Masaya na ang lahat dahil naayos na ang problema sa Company. Nagtalaga ng mga mapagkakatiwalaang tao si Jaldwin na magrereport sa kanya direkta tungkol sa mga sales at mapapatupad na rin ang isasagawa na surprise audit. Naghanap na rin sila ng mga bagong clients and investors para mapatatag ang Company. Gaya ng ipinangako ni Nate kay Mr. Santiago, inassign nya na ito bilang Consultant Manager ng kanilang maliliit na branches around Manila para magkaroon na ito ng oras sa kanyang pamilya. Nakahanap na rin sila ng bagong shareholders na pumalit sa mga tiwaling shareholders kasama si Scarlette. Si JK naman ay nagresign na bilang Sekretarya dahil pinagbigyan nya ang kanyang lolo na pag-aralan ang kanilang business kaya naman pinadala sya sa States para kumuha ng degree sa Business Management. Madalas na lamang magvideo call sina Jaldwin at JK dahil dun.
Bagay ba ang gupit ko hon?? -Jk
Oo naman. Kahit ano pa ang ayos mo sadyang babagay naman sayo. Miss na kita hon. -Jaldwin
Ako din miss na miss na miss na miss na kita Jaldwin ko. -Jk
Naks naman. -Jaldwin
Bigla itong tumayo.
Oh! Saan ka pupunta?? -Jk
Magpapabook na ako at pupuntahan kita dyan ng mayakap at mahalikan ka. -Jaldwin
Hala sya. Ilang buwan na lang naman at babalik na ako dyan sa Pinas. -Jk
Kahit ilang buwan na lang taon pa rin ang pakiramdam ko ang tagal. -Jaldwin
I love you. (Nagflying kiss) -JK
Sinalo ni Jaldwin yung flying kiss ni JK at inilagay sa kanyang labi. Natawa ang dalaga sa ginawa ng kasintahan.
Nasan ka nga pala ngayon?? -Jk
Nandito ako sa dressing room kasama si Nate. -Jaldwin
Ibinaling yung phone sa lugar ni Nate kung saan palakad-lakad at pabalik-balik dahil sa kaba.
Ngayon na ba yun?? -Jk
Oo. Sina Sofia at Jhenna ay nasa stage na kasama si Zhandra. Nagpeperform na sila. -Jaldwin
Wow. Pasuyo naman hon kay Nate. -Jk
Ibinigay ni Jaldwin ang phone kay Nate.
Hi! Nate. Good luck sayo mamaya. Ako naman magbibigay ng payo sayo basta wag kang kakabahan ah!!! Tignan mo lang sya sa kanyang mga mata at isipin mo lang na kayo lang dalawa ang tao tapos sabihin mo lahat ng nadarama mo. Kailangan natural at makatotohanan hindi scripted. Kaya mo yan. Ikaw pa ba?? -Jk
Salamat Khei. Susundin ko yang advice mo. -Nate
May kumatok na sa pinto.
Sir, ready na po kayo?? -P.A staff
Go! Nate. Fighting. -Jk
Fighting. -Nate
Ibinalik nya ang phone kay Jaldwin. Tinapik sya ng kapatid nya sa balikat nya.
Kaya mo yan. Lagi mo na lang ako nauunahan ah!!! Hahaha -Jaldwin
Salamat hyung. -Nate
Nasa backstage sila. Kakatapos lang ng production number nina Sofia, Jhenna at Zhandra ng biglang pumatay ang ilaw. Nagbukas ang big screen sa likod nila at may video clip na kung saan nagflash ang mga picture nya maging ang picture nila ni Nate. Nagulat sya dito kasi puro stolen shot na kuha ni Nate yung mga pictures. May mga messages pa ito. Naiiyak na sya. Nilapitan sya nina Sofia at Jhenna na kanina pa hindi maialis ang ngiti at tuwa para sa dalaga. Nagtitilian ang mga tao sa arena sa kilig. Nang may biglang nagbagsakan na flower petals sa lugar nya at maya-maya ay lumabas na si Nate na kinakanta ang favorite song ng dalaga. Lalong nag-ingay ang mga tao sa ginawa ni Nate. Nakasuporta ang kanyang pamilya at nandun din ang Dad at Mom ni Zhandra na sadyang ikinagulat nya. Umiiyak na ang dalaga ng lumapit si Nate. Niyakap nya ito at pinunasan.
BINABASA MO ANG
My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)
Romanceano ang gagawin mo kung makasal ka sa isang lalaking ayaw matali sa isang babae kaya naman lagi nya itong tinatakbuhan pero sa tingin nyo ba kaya nya pang takbuhan ang isang babaeng walang katulad? ABANGAN nyo nalang ^_^