Dalawang taon ang nakalipas ay gagraduate na ako at dala-dala ko na yung toga ko for the ceremony habang tinitignan yung sarili ko sa salamin. Ito na yung huling araw ko sa dormitory. Yes, nagstay ako sa dormitory for two years pagkatapos ng mga nangyari sa buhay ko. Pinili ko magstay dahil ito yung lugar na maalala ko palagi si Yo kahit sinasabi ni Forth na hindi ako makamove-on pag magstay pa ako. Hindi nga ako nakakove-on dahil si Yo pa rin ang laman ng puso ko and he'll always stay inside my heart, forever.
"Ming, tara na. Malelate na tayo sa graduation natin." Kumakatok na si Forth sa pintuan.
"Palabas na."
Lumabas na ako at sabay na kami umalis papunta ng school. Sa kotse niya ko sumakay kasi napagkasunduan namin na kahit sa huling araw ng pag-aaral namin ay sabay kami aalis for our graduation. I glanced out from the window at mamimiss ko ang lugar na 'to.
"Finally, gagraduate na tayo." Sobrang saya ni Forth dahil after ng graduation ay kukuha siya ng Medicine course.
"Nga pala, anong plano mo pagkatapos ng graduation?" Tanong niya sakin.
"Aalis ako pagkatapos ng ceremony."
"Huh? San ka naman pupunta?" Nacurious siya sa sagot ko.
"Puntahan ko lang yung mahal ko." Sagot ko sa kanya.
"Hanggang ngayon si Yo pa din?"
"Oo, Forth. Hindi mawawala si Yo sa puso ko kahit wala na siya."
"Bakit di ka nalang tumingin sa iba? Maintindihan naman yan ni Yo." Sabi niya na parang gusto niya ko maghanap ng iba. "Ayoko lang na tatanda ka ng mag-isa Ming. Hindi kita kayang i-adopt." Biro niya sakin.
Tumawa ako dahil sa joke niya. "Loko ka Forth. Pero sa ngayon, di ko pa iniisip yan. Maybe, I'll think for what I really want in my life."
"Okay. Basta, wag mong isipin na biyudo ka. Marami pa din diyan na kaya kang mahalin."
Tumango lang ako sa sinabi niya kahit iniisip ko talaga na di na ko magmahal ng iba.
Nastuck kami sa traffic kaya muntik na kami malate sa graduation namin. Hinampas pa ako ni mommy sa balikat dahil ang tagal kong dumating at tinulungan pa niya ko isuot yung toga ko. Dali-dali na kami ni Forth pumunta sa assigned seats namin at mga ilang minuto ay nagsimula na yung ceremony.
Medyo boring talaga yung graduation kasi lalakad lang kami sa stage at tatanggapin yung diploma namin. Hindi naman kami inabot ng dalawang oras dahil 40 students lang kami na grumaduate. Nagpapicture pa kami ni Forth with our diploma at pati na din sa stage. Dinamihan na din ni mommy ang pagkuha ng pictures para may memories kami ni Forth at kung magkita kami ulit ay tatawanan nalang namin siguro yung mga pictures.
"Ming, Forth!"
Napalingon kami sa tumatawag samin.
"Oh Kit! Napadalaw ka?" Biro ni Forth.
"Loko ka. Congrats pala sa inyo. Mabuti naman ay nakagraduate kayong dalawa." Biro pa niya samin.
"Di nga namin alam kung bakit naka graduate pa kami." Sinabayan ko na yung biro ni Kit.
Tumawa lang kami.
"Nga pala, ano na plano niyo?" Tanong niya samin.
"Mag Medicine ako sa susunod na pasukan." Sabi ni Forth.
"Wow! Mag dodoctor ka pala. At least may kilala na akong doctor na gagawa ng medical certifcate ko pag mag-aabsent ako sa trabaho." Biro ni Kit. "Ikaw Ming, ano plano mo?"
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...