Undenial Feelings

1.4K 60 5
                                    

Parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib ko nung inamin ko sa sarili ko na mahal ko si Wayo. Mabuti nalang at may karamay ako, si Mo na isang fujoshi. Kumalma na ako nung inamin ko at nilabas yung totoong nararamdaman ko.

Around 4:30pm ay nasa beach kaming lahat at pinalibutan namin yung bonfire. May activity naman kami sabi ng mga organizers. Hindi ko pa rin mapigilan na di tignan si Wayo kahit naiinis ako na kasama niya si Pree.

"Ang susunod na activity natin ay..." biglang nagpause yung organizer. "Scavenger Hunt!"

Huh? Anong game yan? Di ko alam yun ah. Inexplain na ng organizer ang game. Paramihan lang pala ng task sa isang minuto. Yung ibang organizers ay binigay yung mga susi ng posas namin para sa activity.

"Ang unang task ay... paramihan ng selfie with a stranger dito sa resort within one minute. Yung may pinakakonting selfie na nagawa ay may consequence."

Ano naman kaya naisip ng mga organizers na toh. Inutusan kami ng mga organizers na mag set ng alarm sa phone namin.

"Yung hindi makabalik dito pagkatapos ng one minute ay automatic na sila ang may consequence. Kaya, are you ready?"

"Yes!" Sabay-sabay kami sumigaw.

At nag-umpisa na kami. Halos lahat ng magpartners ay naghiwalay para makarami. Target ko yung mga babae para mas madali. Marami din akong nakaselfie kaya di kami matatalo.

Biglang nag-alarm yung phone ko at nagmadali ako bumalik. Binilang na namin ni Mo yung mga selfie namin at umabot kami ng 25 selfies. Panalo na toh. Sinulat namin sa isang maliit na piraso na papel yung number of selfies namin ni Mo.

"Results are in at ang nanalo ay..." nagpathrill pa yung announcer. "Pair 11!"

Wow! Sina Wayo ang nanalo. Ilan kayang selfie nagawa nila?

"Di talaga tayo manalo sa unang task. Si Pree pa lang ay halos lahat ng babae dito sa resort nagpapapicture na." Pahiwatig ni Mo.

So, ano naman ngayon? Basta hindi kami talo. Yung consequence ng natalo ay napaka-awkward. Yung parang malaking mouth guard na nilagay sa bibig nila at pinabasa sila ng dalawang sentence. Tawang-tawa kaming lahat sa kanila.

Madami kaming nilaro na game until nasa last game na kami kasi it's almost 7pm na din. Lahat kami ay nag enjoy sa mga game at napalapit na kami sa partner namin katulad ko at ni Mo.

"Ano kaya ang last game?" Tanong niya sakin.

"Malay ko! Di naman ako ang organizer."

Ngumisi lang si Mo at naghanda na kami para sa last game.

"We're down to our last game and lahat kayo magpartners ay maghiwalay na!" Utos ng announcer.

Lumayo na kaming lahat sa mga partners namin. Di ko na kilala yung katabi ko.

"The last game is The Blindfold game."

Lahat kami nagtaka kung anong game toh. Nagbulong-bulongan na ang lahat.

"Sa game na toh ay lahat kayo nakablindfold. Objective of this is how far did you know your partner."

Ano raw? Niloloko na kami nitong organizer na toh.

"Hanapin yung partner niyo na nakablindfold kayong lahat. Walang magsalita at walang magbulongan. Just plain touch lang. Gagabayan naman kayu ng mga organizers."

Inumpisahan na kami takpan ng mga mata. Di ko na tuloy alam kung san si Mo nakatayo. Medyo malayo siya sa kinatatayuan ko nang may biglang humila sakin. Parang nilipat na ako ng pwesto. Gosh! Mahihirapan ako nito kasi di ko matandaan yung features ni Mo.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon