Nagulat ang lahat sa nangyari at agad ako tumakbo sa court para tingnan si Yo. Tinulungan ko siya pati na yung teammates niya.
"Yo, okay ka lang?" Pag-alala ko sa kanya.
Nakita ko na hawak ni Yo ang tiyan niya. Agad ko siyang inalalayan pati na sina Kit at Mo na sumunod pala.
"Ang dumi niyo maglaro. Varsity pa naman kayo!" Sigaw ni Forth sa team ni Pree.
Nakita ko si Forth na galit na galit sa sumipa kay Yo kaya sinipa din niya at sinubukang pigilan siya ni Beam. Agad ko dinala si Yo sa clinic at nakasunod pa yung teammates niya. Si Pent ay nag-alala din.
Inexamine na ng doctor ang kalagayan ni Yo at kami lahat na nandito sa clinic ay nag-antay sa findings baka may vital organ na natamaan.
"Guys, chill lang kayo. Okay lang si Wayo." Nawala agad yung pag-alala sa boyfriend ko. "Wala namang bruises at hindi naman masyado malala yung pagsipa sa kanya. Bibigyan ko na lang ng pain reliever si Wayo."
Nagsulat na ng precription ang doctor at agad ako lumapit sa kay Yo.
"Okay ka lang ba talaga?" Pag-alala ko.
"Yes, I'm okay."
Binigay na sakin yung prescription at umalis na kami sa clinic. Inalalayan ko siya maglakad kahit sinabi niya na kaya niya. Kinamusta naman siya ng teammates niya at masaya din sila na okay lang si Yo.
"Ming, ako na bibili ng gamot." Nag-offer ng tulong si Mo sakin.
Inabot ko sa kanya yung prescription ng gamot. "Salamat talaga Mo."
"Walang anuman basta para sa fujoshi ko!" Ayan, kinikilig na naman siya. Umalis na siya at pumunta sa pharmacy.
Pinaupo ko muna si Yo sa lounge habang hinihintay yung gamot niya. Tumabi na ako sa kanya.
"Ming, wag mo nalang sabihin kay Pha yung nangyari baka magalit yun." Nagsuggest si Kit sakin at tuman
"Pent, kilala mo ba yung sumipa kay Yo?" Napatanong na ako.
"Oo, si P'Oat yun."
Humanda siya sakin mamaya. Nagpahinga muna si Yo sa couch at dumating naman sina Forth at Beam. Agad hinawakan ni Forth yung kamay ng boyfriend ko. Gusto ko sana itapik yung kamay ng kaibigan ko.
"I'm okay Forth. Di naman malakas yung pagsipa niya eh." Again, he assured.
"Gusto mo bilhan kita ng gamot?" Tanong ni Forth.
"Wag na Forth. Binili ko na yung gamot." Sumabat na si Mo na kakabalik pa lang.
Inabot na ni Mo yung gamot kay Yo at inalayan ko siya. Si Forth ay panay hawak sa kamay ni Yo at gustong gusto ko na sawayin siya. Biglang dumating si Pree.
"Yo, I'm sorry."
"Pree, wala kang kasalanan kaya wag ka mag sorry." Kahit kelan napaka understanding talaga ni Yo.
"Kahit na. Teammate ko si Oat kanina kaya I'm so sorry." Nag-bow pa si Pree para patawarin siya.
"It's okay Pree. It's just a game." Nagpause saglit si Yo. "So, pasok na ba ako sa varsity team?" Tinanong na niya ang captain ng team.
Ngumiti si Pree sa kanya. "Overqualified ka pa nga eh."
"Binibiro mo naman ako Pree." Sabi ni Yo.
"Totoo... di nga namin masalo yung curve spike mo. Kung mataas lang ang stamina ng team mo ay siguradong talo kami." Tumawa siya sa sinabi niya. "And else, I like your teamwork at ikaw talaga ang nagdala ng team niyo, Yo."
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...