Wayo's POV
Naguluhan ang utak ko sa sinabi ni Pree sa amin pati si kuya Joss ay nagulat. Di ko naman inakala na si Pree ay anak din ng isang billionaryo.
"Nagpapatawa ka ba Pree?" Mukhang sasabog na sa galit ang boyfriend ko.
Tinignan lang siya ni Pree at nagsmirk. Napansin ko na napakuyom ng kamay si P'Ming.
"Hindi si Yo ang fiance mo Pree kundi si Ohm." Paglilinaw ni P'Joss.
"Alam ko pero pinatay siya di ba?" Mukhang confident si Pree sa mga sinasabi niya. "Baka kailangan mo tanungin ang daddy niyo regarding this matter."
Parang may mali talaga. Di ko talaga alam toh. May mga kasunduan ba si daddy about this?
"Di natin inakala na papatayin si Ohm, kaya may karapatan akong pakasalan ang bunso niyo na si Wayo."
Nalilito na talaga ako sa mga pangyayari kaya tumawag si P'Joss kay daddy. Tinititigan ako ni Pree ngayon at di ko alam kung anong gagawin ko. Lalapit sana si Pree sakin kaso pinigilan siya ni Ming.
"Wag ka muna makakasiguro Pree. Kahit may kasunduan, may choice pa din si Wayo." Sabi ni Ming na galit na sa nangyari.
"Don't get full of yourself Ming. Kahit ikaw ang boyfriend niya, ako naman ang magiging asawa niya so back off." Tinapik ni Pree ang kamay ni Ming.
"Yo, I'm sorry pero kailangan mo sumama sakin. I'll be the one to protect you." He assured me pero di ako nagpadala.
Biglang sumingit si P'Joss. "Yo, I think you need to go with him."
Huh? Bakit? Di ko alam kung ano naman pakulo ni kuya Joss.
"Nagkapirmahan ng prenuptial agreement sina Ohm at Pree. May conditions yung pinirmahan nila at isa dun sa napagkasunduan." Lalo na akong nalito sa sinabi ni kuya Joss.
Nagulat din ang boyfriend ko na parang sasabog sa galit.
"Pag may nangyari kay Ohm ay automatic na ikaw ang maging fiance ni Pree."
So kailangan ko pang tanggapin ang pagiging automatic fiance ko? Parang di tama yun.
"It was my condition Yo." Nilinaw ni Pree na sa kanya yung condition na yun.
Tumingin ako kay Ming na nagpapahiwatig na itakas ako. Napansin ko na lalapitan na sana ako ni Ming kaso hinarang siya ng daddy ni Pree. Hahawakan sana ni Pree yung kamay ko para sumama sa kanya pero agad ko tinapik at tumakbo palabas sa kwarto.
"Yo!" Sumigaw si Ming sakin at lumingon ako.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo kasi humahabol din si Pree sakin. Malapit na sana ako sa elevator ng biglang nawala yung mga ilaw sa lobby. Inexpect ko na mag-on yung mga emergency lights pero hindi. Wala na akong nakita ngayon. Hindi agad nag adjust yung mata ko sa dilim.
"Ming, nasa may elevator ako!" Sumigaw ako.
"Hintayin mo ko diyan." Sumagot pa ang boyfriend ko ng may biglang humila sakin at tinakpan yung bibig ko.
Hinawakan ng mahigpit yung kamay ko sa likod at tatapakan ko sana yung paa niya kaso malakas siya sa pagkaladkad sakin.
"Yo!! Nasaan ka na?" Narinig ko pa na sumigaw si Pree.
Hindi lang siya mag-isa yung kumaladkad sakin at parang dumaan na kami sa may fire exit. Pababa kami ngayon at ng medyo di na masyadong mahigpit yung paghawak niya sakin ay agad ko sinipa yung binti niya.
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...