Lap 58

134 5 0
                                    

Hindi nawawala sa schedule ni Mr. Gil ang pagpunta sa sauna para makapagrelax pero ng papasok na si Mr. Gil ng building ay may biglang bumagsak mula sa itaas buti na lang at mabilis kumilos si Nate at nacoveran nya ang matanda kaso may sugat na natamo sa likod si Nate.

Ayos lang po kayo Manong?? (Nakayakap pa rin kay Mr. Gil) -Nate

Oo hijo! Ayos lang naman ako. -Mr. Gil

Samanatalang nasa loob din pala ng sauna building si Zhandra.. nasa counter ito at nagpaparegister nang magsigawan ang tao sa loob ng makita ang pangyayari. Laking gulat nya ng mapansin ang binatang nakatalikod at dumudugo ang likod.

Mukhang pamilyar ang lalaking nakatalikod. -Zhandra

Nakasuot ng long navy blue sleeves na sweat shirt ang lalaki at nakajeans na cream. Nang pagtayo nito at pagharap nakita nyang si Nate ito kaya naman dali-dali syang lumabas at lumapit dito. Inilabas nya ang kanya panyo sa bag at itinakip sa likod na dumudugo ng binata. Nagulat si Nate ng makita ang dalaga hindi nya kasi inaasahan na nandun sa lugar na yun si Zhandra. Pumasok na sila ng sauna building, binigyan sila ng first aid kit ng management ng sauna.

Pasensya na po sa nangyari. Pagsasabihan po namin yung tenant na nangungupahan sa taas ng building. -Manager ng sauna

Yes, please. thank you. -Mr. Gil

Nililinis at ginagamot ni Zhandra ang sugat ni Nate. Diniinan ng bahagya ng dalaga ang sugat.

Aray!!! Masakit. May galit ka ba sa akin?? -Nate

Ang tapang tapang isalag yung katawan sa pasong bumagsak tapos ito lang sugat nasasaktan tch -Zhandra

Bakit ka dyan nagagalit?? -Nate

Hahaha iisipin kong magkasintahan kayo. Sadyang ganyan lamang hijo ang mga babae pag nag-aalala. Nagsusungit hahaha -Mr. Gil

Naku po nagkakamali kayo (referring to magkasintahan) kung alam nyo lang po ang sungit-sungit nga po ng taong ito -Zhandra

Hahaha anyway, salamat sa ginawa mo hijo. -Mr. Gil

Nate na lang po manong at saka walang anuman po hehehe -Nate

Ahh.. ganun ba, Sige salamat Nate. nga pala ako si Frederico Gil. -Mr. Gil

Ay, ako po pala si Zhandra uncle hehehe -Zhandra

Gusto nyo ba akong samahan na lamang magsauna?? -Mr. Gil

Sige po. (Sabay na tugon nina Nate at Zhandra)

Kaya naman naglaro sila at kumain ng nilagang itlog. Madalas na natatalo sa laro si Nate kaya naman pulang pula ang kanyang noo dahil sa pitik nina Mr. Gil at Zhandra. Ang saya nilang tatlo. Nang dumating na ang oras ng pag-uwi ay tinawagan na ni Mr. Gil si Dylann para sunduin sya.

Ihatid ko na po kayo Uncle Fred. -Nate

Naku, wag na ang mabuti pa ay si Zhandra na lamang ang ihatid mo. Oh! At ito na paparating na ang sundo ko. -Mr. Gil

Huminto ang isang sasakyan sa tapat nila at lumabas si Dylann.

Pasensya na po, napaghintay ko po ba kayo?? -Dylann

Hindi. Ang totoo nyan ay kalalabas labas ko lang din naman. Oo, nga pala Dylann anak ito si Nate ang tumulong sa akin kanina at ang kaibigan nyang si Zhandra. Si Dylann nga pala ang anak-anakan ko at mapagkakatiwalaan kong Sekretarya/Assistant. -Mr. Gil

Nagshakehands sila.

Papa, anong nangyari?? -Dylann

Ahh..naku, sa sasakyan ko na ikekwento at baka mahuli na tayo sa appointment ko. Paano ba yan mga anak kami'y mauuna na sa inyo. Maraming salamat. Ang saya ko ngayong araw. -Mr. Gil

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon