Lap 40

145 4 0
                                    

Jaldwin's POV

After ng eksnenang yun. Wala na akong gana pang bumalik sa opisina kaya naman dito ako sa bar dumeretso, nireserve ko muna ngayong gabi. Wala namang bago dun lagi ko namang ginagawa ito everytime na gusto kong uminom. Good thing na kaibigan ko ang may-ari nitong bar. Well, tonight magpapakalunod ako sa kasalingan baka sakaling mamanhid itong sakit na ito. Bigla ko naalala ang pagtawag nya sa akin. I knew it. Tatawag sya, lagi naman syang ganun everytime na may nangyayari sa aking masama pero hindi sya nagsasalita pinakikinggan lang ako. Wow, pero yung kanina may improvement kasi nagsalita sya hahaha Sorry!!! Argh!!! Ganun lang talaga.. Im waiting for her explanation. I need her explanation. Damn her!!! But no I Love her.. I love her so much. Damn this heart. Damn. Sa galit ko binato ko yung glass na hawak ko. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko. Sobrang sakit na kasi. Unti-unting isinasadal ko ang mukha ko sa lamesa dahil unti-unti na rin ako nakakaramdam ng antok sa sobrang pag-iyak at sobrang pagod sa paghihinagpis pero habang pumipikit aking mga mata na may luha may image na babae akong naaaninag papalapit sa akin pero hindi ko makita ng malinaw kung sino sya. May sinasabi sya ngunit hindi ko na maintindihan ni marinig hanggat tuluyan ng pumikit ang aking mga mata.

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Bumangon ako hawak ang ulo ko. Nang may biglang nagsalita sa likod ko. Hindi ko na malayan na nasa loob ng kwarto ko si Nate. May dala syang folder.

Bakit naman kasi nagpakalasing?? -Nate

Huh? Ano, naparami lang.

Ok. Sabi mo eh!!! Nga pala oh! Ito ireview mo at pakisign. -Nate

Sige pakilapag na lang dyan sa table. Maya ko ireview. Nga pala paano ako nakauwi? Who brought me here?

Someone accountable sayo. -Nate

Who is he?

Its for you to find out. Grabe muntikan na ako mabuko dahil sa kalokohan mo bro. Sige, I have to go. Ayaw kong malate. And you, much better if mag-off ka muna sa work kasi ang lala na ng itsura mo hahaha -Nate

Bakit ano bang itsura ko??

Mukha ka ng zombie. (Lalabas na ng kwarto ng may biglang may naalala) Nga pala icheck mo si prinsesa natin, kahapon umuwi syang may sugat at maga ang mata. Mula pang pag-uwi ay hindi pa nalabas ng kanyang kwarto. Sya, sige na alis na ako. -Nate

Nang umalis na si Nate iniisip ko pa rin kung sino ang naghatid sa akin dito sa bahay. Bigla akong nauhaw at nagutom kaya naman lumabas ako ng kwarto nakasalubong ko si Hill na mukhang patungo din sa pupuntahan ko. Para kaming zombie maglakad. Mabagal at walang kagana-gana kahit ang mga maids namin ay nagulat. Kumain kami ng sabay. Sabay kami sa pag-upo, pagsubo at pati sa pag-inom para nga kaming nasa military. Sa palagay ko nga nawiwierduhan na sa amin ang mga maids namin. After namin kumain, nagtungo kami sa theater room namin. May bitbit kaming ice cream at nanood ng pelikula. Maya-maya sabay kaming humikbi at umiiyak habang nasubo ng ice cream. Ewan namin kung bakit kami naiiyak gayong nakakatawa naman yung pelikulang pinapanood namin hanggang sa nagkatinginan kami ni Hill. Wala akong nagawa kundi ang hawakan ang kanyamg balikat at itap sya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil ako man din ay sawi. Tahimik lang ako at hinayaan syang umiyak ng umiyak lang. Ang bilis ng panahon hindi ko na malayan na dalaga na ang aming prinsesa at ito nasasaktan sa pag-ibig samantalang ako ito tila huminto ang oras sa akin. Nakow, yari talaga sa akin si Harvey at bakit nya pinaiiyak ang aming prinsesa. Hep! Paano ko nalaman, obvious naman kasi sa kilos ni Hill kapag kasama si HArvey at saka tanging si Harvey lang naman ang nakakausap at nakakasama niya na lalaki. Ilang oras din kaming tahimik. Hindi ko sya tinatanong hahayaan kong sya ang mag open up sa akin kaya sa ngayon mananahimik muna ako at magpapanggap na walang alam. Uhhm.. pero hindi ko na matiis.

Uhhm.. time's up.

Huh?(sabay tingin sa akin) -Hill

Time's up na sa pag-iyak at tignan mo nagmumukha na tayong zombie oh!!!

Pilit na tawa lang ang itinugon nya sa akin.

Ok! Ganito may business trip ako sa Korea at isasama kita. Alam kong gustong gusto mong pumunta dun para makita mga oppa mo diba?kaya isasama kita kesa nagmumukmok ka dito ng walang dahilan.

Tumango na lamang sya bilang pagtugon sa akin. Time's up na sa paghihimutok kong ito. Tama ganun na nga. Mag yes na ako sa business trip na yun for 2 months. Ok na yun para totally buuin ang sarili ko. At magsisimula muli ako.

Kuya Jaldwin. Nga pala nakakahiya yung ginawa mo kay ate JK hehehe -Hillary

Huh? (⊙o⊙)?Hindi ko alam ang sinasabi mo.

Hahaha wala sige na kuya balik na ako ng kwarto. Magpack na ako ng things for Korea vacation ko (='∀`)
Kelan nga yun? -Hillary

Sa makalawa na

Ok. -Hill

Pero teka hindi mo pa ako sinasagot. Anong ginawa ko kay JK?

Hindi nya ako sinagot at tuluyan na ngang lumabas ng theater room namin. Pasaway na bata parehas talaga sila ni Nate. Nang biglang pumasok si Mrs. Choi

Ahem! Sir kasi kagabi nagsususuka kayo at nasukahan nyo pa nga po yung sekretarya nyo po ba yun?Si Ms.Gutierrez hehehe -Mrs.Choi

What??wala akong maalala. Paanong sya ang nagjatid sa akin dito sa bahay?

Yun lang po ang hindi nabanggit ni Ms.Gutierrez. uhhm.. tapos na po ba kayo dito (tinuro ang mga ice cream) lilinisin ko na po. -Mrs.Choi

Oh! Yes. Thank you.

How come na sya ang naghatid sa akin?bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin ni Nate na muntikan na syang mabuko.

Nate's PoV

Breaktime kaya naman naisipan ko munang bumaba ng building at nagtungo sa park na malapit. Hawak ang iced coffee na iniinom ko. Iniisip ko ang nangyari kagabi. Lalabas sana ako para maglaro ng basketball pero laking gulat ko na isang pamilyar na mukha ang bumaba sa taxi. Teka si JK yun ah! Laking gulat ko na may inaalalayan sya sa paglabas ng taxi at si Kuya Jaldwin pala yun na lasing na lasing kaya naman dali-dali akong pumasok at tinawag si Mrs.Choi para tulungan si JK. Nang aalis na sana si JK ay biglaan naman syang sinukaan ni Kuya Jaldwin na kinatagal pa ng pag stay nya. Pinagmamasdan ko lang sya. Napansin ko na habang hinihintay nya si Mrs.Choi para sa pamalit na damit ay tinitignan nya ang mga picture ni kuya. Nakamasid pa rin ako sa kanya pinagmamasdan ang kanyang ginagawa. Hanggang nakita ko na lumapit sya sa natutulog kong kapatid at pinagmamasdan itong matulog. Nakita ko din na hahawakan nya ito sa mukha kaya naman binalabag ko ang pintuan at ako'y umalis na. Nakakainis yung nakita ko pero ayaw ko na lang mag-isip pa ng kung ano. And I know for sure na ate Jhemna pa rin ang mahal ni Kuya. Hinabilin ko na lang kay Mang Ben ang paghatid kay JK sa kanilang bahay. Habang iniisip ko yun hindi ko namalayan na may tao na palang nakatayo sa harap ko. Laking gulat ko kasi ang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Si Zhandra pala. Ngumiti sya sa akin at tumabi sa akin.

Ang lalim ata ng iniisip mo ah? -Zhandra

Ahh.. wala naman napapaisip lang ako kung bakit ang sarap nitong iced coffee na iniinom ko hehehe (⊙o⊙)?

itinaas ko yung dala kong iced coffee. Laking gulat ko ng bigla nya itong inagaw at tinikman ito.

Uhhm.. wala namang special dito??nilagyan lang ng yelo. -Zhandra

Natulala ako at hindi ko alam na nagbablush ako. Kasi naman para na rin kaming nag-kiss.

Hala, teka bakit parang nagba blush ka? (Hinawakan ang mukha ng binata at tinignan) oo nga.. nagba blush ka. Hala ang galing, namula na mukha mo oh!!! ⊙▽⊙ (amaze na amaze) -Zhandra

Sobrang namula ang buo kong mukha, panu ko nasabi kasi naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Sobrang bilis ng tibom ng puao ko sa hindi ko malamang dahilan kaya naman dali-dali kung tinanggal yung pagkakahawak nya sa mukha ko at dali-daling bumalik sa opisina. Pero pumunta muna ako sa banyo. Naghilamos ako. Grabe, bakit naman sya ganun. Hindi ko kinaya yun ah!! Saka bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko. (Sabay hawak sa dibdib habang tinititigan ang sarili sa harapan ng salamin)

A/N: More on POV ako ngayon ah!!! Hahaha sana nagustuhan nyo yung UD ko ngayon. Yun lang. Happy reading and have a blessed day. Saranghae.








My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon