Lap 48

137 5 0
                                    

Marve's PoV

So, ito na nga napasubo na naman ako. Rehearsal ng Mr and Ms Sports fest.. lahat ng kasali ay nandito kaso ang partner kong si Hot tempered princess ay wala pa.. gusto ata lagi nun ng grand entrance.. tinatawag na ang pangalan nya para makompleto at makapagsimula na sa rehearsal kaso nga wala pa.

Ms. Hillary Jung??? (Pangatlong tawag na)

May dali-daling tumatakbo papalapit sa instructor na tumatawag.

Here Ma'am (habang nakataas ang kamay papalapit) sorry Ma'am I'm late. -Hillary

Ok! Find your partner

Nang makita nya ako ay lalapitan nya na ako pero habang papalapit sya ay bigla na naman nagslow mo ang kilos nya. Nginitian nya ako pero naging iba ang dating ng kanyang ngiti sa akin pati ang pagkaway nya sa akin maging ang pawis nya ay tila naging kristal na nakakadagdag ng attractiveness nya.. nang biglang napatid sya sa wire ng microphone buti na lang at nasalo ko nagkatitigan kami ng ilang minuto. Nang matauhan kami ay tinanggal namin ang pagkakahawak namin maging ang pagkakatitigan namin at binaling namin sa ibang direksyon nang hindi ko inaasahan na mapatingin sa lugar ni Harvey, hindi ko maintindihan ang itsura nya. Mukhang hindi maipinta, ang sama makatingin. Wala naman akong pakialam sa kanya pero laking pasasalamat ko at walang nakapansin sa amin kundi nakakahiya, lalo kaming ma awkward pag nagkataon. Pinaliwanag sa amin ang mga gagawin, inensayo na rin namin yung sayaw na ipipresenta sa araw ng sports fest haizt.. bakit na naman nga ba ako napasok sa ganitong sitwasyon, lagi na lang ganito eh!!! Nang matapos na ang rehearsal namin ay dumeretso na ako sa locker ko upang umattend sa practice ng baseball nina Drake. Nang maayos ko na ang gamit ko at pupunta na sa baseball field ay may mga lalaking papasok, hindi sinasadyang narinig ko ang usapan nila.

May bago palang magandang estudyante sa section nung Marves mga pre -guy1

Oo nga ang cute cute.. ano nga bang pangalan nun?? -guy2

Ahh.. yun ba? Si Hillary Jung. -guy3

Ahh..Jung ba kamo??edi sya yung prinsesa ng mga Jung. Nag-iisang babae ng Jung. Wow!!! Akalain mo yun. -guy2

Teka edi kilala mo yun Harvey?? -guy1

Nagulat ako ng marinig ang pangalang Harvey kaya naman pinakinggan ko pa at nagtago para hindi nila ako makita.

Hindi lang sa kakilala (ngumisi at ngumiti ng nakakaloko) sobrang malapit pa kami sa isa't-isa (pagmamayabang nito sa mga kaibigan) -Harvey

Whoah!!! Grabe din sa kayabangan itong Harvey na ito. Sa isip-isip ko. Nakinig pa ako ng mabuti.

Ayun naman pala eh!!! Tiba-tiba ka dun pre kung magiging girlfriend mo yun. -guy1

Tama lalo kang sisikat nyan -guy2

Ano mga pre, gaya ba nang dati?? -guy3

Sige, ano??bet ka ba Harvey?? -guy2

Kailangan maging girlfriend mo yun?? -guy1

Though alam naman namin na magiging kayo nun kaya ganito na lang ang i-bet natin. Ilang days, weeks o months nya mapapasagot si Hillary -guy3

Ui, maganda yun. -guy1

Ano Harvey??game ka?? -guy2

Oo naman. Ako pa ba!!! -Harvey

Ayun!!! Great (sabay-sabay na sabi nang tatlong kaibigan ni Harvey)

Nang matapos na ang usapan nila ay dahan-dahan na akong umalis para hindi nila ako makita. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko. Hindi ko akalain na ganung klase palang tao si Harvey. Nagsisisi tuloy ako na ibinigay ko pa kay Hillary yung letter at box na pinasuyo ng lalaking yun. Nanggigil ako sa galit pero hindi dapat ako maapektuhan bagkus gumawa ng paraan para mahadlangan yung pustahan ng mga mokong na yun. Patungo na akong baseball field ng may narinig akong pamilyar na tunog. Pupuntahan ko na sana yung music room ng tinawag ako ni Drake.

Ui, Marves.. san ka pupunta??dito ang practice natin hindi dyan sa music room -sigaw ni Drake

Haizt.. ano ba naman itong si Drake, natural alam ko kung san ang baseball field.. kaya naman wala akong nagawa at pinuntahan ko na si Drake at baka kung ano pang kahihiyan pa ang gawin nya. Pinapanood ko lang silang magpraktis. Bahala sila sabi ko naman sa kanila na props lang ako at hindi ako maglalaro. Nang mapansin ko ang isang babae na nakatanaw sa amin at nakahawak ang isang kamay sa isang matandang puno. Hinahangin ang kanyang mahabang buhok. Nang biglang may lumapit sa kanya. Kilala ko kung sino yung lumapit. Si Harvey, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila at tila nagtatalo sila. Nang aalis na si Harvey ay biglang yumakap sa likod nito yung babae medyo tumagal din ng ilang minuto ang ganung eksena pero tinanggal ni Harvey ang pagkakayakap ng babae sa kanya at umalis na. Naiwang nakaupo ang babae at umiiyak. Grabe para ako nakapanood ng kdrama ng live. Nang bigla ako napalingon sa music room nakita kong nakatanaw sa amin sa bintana si Hillary. Napaisip tuloy ako kung nakita nya ba yung eksena kanina nina Harvey?? Mukhang hindi naman... Nagulat ako ng kumaway ito sa amin at grabe ang ngiti nito. itinaas ko ang kamay ko mga half na para sagutin ang pagkaway nya kaso laking gulat ko ng tumatakbong kumakaway papalapit sa music room si Drake.. kahit kelan itomg si Drake oh!!! Natawa na lamang ako. Kinuha ko na ang gamit ko at uuwi na ako. Madadaanan ko ang music room kaya naman makikita at makikita ko sina Hillary at Drake. Wala na akong balak na kausapin sila kaso tinawag ako ni Drake.

Marves nag-iinvite si Hillary ng dinner dun sa restaurant nila. -Drake

Sige kayo na lang. (Sabi ko)

Nang biglang nagsalita si Hillary at ewan ko ba pero napalingon ako sa kanya.

Sige na please... kasama naman sina Jovette at Georga. -Hillary

Bigla akong nafreeze dahil sa ginawa nya.. nagpacute kasi sya.. nagplease sign sya habang nakapout.. hindi ko napansin na tunatawag na ako ni Drake..

Ui, Marves.. ano na??sige na sama ka na para may kasama naman akong lalaki. -Drake

Samantala ako ay tumango na lang habang nakatulala sa ginawa ni Hillary..

Ayun!!! Yehey!!! Sige wait nyo na lang kami sa gate. Ligpitin ko lang mga gamit ko -Hillary (at isinara nya na ang bintana ng music room)

Masaya naman ang dinner namin.. ang kukulit nina Jovette at Drake kaya ang ingay sa restaurant at pinagtitinginan na kami ng mga tao dun samantalang tawa lang ng tawa si Hillary. Pinagmamasdan ko lang sya, tama nga sila maganda nga sya mas lalo na pag laging nakatawa.

Nang makauwi na ay diretso ako sa kwarto ko at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama nang may biglang ako naalala yung bet nina Harvey. Napagdesisyunan ko na haharangin ko ang planong yun. Bigla akong napatingin sa study desk ko nang may nakita akong nakapatong dun. Agad akong bumangon at nilapitan yun. nakalimutan ko na nasa akin ito, itinapon nga pala ito no Hillary at kinuha ko naman. Hinawakan ko yung box at binuksan ito, isang necklace. Napasambit tuloy ako na buti na lang.. hindi ko na ito ibibigay kay Hillary bagkus isasauli na lamang kay Harvey. Ayaw ko na sanang mangialam sa kanilang issue ni Hillary pero naiinis talaga ako sa bet na yun kaya naman hindi ko hahayaan na magwagi ka Harvey.

A/N: pasensya na sa mga nag-aabang ng UD ko at napatagal. Sobrang busy kasi. Kumukuha din kasi ako ng inspirasyon pa para makapagsulat pa. But anyway, Hope you like my UD. God Bless.

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon