—— 2 weeks later ——
"Yo!! Ready ka na ba?" Malakas na pagkatok ni Phana sa pintuan namin. Binuksan ko na yung pinto at agad siya pumasok.
"Sandali lang P'Pha. Di pa po ako tapos."
"Hay naku! Tulungan na nga kita."
Tumulong na si Phana sa pag-ayos ng mga gamit ni Wayo. Ako din nagmamadali din sa pag-ayos ng gamit kasi late na kami natulog ni Wayo. Naglaro pa kasi kami ng Mobile Legends.
Nung nakaraang linggo ay nakilaro na si Wayo kasama ko at tinuruan ko siya. Palagi na kami magkasama sa game na yun. Kaya heto kami ngayon, nagmamadali.
Nung natapos na kami mag-ayos ay bumaba na kami. Naghihintay na rin sina Kit, Beam at Forth sa lobby.
"Ang tagal niyo. Matraffic tayo." Reklamo ni Beam. Wala sa mood si Beam ngayon. Di ko alam kung bakit.
Sumakay kami sa coaster van nila Phana. Si Phana yung nasa frontseat den magkatabi sina Kit at Beam sa likod ng driver's seat kaso nainis ako ngayon kasi magkatabi sina Wayo at Forth. Ako nakaupo lang sa likuran.
"Hoy Forth!! Wag kang mag the moves diyan ha! Papatayin kita pag ginawa ko yan." Pagbabanta ni Phana.
"Yes sir!!"
Papunta kami ngayon sa beach para sa team building activity namin. Madami ang pupunta sa ibat-ibang department colleges. Nasa bus yung walang sasakyan at yung iba nagdrive ng kanilang sasakyan tulad namin.
Di ako umimik dito habang nagkwentuhan sila. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan. Nakinig nalang ako ng music sa phone ko. Habang nakikinig ako ng music ay may nagtext.
"Okay ka lang P'Ming?"
Text ni Wayo"Oo. Nakinig lang ako ng music."
"Ahh okay. Sana ikaw yung roommate ko sa beach resort."
Ngumisi ako nung nabasa ako yung reply niya.
"Gusto mo?"
"Oo, nasanay na ako na ikaw kasama ko."
Parang ear to ear yung ngiti ko.
"Tingnan natin kung suswertihin."
"☹️☹️"
Sad emoji ang reply niya. Hehehe. Gusto ko din na siya yung roommate ko mamaya. Naging kumportable na ako sa kanya. Magka jive na kami ng gusto.
"Try ko pakiusapan yung nag-organize ng activity."
"Sige. Salamat P'Ming."
Kahit di ko siya katabi ay napansin pa din niya ako. Madami din nagbago sa dalawang buwan. Naging close ko si Wayo kaya medyo affected na yung pagkakaibigan namin ni Forth.
Malayo ang venue kaya nakatulog ako.
Wayo's POV
Maraming nangyari nitong nakalipas na dalawang linggo. Isa na dun yung pagconfront sakin ni P'Pha tungkol sa post ko... yung Starbucks cup na may MingYo. Tinatanong niya kung nanliligaw ba si P'Ming at sinabi ko naman yung totoo kaya di na siya nangungulit sakin ngayon.
Pero this past few days ay parang cold yung approach ni P'Pha kay P'Ming. Hindi ko nga sila nakita na nag-usap.
Tinuruan ako ni P'Ming mag Mobile Legends at ngayon kasali na ako sa game niya. Masaya kami naglaro ng game tuwing Sabado. Sa kwarto lang kami nagtambay maghapon. Minsan, lumabas kami para kumain. Ayon, naging kumportable na ako kay P'Ming. Kinalimutan ko na kasi yung nangyari samin sa bahay. Pero minsan, di pa rin ako mapakali dahil naging ex niya si Moo Wan.
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...