kinuha ko na ang coffee tapos bumalik ako sa couch.
Bigla nya binaba yung tawag at parang di siya mapakali. Nilagay ko muna yung coffee sa table kasi mainit pa.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
Di agad siya sumagot. Napapansin ko na bothered at may gusto siyang sabihin. Hinintay ko yung sagot nya.
"Ming..." bigla siya nagsalita. May lungkot yung pagkakasabi niya at ako naman ay ready na e-comfort siya kung may problema man siya.
"Maghiwalay na tayo."
Ano raw?? Mali ba yung pagkarinig ko?
"I'm sorry, Ming."
"Bakit?" Yan yung sinabi ko pagkatapos ko marinig yung hiwalayan.
"May kasalanan akong nagawa."
"Ano naman kasalanan mo sakin?" Malungkot na yung pagkatanong ko sa kanya. Napansin ko na kabado siya dahil pino-pino niyang pinunit yung tissue sa lamesa. Naging mannerism na niya yun kung kakabahan siya.
"May iba na akong gusto."
Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko pagkatapos niyang sumagot ng ganun. Di ko maintindihan kung san ako nagkulang o nagkamali sa kanya. Siya kasi ang first love ko at 2 years na kami na in-relationship.
"Kaya pala sa tuwing magkasama tayo palagi mo chinicheck yung phone mo at minsan napa-smile ka pa dahil sa kanya?"
Di ko na alam kung anong gagawin ko. Naghalo na ang sakit at galit sa puso ko.
"I'm sorry, Ming."
Umalis ako kasi di ko kaya ang nararamdaman ko. Ang dali niyang nakalimutan yung pagmamahal ko sa kanya na agad ako ipagpalit sa iba. Bakit may mga taong di makuntento sa isa? May kulang ba sa akin? Ginawa ko naman yung mga gusto niya. Di ko nga pinaramdam sa kanya na may mga babae na umaaligid sakin kahit sa school. Nirereject ko yung mga babae na gusto makipag date o makasama ako. Pero, bakit?
Palakad-lakad ako dito sa downtown na wala sa sarili. Hinubad ko yung polo uniform ko at nilagay sa bag saka ako pumasok sa isang KTV bar. Umorder ako ng mga alak at magpapakalasing ako para mawala yung nararamdaman ko.
Uminom ako ng uminom hanggang di ko na kaya. Umiikot na yung paningin ko. Kumuha ako ng pera at di ko na alam kung magkano yung bayarin ko. Basta nalang binigay ko yung pera at umalis ako. Paglabas ko ay parang nabasa ako na ewan. Naglakad ako na lasing at parang natumba ako.
Gusto ko ng humiga at may biglang nagsalita na di ko na masyado narinig. Mabigat na yung pakiramdam ko at nag blackout na ako.
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...