Caramel Sweetness

1.8K 73 0
                                    

Hindi kaya tanggapin ng sistema ko yung panliligaw ni Forth kay Wayo. Nung nalaman ko na nakipag dinner out siya kay Forth ay parang naiinis ako lalo nat pumupunta na dito si Forth tuwing umaga para sumabay kay Wayo. Sila na ba?

2 weeks passed at naging close na silang dalawa. Palagi na sumasabay samin si Forth pag papasok na kami sa school. Nung una ay gusto ni Forth na sumakay nalang sa kotse niya pero nag insist si Wayo na maglakad lang siya kaya heto, sabay namin siya naglalakad patungo sa school.

"Yo, punta tayo ng mall mamaya. Samahan mo ko bumili ng gift para kay mama." Niyaya siya ni Forth at teka lang, Yo na ang tawag niya ha. Super close na sila.

"Sige. After nalang ng 3pm class ko."

"Okay." Masaya si Forth nung pumayag si Wayo.

So, mag-isa lang ako uuwi mamaya? Teka, dapat sasama din ako baka anong gawin ni Forth kay Wayo.

"Sama ako sa inyo Forth." Siningit ko na talaga.

"Sure Ming!"

Hindi ko alam kung gusto ko sumama mamaya pero may gut feeling ako na makikipag date siya kay Wayo.

Pumasok na kami sa aming klase at heto si Forth nagtetext na naman bago magsimula yung class.

"Hoy Forth, sino ba yang katext mo?" Curious na ako.

"Si Yo. Tinanong ko siya kung anong magandang regalo para kay mommy."

Huh? Talaga ha!! Nagkita na ba sila ng mommy niya na para bang kilala na ni Wayo. Bakit, inis na inis na naman ako?

"Kahit sa reply, napakacute pa din isipin ni Yo. May emoji pa sa mga text niya." Talagang sinabi niya kahit di ko naman tinanong.

"Ahh okay." Tipid na sagot ko.

Kahit nagsimula na yung klase namin, di parin mawala yung masayang mukha ni Forth. Nakita ko pa na tintingnan niya yung mga post ni Wayo sa Facebook. Pwede, magfocus ka sa klase Forth!!!

——————————————————————————

Nung natapos na yung huling subject namin sa hapon ay agad umalis si Forth na di ako niyaya. Tumakbo pa siya at hinabol ko pa siya. Alam kong pupunta siya sa classroom ni Wayo kahit di pa tapos yung klase ni Wayo.

"Forth, maghihintay talaga tayo dito? Pwede naman e-text natin si Wayo na hihintayin natin siya sa canteen." Suggestion ko.

"No. Hihintayin ko na siya dito. At saka, 2:45pm na din." Sagot niya habang sinisilip niya si Wayo.

Wala na akong magawa kundi umupo na ako sa bench malapit sa classroom kung san natandaan ko yung araw na bumili ako ng sandwich at tubig para kay Wayo. Nakaabang talaga si Forth sa may pintuan na para bang magulang ng isang kindergarten.

"Forth!! Umupo ka nga dito!" Tumaas boses ko dahil sa inis sa kanya.

"Okay lang." He mouthed.

Kahit kailan di talaga masaway si Forth. Pag gusto niya, gusto niya. Hinayaan ko nalang siya. Kinuha ko muna yung phone ko para libangin ang sarili ko nung biglang nagka idea ako.

E-text ko kaya si Pha. Hahahaha! Pero di ko ginawa. Baka kasi magalit si Forth sakin. Gabi pa kasi ang huling klase ni Pha kapag Friday.

Nag Facebook nalang ako at sinearch ko yung profile ni Wayo. Private talaga yung profile niya at gustong gusto ko na talaga siya e-add kaso di ko magawa. Dahil dun ay gumawa ako ng dummy account at una ko inadd si Wayo. Naglagay ako ng profile pic na animated puppy. Sana e-accept niya yung request ko.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon