1 Week Later
"Wayo, gising na!"
Kanina ko pa siya ginigising pero bumabalik siya sa pagtulog. I touched his forehead baka may sakit pero wala naman.
"Ayaw mo bumangon? Tatawagan ko si Pha." Pagbabanta ko.
Agad siyang bumangon at antok na antok pa siya. Di ko alam kung anong oras na siya natulog kagabi kasi nag-aaral siya para sa exam niya ngayon.
"P'Ming, sorry di ako nakapaghanda ng breakfast."
"Okay lang. May food naman sa cafeteria. At ayaw ko palagi kang nagluluto dito sa kwarto natin. Masarap naman ang food sa cafeteria."
Umiling siya. "Ayoko! Unhealthy kasi yung food sa cafeteria."
Oo, health conscious si Wayo. Sa tuwing nagluluto siya ng food, kasama na dun si Phana. Kaya pala hindi nagkakasakit ang ugok na yun.
"Okay. Magprepare ka na at sabay na tayo pupunta ng school." Sabi ko.
Tumango siya at kinuha yung towel niya. Habang naliligo siya, nagmamadali akong nagbihis. Iniiwasan ko kasi makita yung katawan ni Wayo kasi naramdaman ko na uminit ang katawan ko eh. Loko na! Pagkatapos ko inayos ang buhok ko ay nagpaalam ako na kakain ako sa cafeteria.
Naabutan ko si Phana sa may stairs. Parang papunta siya sa kwarto namin.
"Ming, bakit hindi nagdala ng pagkain si Wayo?" Tanong niya sakin.
"Late na nagising si Wayo."
"Ahh okay. Puntahan ko muna siya."
Agad ko siyang pinigilan at nagtaka din ako bat ko nagawa toh.
"Naliligo pa si Wayo. Mauna na daw tayo sa cafeteria." Pagsisinungaling ko. Lagot na!
Kumain na kami ni Phana at nakisabay na rin sina Kit at Beam. Nag-aaral yung dalawa habang kumakain. Si Phana, chill lang siya na parang walang exam.
"Confident ka na papasa ah!" Tukso ko kay Phana.
"Siyempre naman! Nagpaturo ako kay Wayo kagabi eh."
Kaya pala masyadong late na dumating sa kwarto si Wayo kagabi. Ganun ba katalino si Wayo na kahit 3rd year subjects ng MedTech ay kaya niyang turuan tong kapatid niya? 1st year Biology lang naman siya ahh.
"Bat di mo kami sinabihan Pha?!!" Parang galit yung tono ni Beam.
"Oo nga! Para naman madali naming maintindihan yung topic." Dagdag pa ni Kit.
Nagsorry lang si Phana kasi nakalimutan niyang e-text ang mga kaibigan nya.
"Talaga bang matalino si Wayo?" Napatanong na ako.
"Oo Ming. Siya yung savior naming tatlo nung highschool. Magaling kasi si Wayo sa algebra. Tinuruan niya kami at isang himala!!! Nakapasa kaming tatlo!" Kwento ni Kit.
Proud naman tong si Phana kasi pinagyayabang naman niya si Wayo. Haiz. Magpapaturo kaya ako sa kanya regarding Microbiology. Pero, nakakahiya!
Pumasok si Wayo sa cafeteria at kumaway si Phana sa kanya. Umupo siya kasama sa table namin at kinuhaan siya ni Phana ng food. Napansin namin na konti lang ang kinain niya. Humikab siya sandali.
"P'Ming, alis na tayo." Sabi ni Wayo.
Ilang segundo lang ay nagreact na si Phana. "San kayo pupunta?"
"Sa school Pha." Ako na ang sumagot.
"Same time kasi yung klase namin P'Pha." Dagdag pa ni Wayo.
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...