Fondness

1.1K 58 1
                                    

Araw-araw na nagpractice si Yo sa team ni Pree at araw-araw din ako nanood ng practice nila. Pagaling ng pagaling yung baby Yo ko sa paglalaro ng volleyball. Ang di ko lang gusto ay palaging lumalapit si Pree at Pent kay Yo.

"Hon, okay ka lang diyan?" Tinanong ako ni Yo.

"Okay lang baby. Maghihintay ako sayo hanggang matapos ang practice mo."

Ngumiti nalang ang baby ko at hinalikan niya ko sa pisngi. Kahit pawis na pawis na siya amoy baby pa din.

Habang naghihintay ako kay Yo ay may tumawag sakin sa phone. Agad ako lumabas ng gym para sagutin yung call.

"Ano na? May nahanap na ba kayong lead?" Tanong ko sa private investigator ko.

"Sir Ming, parang may nag-iimbestiga din sa kaso ni Ohm."

"Ha? Sino?"

"Hindi po namin alam. Tinitignan ngayon ng imbestigador yung CCTV ng Panitchayasawad Building."

Hindi ko alam kung tutulungan niya si Yo o baka naman kasabwat yun ng suspect.

"Manmanan mo muna yang taong yan. Hindi tayo nakasiguro kung sino siya talaga."

"Okay po Sir Ming."

Binaba ko na yung call at bumalik ako sa loob. Nakita ko na parang patapos na yung practice nila dahil nagsasalita na si Pree sa mga huling habilin niya sa team.

Nang matapos na sila ay agad ako nilapitan ni Yo. Binigay ko yung tubig at uminom siya ng mabilis. Uhaw na uhaw talaga ang baby ko.

"Uwi na tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Sige pero bisitahin ko muna ang pamilya Kongthanin."

Kahit di na sa kanila nakatira si Yo ay dumadalaw pa din siya. Tumango nalang ako sa gusto ng baby ko. Nang kami ay aalis na sana, bigla naman tinawag ni Pree si Yo.

"Yo, may sasabihin ako sayo." Sabi niya.

Hinarangan ko si Pree. "Importante ba yan Pree? Kung hindi, wag nalang." Kumukulo talaga yung dugo ko kay Pree.

"Uhmm, Pree... pwede bukas nalang? Bibisitahin ko pa yung pamilya Kongthanin ngayon." Sabi ni Yo.

"Ahh ganun ba Yo? Sige, bukas nalang. Mag-ingat ka ha."

Umalis na kami ni Yo at ako yung nagdrive ng kotse ko. Masyadong traffic at napansin ko na nakatulog si Yo. Di ko nalang siya dinistorbo dahil alam kong pagod siya sa practice.

Ginising ko na siya nang nakarating na kami sa bahay ng Kongthanin. Agad naman lumabas si Yo at nag doorbell. Pinapasok na kami at sinalubong si Yo ng mommy niya.

"Anak, kamusta ka na? Maayos ka lang ba?" Kinamusta siya ng mommy ni Pha.

Alam ko na miss na miss na nila si Yo. Agad naman kami niyaya na maghapon kasama sila. At nang nasa dining room na kami, nakita namin si Phana na parang wala sa sarili. Si Oreo naman ay tinignan lang kami. Parang nagbago si Oreo after siniwalat ni Yo yung pagkatao niya.

"Bakit ka nandito, YOUNG MASTER?" Mukhang naiinis si Oreo kay Yo.

Sinaway siya ng mommy niya at napa roll eyes si Oreo. Di na lang pinatulan ni Yo yung pang-iinis ni Oreo sa kanya. Pinaupo na si Yo ng mommy niya.

"P'Pha, kamusta?" Kinamusta ni Yo si Phana na parang tuliro.

"Hindi mo ba nakita na parang wala na sa sarili si kuya?!" Galit yung tono ni Oreo.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon