Pagkatapos mag-usap sina Nate at Mr. Gil ay bumalik na ito sa kanyang opisina. Napansin nya na wala pa sa area si Jk. Papasok na sana sya ng kanyang opisina ng dumating ang staff ng mall. May ibinigay na market chart. Binasa at pinag-aralan nya ito. Naisipan nyang tignan sa mall yung mabenta nilang stall kaya naman bumababa sya. Napahinto sya sa isang stall ng mens store dahil nakita nya si Zhandra dito. Lumapit sya at pinagmamasdan ang dalaga. Iniiwasan nyang mapansin sya nito kaso biglang lumapit sa kanya ang sales lady.
Sir Nate, ano po yung kailangan nyo?? -sales lady
Napatingin si Zhandra. Nagbow lamang ito sa kanya.
Miss size 10 nga nitong sapatos tapos pakiwrap na at bibilhin ko na. Thanks. -Zhandra
Nang matapos na balutin ng sales lady ang binili ni Zhandra ay umalis na ito. Nakasunod lang si Nate. Sinusundan nya ang dalaga. Hindi mapakali si Zhandra kaya naman huminto ito at nilapitan si Nate.
Sir, may kailangan po ba kayo?? -Zhandra
Pede bang wag mo na akong iwasan. -Nate
Kaso diba malinaw na sayo na nabibigyan ko ng kulay yung mga ginagawa mo sa akin. Yung kabaitan mo sa akin samantala nun ang sungit sungit mo sa akin. Basta ayaw ko. -Zhandra
Tumalikod na si Zhandra pero nagtataka sya bakit parang pinagtitinginan sya ng mga tao sa mall.
Ayaw mo talaga. Ito na nakaluhod na ako. Please!!! Pansinin mo na ako. Hindi ko na kaya ang pagbabalewala mo sa akin. -Nate
Kaya naman pala sya pinagtitinginan ay dahil sa ginawa ni Nate kaya naman dali-dali nya itong nilapitan at pinatatayo. Lalong dumami ang taong nakatingin sa kanila.
Tumayo ka na at nakakahiya. -Zhandra
Hindi ako tatayo hanggat hindi ka nangangakong papansinin mo na ako. -Nate
Oo na sige na. -Zhandra
Ano sabi mo?? Hindi ko marinig. Kayo ba narinig nyo?? (Tanong nya sa mga tao) -Nate
Tumugon naman yung mga tao na HINDI.
Kita mo hindi din nila narinig -Nate
Oo na papansinin na kita. Bilis tumayo ka na. -Zhandra
Yes. (Sabay niyakap si Zhandra) -Nate
Nagpalakpakan ang mga tao sa mall.
Pumunta sila sa rooftop para mag-usap.
Salamat. -Nate
Salamat para saan?? -Zhandra
Dahil nabibigyan mo ng kulay ang mga ginagawa ko sayo. -Nate
Huh?? -Zhandra
Kasi kahit papaano may nakakaappreciate sa akin. May nakakapansin at nararamdaman ang presensya ko. Hindi puro si Hyung na lang. (Habang nakatingin sa mga ulap) -Nate
Magkaiba kayo ng kuya Jaldwin mo. Ikaw simple. Boy next door type. Easy go lucky pero responsible and caring kaya wag mong ikocompare ang sarili mo sa kanya kasi may uniqueness ka. -Zhandra
Pero nagustuhan mo si Hyung. Ilang taon din yun ah!!! -Nate
Oo hahaha -Zhandra
Eh!!! Ang gaya ko. Magugustuhan mo kaya?? -Nate
Tinignan ng binata ang dalaga maya-maya ay unti-unting inilapit ng binata ang mukha sa dalaga. Napapikit si Zhandra, napangiti si Nate at inilapat nya ang kanyang labi sa dalaga. Nang matapos halikan ang dalaga ay niyakap nya ito. Bumalik ng kanyang opisina si Nate na nakangiti at kinikilig. Napansin ito ni JK.

BINABASA MO ANG
My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)
Storie d'amoreano ang gagawin mo kung makasal ka sa isang lalaking ayaw matali sa isang babae kaya naman lagi nya itong tinatakbuhan pero sa tingin nyo ba kaya nya pang takbuhan ang isang babaeng walang katulad? ABANGAN nyo nalang ^_^