Lap 57

132 3 0
                                    

Kinakabahan si Hillary dahil hindi sya sanay ng madaming taong nakatingin sa kanya kaya naman hinanap nya na lang si Marves since sya naman ang kapartner nya. Nakita nya ito sa dressing room nila, nakaupo ito.. natutulog habang nakasalpak ang earphone sa kanyang tenga. Nilapitan nya ito ng dahan-dahan at nang nakalapit na ito ay pinagmasdan nya ito habang natutulog.

Mukhang hindi sya kinakabahan at nagagawa nya pang matulog (bulong ni Hillary) pero ang cute naman nya.. sana tulog ka na lang palagi ang amo kasi ng mukha mo parang hindi makabasag pinggan. -Hillary

Kumuha ng upuan si Hillary at pinagmasdan ang binata sa pagkakatulog nito. Nagmulat ng mga mata si Marves at nakita nya ang mukha ni Hillary na malapit sa mukha nya kaya sa gulat ay nahulog sya sa kinauupuan nya.

Anong ginagawa mo?? (Habang tumatayo sa pagkakahulog) -Marves

Wala lang ang sarap kasi ng tulog mo eh!!! Hehehe (namumulang sabi ni Hillary)

Kamo baka gusto mo lang talaga akong pagsamantalahan habang tulog. -Marves

Excuse me ah!!! Its a big NO.. kaw pagsasamantalahan ko hahaha -Hillary

So, nang-aasar ka lang?? -Marves

Lumapit si Marves kay Hillary samantalang paatras ng paatras naman ang dalaga hanggang nacorner sya at napasandal sa pader. Ibinababa ng binata ang mukha at inilapit sa mukha ng dalaga.

Mapanganib sa isang babae ang ilalapit ang mukha sa isang lalaki mas lalo na't naalimpungatan ito sa pagtulog baka hindi ito makapagpigil -Marves

mas lalong inalapit ang mukha at itinutok ang labi sa labi ng dalaga..napapikit si Hillary, nakakunot noo ito at ipit na ipit ang labi nito. Napahinto ng saglit si Marves at pinagmamasdan ang dalaga. Napangiti ito at hinampas ang noo ni Hillary.

Aray!!! (Hinimas ang noong hinampas ni Marves) Grabe ka sa akin -Hillary

Wag mo na uulitin yun at baka hindi na ako makapagpigil sa susunod. -Marves

Napahinto si Hillary sa sinabi ng binata at bumilis na naman ang tibok ng puso nito. Nagsimula na ang Mr. And Ms. Sportsfest, kanya-kanyang bet ang bawat tao.. ang lakas ng hiyawan at hindi magkamayaw sa dami ng tao ang auditorium ng school. May mga paingay at banner pang dala ang iba. Maging ang Marvelicious at Hillarynatics ay may mga kanya-kanyang paandar.

Wow, ayaw din paawat 'tong mga fans ng pambato natin ah!!! Kaya dapat mga classmates higitan natin sila. -Jovette

At inilabas nya ang dalang megaphone..Napapalo na lamang sa ulo si Georga.

Haizt.. kahit kelan oh!!! -Georga

Nang talent portion na ay nagulat si Marves ng sinabi ng host ng event na ang talent na gagawin nila ni Hillary ay pagtugtog ng piano at electric guitar habang nakanta tila tumigil ang kanyang mundo biglang nagflashback sa kanya ang nangyari sa matalik nyang kaibigan na si Izumi kaya naman nauna na si Hillary nagsimula na itong tumugtog at kumanta lahat ay tumahimik dahil ang ganda ng kanyang pagkakanta sa musika na ginawa ni Izumi. Natulala si Marves ng pansamantala pero napansin nya tila hindi mapakali si Hillary, mukhang natetense at mauutal na habang kumakanta bigla nya naalala yung sinabi sa kanya ni Hillary na may stage fright sya..na takot syang magkamali at mapahiya sa madaming tao kaya naman sa hindi nya maipaliwanag na dahilan ay bigla na syang pumunta ng stage, kinuha ang kanyang electric guitar, tinugtog ito at sinabayang kumanta ang dalaga. Napanganga sina Georga, Jovette at Drake. Nagtilian ang mga Marvelicious at kinikilig ng sumampa ng stage si Marves. Nang matapos magperform ang dalawa, lahat ng tao ay nagtayuan at nagpalakpakan. Maririnig ang hiyawan ng mga fans ni Marves at Hillary na akala mo ay nagconcert sila. Nang nasa backstage na sila ay biglang niyakap ni Hillary si Marves. Nagulat ang binata sa ginawa ng dalaga at ganun din naman ang dalaga sa ginawa nya kaya naman tinanggal nya agad ang pagkakayakap nya dito.

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon