Lap 60

141 5 0
                                    

Sa eskwelahan nina Hillary at Marves.. sa may baseball field. Dahil si Hillary ang nanalo bilang Ms. Sportsfest kaya naman rumampa sya at sya din ang umawit ng pambansang awit. Bago magsimula ang laban ay si Hillary ang nagpitch ng bola para buksan ang laro para sa championship. Kagaya ng pinangako nina Drake at ang team mate nito na hindi paglalaruin si Marves. Sa unang laro ay lamang ang kuponan nina Drake ngunit ng kalagitnaan ng game ay may biglang nangyari kay Drake, na injured ito at hindi na pedeng maglaro ayon din sa advise ng Doctor. Nang malaman ni Marves kung bakit na-injured ang kaibigan nya ay napilitan itong maglaro para patunayan na hindi kailangang mandaya at manakit para manalo. Sa huling oras ng laro ay tumabla sila ng kalaban kaya naman kailangan nilang manalo kaso nakastrike 2 na si Marves isa na lamang ay maaari ng tanghaling kampyon ang team nina Harvey.

Strike 2...

Sige, isa na lang mastrike 3 ka na Marves hehehe -Harvey

Seryoso lang at nagfofocus ng mabuti si Marves sa pagpalo sa paparating na bola. Pagkapalo ng bola ay kasabay din ng pagtilamsik ng kanyang pawis. Buong pwersa nyang pinalo ang bola.

PAK...

Ang layo ng lipad ng bola.. isang magandang Home Run!!! at isang matagumpay na pagkapanalo. -announcer

Whoah!!! Home run.. yey!!! -patakbong iika-ikang sabi ni Drake

Galing!!! Panalo tayo. Sabi na nga ba kaw lucky charm namin Marves -sabi ng team.

Binuhat nila si Marves at hinagis sya ng kanyang mga team mates samantalang hinagis naman ni Harvey ang suot na gloves sa inis.

Bleeh!!! Ang dadaya nyo kasi (pang-aasar na sabi ni Drake sa team ni Harvey)

Sina Jovette, Georga at Hillary ay tumakbong papalapit sa team nina Drake at Marves na tuwang-tuwa sa pagkapanalo. Napatingin si Hillary sa lugar ni Harvey. Nalungkot ito dahil sa napanood na laro nila kanina. Hindi nya sukat akalain na hahantong sa pandaraya ang kasabikang manalo nina Harvey. May isang babae na nanonood at nakaupo sa bleacher na nagulat ng makita si Marves. Humahanap sya ng tyempong makausap ang binata kaya naman ng papasok na sa locker ang team at si Marves, ay tinawag nya ang binata kaya naman huminto ito at hinarap ang tumawag.

Ahhh.. mister. Excuse me.

Bakit?? -Marves

May kinuha sa kanyang bag ng makuha ay inabot kay Marves.

Ito nga pala yung panyo mo. Maraming salamat.

Nakita nina Jovette, Georga at Hillary na may inaabot ang babae kay Marves.

Teka parang kilala ko yun ah!!! -Jovette

Ah!!! Si Gwineth Dee. -Georga

Diba sya yung pianist princess na kakabalik lang from her concert galing Japan. -Jovette

Sya nga. -Georga

Biglang nagflashback kay Hillary ang babaeng kayakapan ni Harvey nung nakita nya nung isang beses na sobra nyang iniyakan.

Ayos din talaga itong si Marves eh!!! Babae na talaga nalapit sa kanya. Naks naman at hindi pa basta-basta. -Jovette

Tch.. pianist princess. Anong kahanganga dun. At ito namang Marves na ito nagpapaflirt naman. (Bulong ni Hillary)

Ano nga ulit yun Hill?? May sinasabi ka ba?? -Jovette

Kako tara na't kumain nagugutom na ako -Hillary

Mamaya ay may laban pa si Marves ng Tennis. Double. Hindi ba natin papanoorin?? -Georga

Wag na. Kaya nya na yun. -Hillary

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon