Hindi ako makapaniwala na ang roommate ko ay ang stepbrother ni Phana... Si Wayo Kongthanin. Di ko rin alam na nag dormitory pala siya. Ang alam ko lang ay si Phana lang ang nagdorm.
"Kumain ka na P'Ming. Binilhan na din kita ng pagkain." Sabi niya sa akin.
Di pa rin mawala sa mukha ko yung shock kasi kanina lang tinawag ko si mommy ng Wayo at ngayon totoo na toh. Parang awkward yung pakiramdam ko at saka kahapon ko lang siya nakilala.
Naglakad si Wayo papunta sa lamesa kung san nakalapag yung mga pagkain. Hindi pa rin siya kumakain. Tumayo na ako at umupo para sabayan siya.
"Hindi ko alam yung paborito mong pagkain kaya binili ko na lang lahat ng main course na nasa menu ng restaurant."
"O-o-kay lang." nautal pa ako sa pagsasalita.
Madami yung pagkain nakahain dito sa lamesa. May fried chicken, fried vegetables, sweet and sour fish at iba pa. Parang hindi namin toh maubos. Bigla kong napansin na hindi pa nagsimula kumain si Wayo at napatingin lang siya sa akin.
"Bakit?" Bigla ako napatanong sa kanya kasi awkward yung feeling.
"Kumain na tayo?"
Tumango nalang ako at nagsimula na kami kumain. Masarap yung mga pagkain na binili niya at alam ko sa mamahaling restaurant niyo ito binili. Napasulyap ako sa kanya at nakita ko na kahit sa pagkain niya ay desente pa rin siya. Parang hindi siya lumaki sa hirap. Bumalik yung focus ko sa pagkain hanggang nabusog ako.
"Tapos ka na P'Ming?" Tanong niya sakin.
Tumango lang ako at tumayo, naglakad pabalik sa kama. Umupo muna ako saglit at kinuha ko yung iPad na nasa bag ko pa. Kumakain pa din si Wayo at hinayaan ko lang siya. Tahimik lang kami sa kwarto. Niwalang nagsalita sa amin hanggang tumayo siya at nagligpit na siya ng kinakainan namin. Tatayo na sana ako para tulungan siya pero pinagbawalan niya ko. Hinayaan ko na lang siya at saka, ayoko rin magligpit noh. Tamad ako sa mga ganyan.
Pagkatapos magligpit ni Wayo ay umupo siya sa study table niya at napansin ko may sinusulat siya. Ilang sandali lang may kumatok sa kwarto namin. Ako na yung nagbukas.
"MING!!??" Nagulat si Phana nung nakita niya ko. "Ikaw pala ang roommate ni Yo."
"Oo, bakit?" Tanong ko kasi parang ayaw niya eh.
"Wala naman." Agad naman siyang pumasok at hinanap niya yung kapatid niya.
Bumalik ako sa kama ko at nagpatuloy sa paglalaro ng Mobile Legends habang nag-uusap sila magkapatid.
"P'Pha, okay lang ako. Di mo naman kailangan pumunta dito kada-oras." Sabi ni Wayo kay Phana.
"Kahit nah! Nag-alala pa rin ako sayo."
Napansin ko lang na iba yung trato ni Phana kay Wayo. Parang hindi kapatid ang trato niya nito. Pero, baka mali ako. Baka ganyan lang din mag-care si Phana sa kapatid niya kasi ganun din siya kay Oreo.
"Nasa 2nd floor ka lang ng building na toh P'Pha at alam mo naman na magpapaalam ako sayo kapag aalis o may pupuntahan ako." Sabi ni Wayo.
Habang nag-uusap sila, nawala yung focus ko sa game at natalo ako. Nainis tuloy ako kasi na distract ako sa kanila.
"Ming, pumunta ka mamaya sa cafeteria ng dormitory." Bigla ako kinausap ni Phana.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ko.
"Basta! Pumunta ka nalang... mga 7pm. Okay?" Sabi niya.
"Okay. Basta wala ng inuman ha?" Panigurado ko.
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...