Sapphire Pendant

966 47 2
                                    

Pree's POV

Agad ako umalis sa game at sumakay sa sasakyan ko. Tinawagan ko yung ibang bodyguards na sumusunod sa mga dumukot ni Yo.

"Nasaan kayo?"

"Sinusundan pa namin yung sasakyan sir Pree."

"San banda?"

"Nasa downtown pa pero parang lalabas sila ng city sir Pree."

"Okay, sundan niyo lang sila. Wag niyo hayaan na makatakas."

"Okay sir Pree."

Binaba ko na yung call at inutusan ko yung driver na dalhin ako sa bahay. Tumawag ako ng mga private investigators at inutusan ko sila na tingnan lahat ng cctv footage sa city.

Nang dumating ako sa bahay upang magbihis ay tinawagan ako ng mga bodyguards ko. Naibato ko yung phone ko dahil sa balita nila na natakasan sila. Nanginginig yung kamay ko sa galit dahil hindi ko nagawang bantayan ng mabuti si Yo at pinagkatiwala ko pa siya kay Ming. Nagbihis ako agad at umalis papunta sa office ni dad.

"Dad! Nawawala si Wayo!" Sigaw ko habang papasok ako sa office ni daddy. Nagulat nalang ako nang nakita ko si P'Joss.

"Umupo ka muna anak. Alam ko na yun dahil sinabi ni Joss sakin." Utos niya sakin.

Umupo naman ako at nagsalita ulit. "Magpadala po kayo dad ng mga magagaling na investigators please. Ayoko may mangyari kay Yo tulad noon."

"Nagawa ko na yun Pree. I already hired all your top investigators sa agency niyo." Sabi ni Joss.

Hindi rin mapakali si Joss dahil sa nangyari. Akala kasi namin na hindi na madudukot si Yo sa sobrang higpit ng bantay. Pero paano nangyari yun eh parang alam ng suspect yung galaw namin at alam niya kung sino yung mga bodyguards na nagbabantay kay Yo.

"Salamat P'." Alam ko na nag-alala din si P'Joss. "Dad, alis muna ako."

"San ka pupunta?" Tinanong niya ako.

"Hanapin ko yung fiance ko."

Agad ako lumabas ng office at napagdesisyonan ko na pumunta kina Ming. Nang nakalabas na ako ng building, napansin ko may nagmamanman sakin. Di ako nagpahalata at sumakay ako sa kotse ko. Pinuntahan ko si Ming sa bahay niya pero sabi ng katulong nila wala si Ming at hinahanap pa si Yo. Gumawa na din pala siya ng aksyon.

—ring—ring—ring—

"Sir Joss, may nakita kami sa cctv footage. Sinend ko na yung footage sa email mo baka makilala mo yung dumukot kay Yo." Sabi ng investigator.

"Okay, thank you."

Agad ko binuksan yung email at nakita ko yung lalake na buhat-buhat si Yo. Nakatakip yung mukha at matangkad yung lalake. Naka leather jacket pa siya. Nakita ko pa si Ming na nakahiga lang at may basag na paso. Pinapanood ko pa yung footage hanggang nakita ko si Pring na lumabas sa toilet ng babae. May tinawagan siya at that time.

Tinawagan ko yung administration ng university at hiningi ko yung address ni Pring. Nang binigay nila yung address ay agad ako pumunta sa bahay niya pero wala siya. Naghihinala na ako na may kinalaman si Pring sa nangyari. Nang di na ako mapakali ay tinawagan ko na si Mo.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon