Lap 1 - RuNaWaY GrOoM Intro

1.4K 16 0
                                    

 

 

 

Note: ito ay gawa lamang ng malilikot na imahinasyon ni AnGeLsMiLe... ito ay pwede sa mga batang mambabasa, PG is Advised... ^,~ Happy reading!!!! GodBless (GB)

 

 

 

 

 

Characters:

 

Jamaica Khei Gutierrez - 26 yrs. old (NBSB, optimistic person, sweet girl)

 

Jaldwin Jung - 32 yrs. old (businessman, bachelor, playboy, girl magnet)

 

Nate Jung - 27 yrs. old (easy go lucky, boy next door, romantic)

 

Zhandra Loizaga - 25 yrs. old (model, cheerful yet crying baby, girly & classy)

 

 

Special singit Characters:

 

Marves delos Santos - 15 yrs. old (heartrobe, genius, sporty, inlove w/her noona JK)

 

Hillary Jung - 15 yrs. old (lil sis of Jung brother, genius, mortal enemy of Marves, cute, sporty, snobbish)

and many more singit characters.. you'll know them all..  while exploring my story ^__^ Enjoy!!!

 

 

 

 

 

 

                Every woman dream't about their wedding. Lahat naman siguro ng mga babae ay nagnanais na mala fairy tale ang magiging kasal nila yung tipong prinsesa ang bride sa mahalaga at importanteng araw na iyon dahil syempre minsan lang mangyari yun sa buhay nila but what if ang prince charming este ang groom ay biglang tumakas at tumakbo sa araw ng kasal mo? Whoah disaster, normally naman kasi babae ang malimit na tumatakbo sa mga ganung pagkakataon but in this story, Im telling you, ang groom ang tumatakbo sa araw ng kasal nya. Wanna know why? So, let's begin the story with this.

 

 

*Jamaica's POV*

 

       Nandito ako ngayon sa St. Peter Parish Church para magdasal... Bakit? Well, lagi ko naman ito ginagawa pero ngayon kasi ay ipapanalangin ko na sana matanggap ako sa inaapplyan kong trabaho sa Palace Mall, aba hindi biro ang magtrabaho dun dahil napakalaking prebilehiyo ang makapagtrabaho sa tanyag na mall na yun pag natanggap ako dun wow big time talaga... Sikat na sikat talaga ang Mall na iyon, isang malaking building yun at nasa tuktok ang pinaka opisina nila maging ang opisina ng CEO at may-ari ng nasabing mall, Balita ko nga ay bata at binata pa ang CEO / owner ng mall... aba kahanga-hanga naman yun at his age ganyan na sya kasuccessful... Anyway, teka bakit ganun sinara ang simbahan? bakit kaya? nang lumapit ako nakita ko maraming mga tao, ang gagara ng mga suot, maging ang mga sasakyan ng mga ito, marami ring mga nagphophotage na iba't-ibang reporters ng mga station sa tv... mukhang bigatin ata ang ikakasal dito ngayon ah!!! nakisali din ako sa mga taong nakiki usyoso, naririnig ko pa nga sila na... gagawin nya kaya ulit yung dati? naku, mga mayayaman nga naman... haizt akala ko pa naman makakapagdasal ako ng taimtim sa loob ng simbahan yun pala hindi dahil may gaganapin na kasal at take note hindi lang sya basta-basta dahil mayayaman ang tao sa loob... daming bantay, daming mga bodyguards... inaabangan ko ang bride na lumabas... kaso wag na lang hanap na lang ako ng lugar na tahimik, dun na lang muna ako at hintayin ko na lang na matapos ang kasal... may nakita akong lugar hindi kalayuan sa simbahan... tanaw ko pa rin ang kinakasal, mas tanaw ko kesa sa iba, nakaupo sa ilalim ng puno, sarap ng hangin, presko... habang nagmumuni ako ay bigla akong nakarinig ng pagbukas ng pinto... ah! pinto pala ng simbahan yun na kanina ay isinara para maging solemn ang kasal... tapos nagulat ako ng may biglang may lumabas dun at nagtatatakbo... teka yung groom yun ah!!!! grabe ibang klase ata yun... ang groom talaga ang tumakbo sa araw ng kasal nila? hindi ko nga lang maaninag ang kanyang mukha pero matangkad sya, matipuno ang pangangatawan at magaling magdala ng damit dahil kahit naka toxedo sya nabagayan nya pa rin dun ang suot nyang rubber shoes... ang daming humabol sa kanya para pigilan sya ultimo nga mga reporters ay sumunod na rin... mukhang malaking balita ito mamayang gabi ah!!! samantalang yung bride nya ay parang batang sumalampak sa isang tabi at nagwawala, iyak ng iyak na tila nagtatramtums... haizt kawawang bride tinakbuhan ng groom... Runaway Groom lang si kuya?? ano kaya yun... parang shooting lang ng pelikula ang nasaksihan ko ah!!! habang pinagmamasdan ang nangyayari sa simbahan ay may isang lalaking huminto sa harap ko galing sa pagtakbo, napasandal ang kanang kamay nya sa puno at yumuko sya... nang unti-unti nyang inangat ang kanyang ulo, napatingin sya sa dereksyon ko... geez, nagkatinginan kami... hindi ko alam ang nararamdaman ko, kinakabahan ako at may kung anung nangyari at napatulala ako panu ba naman kasi ang gwapo nya, yung tipong boy next door, good looking!!! ang innocent pa ng mukha nya... mas lalo akong nanigas ng ngitian nya ako makalaglag panga ang matamis nyang ngiting yun... mukhang lalapit ata sya sa akin ah!!! NO please NO hindi ko alam ang gagawin ko... first time kayang mangyari sa akin toh!!! wait!!! wag muna hindi pa kaya ako ready... ayan na Jamai papalapit na nang biglang tumunog ang phone nya... narinig ko na tila pinapapunta ata sya sa kung saan ng kausap nya... at narinig ko rin ang sabi nya sa kausap nya

 

Damn, what the heck!!! you did this again!!! what's out of your mind... baliw ka na talaga big bro!!! sya, I'll be there & no one will know!!! loko!!!

 

at ayun umalis na rin sya... nakahinga ako ng maluwag at umalis na sya... kala ko sa fairytale book lang ako nakakakita ng prince charming maging pala sa totoong buhay at take note actual ko pa sya nakita... anyway, pasalamat na rin ako at hindi rin ako maghihintay ng matagal para makapagdasal sa loob ng simbahan dahil maaga natapos ang kasal este wala palang naganap na kasal... I felt bad for the bride pero I know for sure may reason ang groom kung bakit sya tinakbuhan nito at kung anuman yun of course Im out of their business na, hindi rin ako interesado mas prioritize ko ay ang WORK!!!! What a life!!!!

 

 

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon