Lap 38

185 5 0
                                    

Sa sasakyan parehong walang kibo sina Jaldwin at Jk. Takang-taka naman ang dalaga.

Galit kaya si Mr. Jung dahil sa tinulugan ko yung trabaho ko kanina? Haizt hindi ko na kinakaya ito. Ang awkward at ang boring (Sa isip ni JK)

Kaya naman ng huminto ang sasakyan dahil sa stoplight ay tinawag nya si Jaldwin at nagwacky faces sya kaso walang epekto sa binata kaya naman umaayos na lang ng pagkakaupo si JK. Hinihipan-hipan nya ang bangs nya. At bumulong.

Haizt naman walang epek -JK

Jaldwin's POV

Hindi ko gustong gawin ito pero ito yung nakikita kong tanging paraan. Kailangan kong dumistansya sa kanya para hindi ulit maulit ang nangyari nun sa amin ni Scarlette. Kailangan ko munang burahin ng tuluyan dito sa puso at buhay ko si Jhenna para naman makapagsimula muli. Ang hirap umarte kay JK at lalo na't may kontrata kami kaso kailangang pigilang ma-attach. Pero yung ginawa nya kanina habang nagdadrive ako hahaha sobrang natatawa na ako pero kailangang umarteng hindi kaya naman cold lang ang reaksyon ko pero sobrang natatawa na ako nun isama mo pa yung zombie looking nya pagnaaalala ko haizt.. nakakapanghina. But I need to be still in my decision para hindi na ako muling makapanakit pa. Mahirap pero mas mabuti for the both of us.

Nakarating na sila sa location ng commercial shoot ni Zhandra.

Ok! And Cut.. good take. That is a wrap. (Nilapitan si Zhandra) ang galing mo hija. Sige at makakapagpahinga ka na. -direk

Nang lumapit si Jaldwin na pumapalakpak..

Impressive!!! Good job Zhandra (sabay tapik sa likod) -Jaldwin

Tapos biglang bumaling na sa director at may pinag-usapan na ang dalawa samantalang tila naging estatwa na lutang na namumula si Zhandra sa ginawa ni Jaldwin.

Ngayon lang nangyari ito.. sa tagal-tagal na panahon.. naaalala ko nung 1st year ako and 3rd year sya.. lagi lang nya akong dinadaan-daanan ngayon pinuri nya ako.. haizt sobrang saya ko talaga.. -Zhandra

Hindi namalayan ng dalaga na may mahuhulog na bagay sa kanyang likuran.. naputol pala yung kable na nakakabit sa lighting ng poste.. lahat ay nagsisigawan na.. buti na lang at naitulak sya ni Jaldwin na nasa malapit nya at panama ring nakatakbo agad si Nate para masalo si Zhandra sa pagkakatulak ni Jaldwin dito. Natulala ang dalaga sa shock na nakayakap kay Nate at bigla itong nahimatay kaya naman isinugod agad ito sa Hospital samantalang dali-dali namang tumakbo si JK sa pagkakabagsak ni Jaldwin na tinutulungan naman ng mga staff na nandun.. Nakaupo na ang binata at inaalalayan ni JK ito at sadyang nag-aalala..

Mr. Jung, ayaw nyo po ba talagang dalhin kayo sa Hospital?? -Jk

Oo, konting galos lang naman ito saka wala naman sa bituka.. gwapo pa rin naman ako hehehe (ngunit hindi tumitingin sa dalaga) -Jaldwin

Miss, sige ako na lang yung bahalang maglinis ng sugat ni Mr. Jung -Jk

Binigay ng staff ang panlinis sa dalaga at sya na ang gumamot nito kaya naman umalis na rin ang staff.. habang nililinisan ng dalaga ang binata hindi maiwasan ni Jaldwin na mapatingin kay JK.. napapangiti ito at tila natutuwa sa ginagawa ng dalaga pero pag tumitingin naman ang dalaga sa kanya ay bigla itong umiiwas.

Lumapit si Nate sa kinaroroonan ng dalawa.

Ahem.. Mr. Jung, ang tapang ng ginawa nyo -Nate

Ahh.. hindi naman kahit sino naman ganun din ang gagawin. Ikaw nga diba? Ang bilis kaya ng response mo sa pagsagip kay Zhandra.. kung wala ka dun baka nasugatan at nahulog si Ms. Zhandra. -Jaldwin

Kumusta na pala si Ms. Zhandra?? -JK

Dinala sya sa malapit na Hospital. Nahimatay sya dahil sa sobrang shock mamaya pupuntahan ko sya. Gusto mo bang sumama? -Nate

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon