Ito na yung araw ng first game ni Yo sa interschool tournament. Nasa labas kami ngayon para manood ng game. Naging personal alalay ako ni Yo bago nagsimula yung game. Nagdasal na sila para gabayan sila at pagkatapos nagcheer na sila. Excited na yung team ni Yo kaya ako din ay napa-excite na din. Gusto ko makita yung actual na game kung paano maglalaro ang baby ko.
Pumito na yung referee para mag shake hands sila with the other team. Napansin ko pa na may kausap si Pree sa kabilang team na parang kilala niya. Now they're all taunting each other before the game starts.
Nagsimula na yung game sa pagserve ng kabilang team at lahat kami ay super intense na agad. Mahaba yung rally dahil sobrang galing yung mga team. Nagcheer na ako kay Yo para may inspirasyon siya hanggang nakapuntos sina Yo. Masaya yung team nila for the first point.
Spiker na ngayon si Yo at setter na si Pree. Nagtinginan muna sila bago nagserve yung teammate nila. Pagserve ay nasalo ng kabilang team at yung kausap ni Pree kanina ay sobrang lakas mag spike. Buti nalang magagaling ang players sa team ni Yo. Nang nasalo at sinet na ni Pree yung bola ay pinakita na ni Yo yung signature spike niya at nagulat yung kabilang team. Napayakap si Pree at Pent kay Yo. Talaga naman ha!
Palaging siniset ni Pree yung bola kay Yo at hindi nila nasalo bawat curve spike niya. Ang score ngayon ay 7-0 na. Sobra saya ng mga schoolmate namin na nanood. Naiinis na yung kakilala ni Pree. Ang lakas magspike ni Yo kaya mabilis yung curve spike na di kayang saluhin ng kabila. All throughout ay naipanalo ni Yo yung first set. Di man lang nakapuntos yung kabila.
Bumalik na sila sa bench at nag-usap na sila para sa second set.
"Guys, sub muna si Yo ha. Pahingahin muna natin siya just in case kung may 3rd set." Sabi ni Pree sa kanila. "Oat, ikaw na ang pumalit sa pwesto ni Yo. Alam kong tinuruan ka na ni Yo ng signature spike niya."
"Di ko pa perfect yun spike na yun pero I'll try." Sabi ni Oat at mukhang pahumble pa siya.
Naging magkaibigan na sina Oat at Yo after humingi siya ng tawad. Nagpaturo siya ng curve spike ni Yo at nahirapan siya gawin ito tuwing practice nila. At least may successful curve spike din siya. Mabait talaga si Yo kahit kanino kahit nagkasala pa sa kanya.
Pumito na ulit yung referee for the second set after nila magpalit ng court side. Game pa din si Pent sa second set at si Oat na yung spiker kapalit ni Yo. Nagpahinga muna si Pree dahil napagod siya pagset o baka naman gusto lang niya kasama si Yo. Pinupunasan ko yung pawis ng baby at inaamoy ko pa siya. Sinasaway pa nga niya ako pero mapilit ako. Hahaha!
Nagserve na yung kabila at nag rally naman. Di pa rin nag curve spike si Oat hanggang napansin ko na sumenyas na siya sa setter. Nung na i-set na yung bola ay nagspike na si Oat at nagulat kami dahil curve spike ang nagawa niya at di nasalo ng kalaban nila. Napatayo sa saya sina Pree at Yo at tumakbo si Oat papunta kay Yo. Niyakap niya ang baby ko.
Parang iba toh ah!!Pero iba pa din yung spike ni Yo kasi consistent yung power, speed at pag curve ng direction ng spike. Kang Oat kasi di pa masyadong perfect tulad kay Yo at nasasalo ng kalaban yung curve spike niya pero okay na sin yun.
Naging maganda din yung second set dahil naipanalo ng team nila Yo ang game. Masaya silang lahat sa naging resulta ng intense practice nila araw-araw.
Niyakap ng teammates nila si Yo dahil nilampaso nga niya ang first set at di nga nakapuntos tapos naipanalo pa nila Oat yung second ser. At least nakikita ko yung pagod nila sa pagpractice araw-araw. Mukhang tama nga si Kit noon sa Team Building namin na pag sumali si Yo sa varsity ay parang invincible na yung team nila. Nakita ko na kausap ni Pree yung isang player sa kabilang team at parang nagtatalo pa sila.
BINABASA MO ANG
Spring of Love
Romance- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chiffon_cake from 2Moons. I just love Wayo that's why I wrote this story since last two months. Hope y...