Ang himbing ng tulog ni Hillary dahil sa pagod kaya naman late na itong nagising. Bumaba ito para uminom ng tubig. Medyo pipikit-pikit pa sya at magulo ang buhok papasok ng dining area nila ng maalimpungatan sya ng may napansin lalaking nakaupo sa may living area nila. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang si Harvey yun. Tumayo ito at ngumiti, may kinuha sa table na isang bouquet na flowers. Lalapit sana ito sa dalaga ngunit sinenyasan sya na wag lalapit at dali-dali itong tumakbo papasok sa kanyang kwarto habang tinatakpan ang mukha. Natawa na lamang si Harvey sa kinilos ng dalaga.
Haizt.. ano ba naman yun. Bakit lagi na lang ako ginugulat. Nung una si Marves tapos ngayon naman si Harvey. (Habang nagsisipilyo) -Hillary
Maya-maya ay bumababa na ito at hinarap ang bisita kahit nakapangtulog pa ito. Inabot ni Harvey ang bitbit na bulaklak. Tinanggap naman ito ni Hillary.
Pasensya na kanina ah!!! Hindi ka man lang kasi nagpasabi na pupunta ka hehehe -Hillary
Okay! Lang ang ganda mo nga kahit bagong gising. -Harvey
Huh?? Naloloko na ba itong isang toh!!! -bulong ni Hillary
Saka gusto ko talagang surpresahin ka. -Harvey
Oo nasurpresa nga ako ng bongga hehehe Salamat nga pala dito sa bulaklak. -Hillary
Diba ano Hill, may nabanggit ako nung party ng kuya Nate mo... -Harvey
Hindi natuloy ang sasabihin dahil may tumawag sa phone.
Excuse me binibining Hillary may tawag po kayo sa telepono -maid
Inabot ng kanilang maid yung telepono sa dalaga.
Wait lang Harvey ah!!! -Hillary
Sige -Harvey
Hello, si Hillary na ito. Sino po sila?? Oh!!! Kaw pala.. bakit ka napatawag?? Talaga, sige free ako mamaya. San ba magkikita-kita?? Ah!!! Okay Sige. Bye. -Hillary
Hindi natapos ni Harvey ang gusto nyang sabihin kay Hillary dahil pagkatapos sagutin ng dalaga ang tawag sa phone ay nag-ayos na ito ng kanyang sarili. Inimbitahan na lang sya na sumama sa lakad nila ng kanyang mga kaibigan. Pumunta sila sa isang theme park para doon icelebrate ang matagumpay na pagkapanalo nina Marves at Hillary nung sportsfest. Pinagmaneho sila ng driver ni Harvey. Pagkababa nila ng sasakyan ay bumungad na agad sina Drake, Jovette at Georga na masayang kumaway at winawagayway ang hawak na tiket. Nilapitan nina Harvey at Hillary ang tatlo.
May hinahanap ka ba Hill?? -Georga
Ahh..wala naman. Tayo lang ba?? -Hillary
Hindi. Nasa loob na sina pareng Marves. -Drake
Sina?? May iba pang kasama?? -Hillary
Oo, parang yan (nginuso si Harvey) -Drake
Nagkainitan nga pala sila nung championship ng baseball game -bulong ni Hillary
Hep! Guys, paalala ko lang huh!!! Nandito tayo para mag-enjoy. -Georga
Tara pasok na tayo sa loob -excited na sabi ni Jovette
Nang makapasok na sila ay nakita nila si Marves may kasama itong babae na nakangiting kausap ang binata. Nilapitan nila ang dalawa.
Ahh..nga pala si Gwineth Dee. -Marves
Ayieee..ano yan pre, nangangamoy lovelife na ba yan?? -pang aasar ni Drake
Hindi lamang pinansin ni Marves ang pang-aasar ni Drake.
Naku, hindi nagkakamali kayo nagkataon lang na nagkita kami sa daan ni Mr. Hitori tapos niyaya nya ako dito. -Gwineth
Hitori??wala man lang reaksyon ang mokong na tawagin sya nun ng ganun??close??fc din tong babaeng toh eh!!! -bulong ni Hillary

BINABASA MO ANG
My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)
Romanceano ang gagawin mo kung makasal ka sa isang lalaking ayaw matali sa isang babae kaya naman lagi nya itong tinatakbuhan pero sa tingin nyo ba kaya nya pang takbuhan ang isang babaeng walang katulad? ABANGAN nyo nalang ^_^