PHANA's POV
Umalis agad ako nung natapos yung klase ko. Iniwan ko na sila Kit at Beam para sa meeting ng group namin. Sila na ang mag-update sakin kung ano ang napag meetingan.
Mabuti naman at naghihintay na yung sundo ko sa parking lot ng school. Sinabihan ko yung driver na ako na ang magdrive kasi gusto ko abutan si Yo sa dormitory. Naiinis ako kay Oreo kasi siya daw ang susundo kay Yo at ayaw ng intestines ko. Nagmadali ako magdrive kasi di naman malayu yung dormitory namin ni Yo.
Dumating ako sa dormitory within 6mins only at eksaktong naabutan ko pa sila. Nag beep ako at tumingin sila sakin. Nag sarcastic smile ko para ipaalam kay Oreo na hindi siya nagtagumpay na sunduin si Yo. Napa frown si Oreo nung nakita niya ko. Lumapit na silang dalawa na nakapayong.
"Wayo, sakin ka na sumabay." Sorry ka nalang Oreo. Alam kong sakin sasakay si Yo.
"P'Pha, akala ko nauna ka na."
"Hindi ah. Sinusundo kita kasi wala kang sasakyan."
"Andito naman si P'Oreo para sunduin ako." Minsan talaga gusto ko na kadenahan si Yo kasi alam kong may respeto siya sa mga kuya niya at alam ko na nauna si Oreo at parang tatanggihan niya ko.
Biglang may naisip ako. "Dito na kayo sumakay."
"No! Diyan ka nalang P'Pha! Sakin na sasakay si Yo." Saway ni Oreo sakin. Gusto kong batukan toh si Oreo.
Ganito kasi kami ni Oreo, nagpapansin kay Yo. Pareho kami gusto ang bunsong kapatid namin kahit halfbrother siya. Napaka cute kasi at gusto namin siya bini-baby.
"Sakin na siya sasakay!" Sumigaw na ako.
"Sakin!!!" Sumigaw na din si Oreo. Parang mga bata lang kami na nag-aaway ng dahil sa candy. Di rin nagpapatalo tong Oreo na toh. E-dunk kaya kita sa gatas!!
Biglang nagsalita si Yo. "P'Oreo, dito nalang tayo sumakay total andito na din yung sasakyan, okay lang ba?"
Ngiting panalo ako! Nakita ko na disappoint si Oreo. Inutusan ko na ang driver na siya na ang magdrive. Nag-unahan pa kami ni Oreo pumasok sa backseat at di siya nagtagumpay. Malakas kaya ako! Hahaha! Pumasok na si Oreo sa frontseat at nagdadabog pa. Sorry kapatid, ako ang nanalo.
Nastuck kami sa traffic sa downtown area at napansin ko na giniginaw si Yo. Wala akong dalang jacket at medyo basa din ang polo uniform ko.
"Wayo, gamitin mo ang jacket ko." Inabot ni Oreo yung jacket niya kay Yo at nag bleeh pa siya sa akin.
Hininaan ni Oreo yung aircon at naging kumportable na si Yo. Kinausap ni Oreo si Yo tungkol sa paglipat niya sa dorm. Dumadaldal naman tong batang toh at di ako makasingit. Nafeel ko na sinasadya niya sa tuwing magsasalita na sana ako. Binabara talaga ako. Sumasagot naman si Wayo at mukhang masaya siya.
Nasa gitna pa rin kami ng traffic at biglang nag yawn si Yo.
"Inaantok ka?" Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya pero pansin ko inaantok siya. Tumunog yung iPhone ko at binasa yung message.
~ San na kayo? Andito na kami ng daddy nyo sa restaurant. ~
Text ni mommy.
~ Natraffic lang kami ma pero malapit na kami ~
Pagkasend ng message ko, biglang tumawag si dad sakin. Sinagot ko naman.
'
San na kayu?'
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...