Pree Ratanarak

1.1K 53 1
                                    

— Flashback —

Nang nalaman ko na namatay si Yo ay agad ko binuksan yung TV. Balita nga yung pagkamatay niya sa buong bansa at matagal nagsink-in sa utak ko yung nangyari. Unang namatay yung ate niya at mga isang linggo lang ang nakalipas, siya naman ang namatay.

Parang dinurog yung puso ko at di ko mapigilang umiyak ng husto. Pumunta kani sa funeral ni Yo at si P'Joss lang ang nakita ko sa lamay. Di raw maganda yung pakiramdam ni tito.

Sa totoo lang, si Yo ang mahal ko at hindi yung ate niya. Siya yung kalaro ko sa tuwing sinasama kami ng mga daddy namin sa corporation when I was 10-years-old. Mabait si Yo at naging magkaibigan kami agad. Araw-araw ay excited ako sumama kay daddy sa corp tuwing summer o kahit wala akong klase. Masaya ako na kasama si Yo at narealize ko nalang na mahal ko na siya dahil sa ugali niya na maalahanin at makatao sa lahat ng mga nagtatrabaho sa pamilya niya.

Nung napagkasunduan ng mga tatay namin na ipakasal ako kay Ohm para lang sa business ay nalungkot ako. Ako lang kasi ang anak ni daddy kaya he's arranging my marriage for my future. I was 14-years-old that time and we signed the contract kahit labag sa kalooban ko. But I was given a chance to give my own condition at yun ay pakakasalan ko si Yo kapag may mangyari kay Ohm at di ko inasahan na mangyari pala. Tinanggap ko na sa sarili ko na si Ohm na ang magiging asawa ko.

Pero minalas talaga ako. Pati din si Yo namatay. Pagkatapos ng libing ay nagkulong ako sa kwarto ko. Di ko nga magawang kumain kahit pinapagalitan na ako ni daddy. But, naisipan ko din magmove on.

When I was 17-years-old, I went to a University and took up nursing. Di ko sinunod si daddy na mag-aral ng business management. Di na ako bumisita sa bahay nila Yo after ng libing. I study hard para sa sarili ko at di ako nakipag date kanino man.

Di ko akalain sa araw na yun ay nabuhay ulit yung puso ko na nadurog sa nakaraan. May nakabangga akong isang lalake sa university, maputi, makinis, maamo ang mukha, at parang kamukha ni Yo. Pero di pa rin ako nakasiguro. Parang nag-inquire siya ng requirements for enrollment. Dun ko na din naisip na baka buhay pa si Yo kaya I hired a private investigator. Nalaman ko din yung whereabouts ng lalake na yun at doon ko na confirm na siya si Wayo, ang mahal ko.

Nakatira siya sa bahay ng matalik na kaibigan ng mommy niya, ang Kongthanin. Palagi ko na siya sinusundan hanggang nagpa-enroll siya sa isang university. Agad akong lumipat ng school kung saan siya nag-aaral and I was 20-years-old, a 3rd year college student.

Nung nag 18th birthday si Yo ay nagpadala ako ng bouquet of rose na walang pangalan ng sender. Gusto ko sana magpakilala kaso baka mabigla siya. Nagpadala na ako ng mga bodyguards sa dormitory niya baka kasi delikado yung buhay niya kaya siguro nagtatago siya as Kongthanin. Araw-araw ko siyang sinusundan kahit palagi niya kasama si Ming.

Maybe fate bring us together again nung Team Building activity namin sa isang beach resort. Ako ang partner niya at nagpakilala ako pero hindi yung kung sino ako sa buhay niya. Di pa rin siya nagbago at mabait pa din siya. Inalok ko na siya na sumali sa volleyball team ko at pumayag naman siya.

Nung nasa dagat kami at takot na takot si Yo, mabilis yung tibok ng puso ko non at yinakap ko pa siya. Gusto ko na sabihin sa kanya kung sino siya at sino ako pero di ko pa rin nagawa. Naisip ko na baka kasi may dahilan si Yo. Pero natawa ako nung naramdaman ko na na-arouse siya. Ito siguro yung bago kay Yo, yung pagkalibog niya.

Nung nalaman ni daddy na buhay si Yo ay tumawag siya sakin. Sinabi ko na yung totoo at mukhang masaya din siya. Sinabi ko na ibabalik ko si Yo sa pamilya niya pero di ko inakala na may plano pala si Yo na ilabas yung tunay na pagkatao niya.

Nagmamadali ako pumunta sa hotel kung saan yung event. Huli na ako dumating ng tapos na siya nagpakilala. Balak ko kasi na wag muna niya ipaalam na buhay siya baka kasi mas lalo siyang mamiligro. Nang nalaman namin yung room number ni Yo ay dali-dali kami ni daddy pumunta doon. Naabotan namin na lumabas si Phana at ang kapatid niya at saka kami pumasok.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon