Through The Rain

2.5K 88 16
                                    

Eksaktong 9am na ako nagising at ayaw ko pa bumangon. Monday na kasi at ayaw ko ng Monday kasi feeling ko matagal na naman ang weekends. Pero, bumangon na ako kasi may klase pa ako ng 10:30am. Wala na si Wayo nung gumising ako at hanggang ngayon di parin ako nakapag thank you sa kanya. Bahala na. Bumangon na ako, nagshower at nagbihis. Gangster hairstyle pa rin yung ginawa ko. Bago ako umalis, may nakita akong lunchbox sa lamesa. Tiningnan ko baka naiwan ni Wayo. May note yung lunchbox at nakapangalan pa sa akin.

~ Kuya Ming,
               Alam ko late ka na nagising kaya dalhin mo na tong lunchbox at kumain ka nalang sa school. Wag magpagutom. 😊

Di ko kinuha yung lunchbox at umalis na lang ako. Di ko naman sinabi na asikasuhin niya ko. Parang na iinis ulit ako sa kanya.

Di ako late nung pumasok na ako sa classroom. Umupo nako katabi ni Forth at mukhang busy siya sa phone niya. Sinilip ko at nakita ko na tinitingnan niya yung Facebook ni Wayo.

"Huli ka!" Ginulat ko siya.

"Gago ka Ming!!!" Babatukan sana niya ako pero mabilis ang reflex ko kaya nakailag.

"Isusumbong kita kay Pha. Sabihin ko na nagstalk ka sa Facebook ng kapatid niya."

"Loko ka! Hindi ako nagstalk, tinitingnan ko lang." Pagdeny ni Forth. "Tingnan mo Ming, ang cute ni Wayo."

Pinakita sakin ni Forth yung picture ni Wayo na mahimbing ang tulog na naka rabbit pajama.

"Kelan mo i-nadd si Wayo?" Tanong ko.

"Nung pinakilala siya ni Pha sa KTV bar."

Tinitingnan pa rin niya yung profile ni Wayo. "

"Accept ako agad ni Wayo. Ang saya ko nga nung nag chat siya sakin regarding sa plano niya sa welcome party mo."

Naisip ko naman yung welcome party at hindi pa ako nakapagpasalamat. Bakit ba uneasy yung feeling ko sa tuwing gusto ko ng magpasalamat kay Wayo? Until now hindi pa ako nakapagpasalamat. Hay, bahala na! Dumating na yung teacher namin at nag-umpisa na yung klase namin pero si Forth panay yung pang stalk. Buti nalang nasa likuran kami nakaupo.

Kumain kami ng lunch ni Forth sa KFC malapit sa school. Nakita namin si Phana, Kit at Beam na kumakain din. Sumabay na kami sa kanila. Buti nalang hindi ko nakita si Wayo baka kasi magtanong yun tungkol sa lunchbox.

"Pha, nasan si Wayo?" Tanong ni Forth.

Patay kang bata ka! Kay Phana mo pa hinanap si Wayo.

"Bakit? Makikipag lunch date ka sa kapatid ko?" Inirapan siya ni Phana.

"Hindi ah! Napatanong lang. Overprotective mo kay Wayo."

"May klase siya 12:30pm hanggang 2pm." Sinagot siya ni Phana.

Kaya pala gumawa siya ng lunchbox pati sakin kasi may klase siya at 12nn. Naguilty tuloy ako sa lunchbox. Sana dinala ko nalang.

"Di ko akalain na Biology yung course ni Wayo. Mas bagay sa kanya mag Medicine." Sabi ni Forth.

"Gusto sana ni Yo kaso ayaw ni daddy."

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon