Water Under The Bridge

1.6K 74 0
                                    

I owned and tasted his lips. It feels warm and calmed my heart in a race.

Nalasahan ko din yung itlog na tinatapon ni Wayo sakin. Malambot din ang pinkish lips niya. And I like the feeling when Wayo kissed me back. But, he withdrawed.

Tumayo ng mabilis si Wayo at parang di niya alam yung gagawin niya.

"I'm sorry Wayo. Hindi ko sinasadya."

Hindi siya sumagot at parang nag-iisip pa siya. Aalis na sana siya pero hinawakan ko yung braso niya. Hindi siya makatingin sakin.

"Let's forget what happened today, P'Ming." Yan nalang ang nasabi niya.

Deep inside, parang nalungkot ako pero tama naman siguro na kalimutan namin yung halik. Parang bigla din yung nangyari eh.

Di ko kasi napigilan yung sarili ko na halikan siya. At saka, di ko rin alam kung ano tong nararamdaman ko. Noon, straight ako pero ngayon, I think my gender bended ng dahil kay Wayo.

Tama din naman na kalimutan namin kasi I'm still confused on what I feel. Hindi ako sigurado if love ba toh or infatuation lang. Ayoko din pumasok sa ganitong relasyon na lalake ang karelasyon.

Umalis na si Wayo at narinig ko na inutusan niya yung maid nila na maglinis sa kusina. I also packed up my things.

"Hinatyin mo ko P'. Sabay na tayo bumalik ng dormitory."

Tumango nalang ako. I think magpalit siya ng damit niya. Umupo ako dito sa living room at naisip ko yung nagawa ko. Subconscious lang siguro yung nagawa ko. Hindi ko talaga napigilan. Kinuha ko yung phone ko at nagtext kay Forth na sasama na ako sa inuman.

Bumaba na din si Wayo at inabot sakit yung face towel at isang shirt. Malaki yung shirt na binigay niya at parang kang Phana toh.

"Magpunas ka muna P' bago tayo umalis."

Umalis siya saglit papunta sa isang room. Pinunasan ko na yung sarili ko at nagbihis. Bumalik siya at may dalang isang box.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Kimchi!" Nagsmile siya. "Paborito toh ni P'Pha kaya dadalhin ko."

Tumango nalang ako. Nag offer ako na ako na ang magdala ng box pero he insisted na siya nalang.

Tahimik lang kami sa kotse nung pauwi na kami. Niisa samin ay walang kumibo. Gusto ko sana basagin yung katahimikan pero napansin ko na natulog na si Wayo sa tabi ko.

Medyo malayo yung bahay nila and it take almost 2hours kasama na dun ang traffic. Sa buong byahe ay di ako nakatulog. Nag-iisip kasi ako kung ano ang approach ko kay Wayo ngayon. Nagtext na din si Forth kung san ang inuman.

Mga ilang minuto ay nakabalik na kami sa dormitory. Nilagay ni Wayo yung box sa ref at humiga agad. Nag-ayos ako ngayon para umalis.

"Alis muna ako Wayo. Sasamahan ko si Forth."

Di siya sumagot kaya umalis na lang ako.

—— At the Bar ——

"Forth, may nagawa akong mali." Nagshare na ako.

"Ano naman nagawa mo?"

Hesitant ako magshare baka kasi tuksuin niya ko. Napansin ko na naghihintay ng sagot si Forth.

"May kaibigan kasi ako. Matagal na kami close. Kanina lang ay pumunta kami sa bahay niya. Naging okay naman yun kaso di ko napigilan na halikan siya."

"So, ang tanong... gusto mo ba siya?"

"Di ko alam." Yan nalang ang naisagot ko. Di talaga ako sigurado sa nararamdaman ko.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon