Sobrang nalulungkot ng malaman ni JK na 2 months mawawala si Jaldwin. Isang araw nga lang nya hindi makita ay hinahanap hanap nya na ito what more pa kayang 2 months. Ang ikinalulungkot nya pa lalo ay hindi ito ipinaalam sa kanya gayong nagtapat na ang binata ng kanyang nararamdaman sa dalaga. Kaya naman pagbalik nya ng opisina ay nakabusangot ang mukha nito na agad naman kinapuna ni Jane.
Oh! Anong nangyari naman sayo JK? ui.. (nag snap ng finger pero hindi sya pinapansin sa lalim ng iniisip) hala sya. Grabe!!! Anong nangyayari sa kanila? -Jane
Magagaya sa kanila kakaisip at kakausisa. Bumalik ka na nga sa pwesto mo. -Tom
Ahem.. back to work -Mr. Santiago
Kaya naman nagsipagbalikan na sila sa kani-kanilang working table.
Samantalang sa Mansyon ng mga Jung..
Hindi talaga mawala sa isip ni Jaldwin ang sinabi sa kanya ng mayordoma nila na si JK ang naghatid sa kanya at nasukaan nya pa ito. Nang dumating si Secretary Kim.
Tok tok tok
Tuloy. -Jaldwin
Sir, ito na yung mga documents na kailangan mo at pipirmahan. Inendorse na sa akin lahat ni Ms. Gutierrez. Nagulat nga sya at hindi nya pala alam na balik trabaho na po ako. -Sec. Kim
Ahhh.. oo nakalimutan ko na kasing sabihin sa kanya at saka may nangyari lang hehehe -Jaldwin
Nangyari? -Sec. Kim
Ahh.. wala yun Sec. Kim (napansin ang hawak ni Sec. Kim na lalagyan) ano yang hawak mo?? -Jaldwin
Ay, oo nga pala nakalimiutan ko na. Soup para sa hang over mo po Sir at gamot. -Sec. Kim
Kanino yan galing?
Kay Ms. Gutierrez. Mukhang special yan Sir kasi sya ang nagluto. Mukhang maaga syang nagising para dyan. (Ngumiti ng may panunukso) initin nyo na lang po. Sige po, tawagan nyo na lang ako pag kailangan mo ko. -Sec. Kim
Salamat. -Jaldwin
Pinainit nya ang soup sa mayordoma nilang si Mrs. Choi. Nasarapan sya sa luto ni JK. Habang nahigop sya ay bigang may nagflashback sa kanyang pangyayari nung lasing na lasing sya na labis nyang kinabigla at kinahiya.
Flashback
Lam mo ba ang sakit nito oh! (Itinuro nya ang kanyang dibdib. Kinuha ang kamay ni JK at inilapat kung saan yung masakit na parte) ayan wala na hahaha
Ikaw kaya ang makakapagwala ng sakit? Seryosong sabi nya habang nakatitig sa dalaga. Ngayong pinakawalan ko na sya at magsisimulang muli, magmahal muli at buksan ang puso ko. Susugal ka bang pumasok sa buhay ko?kahit hindi pa ubos ang pagmamahal ko sa kanya?kahit may konti pang natitira? Are you willing to risk? Patuloy nya. Hinawakan nya ang mukha ni JK at unti-unti nyang nilalapit ang mukha nya sa dalaga kaso ayun bigla syang sumuka.
End of flashback
Oh! Damn me. Ginawa ko yun? Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya. Tch... Jaldwin nakagawa ka na naman ng kaistupiduhan.
Napasandal na lamang sa upuan at nag-isip ng malalim...
Dumating na anv araw ng pagpunta nina Jaldwin at Hillary sa South Korea. Naiisipang tumawag ni Jaldwin kay JK upang magpaalam.
Kuya Jaldwin bili lang ako ng coffee -Hillary
Sumenyas si Jaldwin na ok habang ang phone ay nasa tenga..
Hello JK. Ano kasi.. hindi na ako makakapagpaalam ng personal pero.. (naputol ang kanyang sinasabi sa sinabi ng dalaga) -Jaldwin
Edi, magpaalam ka po sa akin ng personal Pres. Jung -JK
BINABASA MO ANG
My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)
Romanceano ang gagawin mo kung makasal ka sa isang lalaking ayaw matali sa isang babae kaya naman lagi nya itong tinatakbuhan pero sa tingin nyo ba kaya nya pang takbuhan ang isang babaeng walang katulad? ABANGAN nyo nalang ^_^