Forewarning

1.2K 61 3
                                    

—— 1 Month Later ——

Naging busy kami nitong nakaraang buwan dahil sa midterm exams. Si Yo ay focused talaga sa pag-aaral at pati nga ako tinuturuan niya ko. Ewan ko ba kung bakit ang talino ng boyfriend ko. Pati mga subjects ng PT ay kaya niya e-explain sakin.

Nasa bahay ako ngayon dahil semestral break na. Si mommy ay palagi nasa business niya at ang kaibigan ko na si Forth ay nasa US.

Na-miss ko na nga si Yo dahil nagbakasyon siya sa Seoul kasama ang pamilya niya. Sabi niya isang linggo sila dun. Di kami masyado nakapag-usap at video call dahil sa tour nila. Balak ko na nga sundan siya.

~~ phone ring ~~

Akala ko phone call, video call pala. Si Yo!! Agad ko sinagot at sobrang saya ko nung nakita ko mukha niya. Naka bonnet at jacket siya.

"Baby, kamusta ka na?"

"Okay lang ako. Ikaw?"

"Heto, miss na miss kita."

"I miss you too."
"Pero, parang hindi na kita miss."

"Ano?!! May iba ka na diyan noh kaya di mo na ako na-miss."

Tumawa pa siya bago sumagot.
"Di na kita ma-mimiss."

"Ewan ko sayo!! End ko na ang call."

Nainis ako kaya I ended the call at di talaga siya tumawag ulit. Pero, patingin-tingin pa din ako sa phone ko baka tumawag siya ulit o magtext pero wala eh. Mas lalo akong nainis sa kanya nag biglang may nagpop-out na notification sa Facebook na may post at naka-mention pa sakin.

Binuksan ko at nagulat ako sa post ng boyfriend ko. Picture niya na nasa Starbucks Coffee siya and he's holding a cup of Caramel Frappuccino with a MingYo name. Napawi ang inis ko at napangiti na lang.

"Wait!! Familiar yung Starbucks Coffee na yan!" I talked to myself.

Tinignan ko ng maigi yung place at mas sumaya ako pagkatpos ko tignan ang picture. Agad ako nagbihis at nagdrive ng Lamborghini ko.

Nang dumating na ako sa Starbucks Coffee ay agad ako napatakbo kay Yo. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil miss ko na siya.

"I miss you, Hon." Bulong niya sakin habang yakap ko siya.

"I miss you too, baby."

Pagkatapos namin magyakapan ay umupo na kami. Binilhan na pala ako ng brewed coffee ni Yo. Yes, brewed coffee ang gusto ko.

"Bakit brewed coffee ang binili mo sakin?" Tanong ko.

"Alam ko kaya na ayaw mo ng caramel." Sagot niya.

Napangiti nalang ako pero sobrang saya ko na bumalik na siya.

"Di ba may dalawang araw pa kayo dun sa Seoul?"

"Oo, pero may emergency meeting kasi si dad kaya ako na ang sumama pauwi."

"Ahh! So naiwan silang lahat dun?"

Tumango siya. "Gusto ko na din umuwi kasi may naiwan din ako."

"Huh? Ano naman naiwan mo? So babalik ka dun agad?" Sunod-sunod na yung tanong ko.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon