Madness

1.1K 58 0
                                    

— 2 Weeks Later —

Naging intense yung practice nila Yo and every night pagod na pagod siya. Pagdating sa kwarto ay agad siyang hihiga sa kama niya. Walang patawad na si Pree sa pagpractice nila dahil two days from now ang game nila. Kahit papano ay may time pa din si Yo sakin lalo nat sa gabi, may sexlife pa din paminsan-minsan.

Ayoko ng baby ko na araw-arawin baka daw ma-adik siya. Araw-araw pa naman ako nalilibogan sa kanya kapag matutulog sa gabi dahil magkatabi na kami matulog.

Nakita ko si Kit at Beam na pumasok sa gym. Lumapit sila sakin at nagtanong.

"Ming, pwede ba makausap namin si Wayo?" Tanong ni Kit at mukhang nag-alala siya.

"Oo naman pero pagkatapos nalang ng practice nila."

Tumango lang sila at umupo kasama ko habang nanood kami. Si Kit ay panay text ng text tapos si Beam nakikinood.

30 minutes after, natapos na din yung practice nila at lumapit si Yo samin.

"P'Kit, P'Beam kamusta?" Sabi ni Yo.

"Okay lang." Sagot nila ng sabay.

"Yo, pwede ka ba namin kausapin?" Tinanong siya ni Kit.

"Oo naman. Ano pag-usapan namin?"

"Pwede tayo lang... yung walang ibang tao?"

Tumingin sakin si Yo at tumango lang ako. Wala namang problema sakin baka importante din yung pag-uusapan nila.

Umalis sila sa gym at nagpa-iwan lang ako. Sabi ni Yo na babalikan lang niya ako after nila mag-usap. May mga bodyguards din naman na nakabantay sa kanya sa malayuan.

"Ming, san pumunta si Yo?" Tanong ni Pree.

This past few days ay di na ako masyadong naiinis kay Pree. Parang naging okay lang din sakin na magkasama sila sa practice lang naman. Pero pag sila lang tapos nasa ibang lugar, ay ibang usapan na yon.

"Di ko alam. May pag-uusapan lang daw sila ni Kit at Beam."

Tumango lang siya at nagpaalam na uuwi na siya. Inaliw ko nalang yung sarili ko sa panonood ng clips sa YouTube.

— 20 Minutes Later —

Di pa rin bumalik si Yo kaya tinawagan ko siya. Nag ring lang yung phone niya at hindi niya talaga sinasagot. Tinawagan ko yung mga bodyguards ko na nagbabantay kay Yo.

"Nasaan si Yo?"

"Andito po sila sa bahay ng Kongthanin."

Bakit kaya di nag-paalam si Yo sakin?

"Sige, magbantay kayo diyan hanggang lumabas si Yo sa bahay nila. Pupunta na ako diyan."

Binaba ko na yung call at agad ko tinawagan yung driver ko na sunduin ako sa school. Habang hinihintay ko yung kotse ay tinignan ko yung bag ni Yo. Kaya pala di siya sumasagot dahil andito yung phone niya. Tinawagan ko si Kit at Beam pero hindi sila sumasagot.

Halos 10 minutes yung nakalipas nang sinundo ako. Inutusan ko na magdrive siya ng mabilis papunta sa bahay nila Phana. Nang nakarating ako ay agad ako nag doorbell at pinapasok ako sa bahay.

"Kit, Beam! Bakit di kayo sumagot sa tawag ko?" Iritable yung pagkatanong sa kinila.

Napansin ko na bothered sila.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon