End of the Spring

1.2K 46 9
                                    

Nagmumukmok ako sa kwarto ng lumabas na yung resulta ng pagsusuri sa bangkay. Ilang araw na ako di kumakain at lumalabas ng kwarto ko. Ang sakit talaga tanggapin na wala na si Yo. Parang namatay na din ako. Ako yung dahilan kung bakit nadukot siya ni Phana coz I let my guard down. Nabaliw na si Phana at pina-admit na siya sa isang mental hospital for rehab.

Ikatatlong araw na ng lamay ni Yo at di ko pa kaya harapin yung kasalukuyan. Si mommy lang ang palaging dumadalaw dun kahit pinipilit na niya ko sumama. Si Forth ang palaging nagbabalita sakin dun sa lamay ni Yo. Tumatawag din si P'Joss sakin pero di ko kayang sagutin dahil di ko kaya harapin ang pamilya ni Yo. Buong araw akong umiiyak at naisipan ko pa nga magpakamatay at sumunod kay Yo. Pero, naisip ko din na hindi siya sasaya pag ginawa ko yun.

"Ming! Lumabas ka na diyan!" Sigaw ni Forth habang kumakatok sa pinto.

Di ako sumagot. Nakahiga lang ako sa kama, tulala, at iniisip ko pa din si Yo at ang mga memories namin na magkasama.

"Ming, dapat mo na harapin ang nangyari. Plano na ng pamilya ni Yo na ilibing siya bukas." Sabi ni Forth.

Hindi pa rin ako sumagot sa kanya. Tumulo lang ang luha ko ngayon nang binaggit na yung libing ni Yo. Hindi ko man lang siya nakita bago siya namatay at ang masaklap pa ay sunog na ang katawan niya.

"Ming, pumunta ako dito dahil inutusan ako ng kuya ni Yo. Gusto niya na ihatid mo si Yo sa huling hantungan niya."

Mas lalo akong umiyak ng marinig ko yung mga sinabi ni Forth. Ayoko pa din tanggapin na wala na si Yo. Parang sinaksak yung puso ko ng ilang beses. Hindi pa ako handa sa future ko na wala siya. Narinig ko na bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Kinuha ni Forth yung braso ko at hinila pero pumalag ako.

"Ano ka ba Ming?! Hindi lang ikaw ang nasaktan sa nangyari. Mas lalong nasaktan yung pamilya ni Yo dahil talagang iniwan na sila." Galit na yung tono ni Forth.

Bumangon ako pero di ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. Hindi tumigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Tingnan mo yung sarili mo, pinabayaan mo na. Namayat ka na dahil hindi ka na kumakain since nalaman mo na patay na si Yo. Di ka na rin naliligo. Ang dugyot mo na!" Saway niya sakin.

Wala akong paki-alam kung anong hitsura ko ngayon. Ang gusto ko lang ay bumalik si Yo sakin. Di man lang kami nakapag celebrate ng Christmas o di man lang umabot ng isang taon yung relasyon namin. Limang buwan lang kami magkasama.

"Ming, sa tingin mo ba na masaya kang makita ni Yo ng ganito? Malamang hindi! At saka..."

"Forth, iwan mo na ko. Gusto ko mapag-isa." Pinutol ko yung sinabi niya.

"Iwan mag-isa? O baka wala kang balak magmove-on?" Tanong sakin ni Forth.

Oo, wala akong balak magmove-on dahil sarili ko ang sinisisi ko sa lahat ng nangyari kay Yo. Mas mabuti nga na ako yung nawala.

"Mahirap man tanggapin sa ngayon pero lilipas din yan Ming. Tanging ikaw na lang ang hinihintay ni Yo bago siya ilibing. Hindi siya mapanatag kapag ganyan ka." Sabi ni Forth sakin na parang naiiyak na din siya.

Bumangon ako at tumayo. Naglakad ako papunta sa cabinet at kumuha ng towel.

"Hintayin mo na lang ako sa labas Forth." Utos ko sa kanya.

Tumango lang siya at umalis ng kwarto. Pumasok ako sa bathroom at tinignan yung sarili sa salamin. May mustache na pala ako at ang pangit ko tignan. Namumula pa din yung mga mata ko sa kakaiyak. Nagshave na ako at pagkatapos naligo.

Casual lang ang sinuot ko at agad na akong lumabas ng kwarto at bumaba.

"Di mo man lang inayos yung buhok mo." Sabi ni Forth.

Spring of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon