Lap 72

139 3 0
                                    

May mali talaga. There's something going on in here. Hindi magtally ang bilang ng sales. May malaking pera na nawawala ng hindi nalalaman ni hyung dahil sa report na binibigay ng Accounting at Finance department maging ang manager ng sa Cebu branch. Hindi man lang napansin ito ng mga auditors. Nakakapagtaka hindi kaya dahil may kasabwat sa auditors. May tauhan ako sa branches namin na nagrereport sa akin na may mga stocks na expired goods and products na hindi isinama sa report at hanggang ngayon ay nakatabi pa rin sa warehouse. May mga products ding binili pero wala naman sa stocks at hindi rin nagamit o napakinabangan man lang. May connivance na nangyayari dito. We need to find it out and we need to know who's behind on this as soon as possible dahil pabalik na from US si ate Scarlette, ayaw kong makatunog sya. -Nate

We understand pero mas maganda atang alam ng kapatid mong si Jaldwin ito. -Dylann

No, mas mabuting wala syang alam. Kilala ko yun hindi sya makakatiis at baka masugod lang nya yung mga nagtatraydor sa kanya. Gusto ko ng madaliin ang lahat para makilala ko kung sinu-sino ang against sa kanya at malalaman ko lang yung kung aagawin ko ang posisyon ni hyung. -Nate

Hindi ito magiging madali Nate mas lalo't sabi mo nga ay may galamay itong si Scarlette. -Dylann

I know kaya nga maingat ang bawat kilos ko dahil alam ko kahit ako ay pinababantayan nya kaya malaking pasasalamat ko sa inyo ni Mr. Gil sa pagtulong sa akin atleast hindi sya magdududa sa inyo at sa ginagawa natin dahil aakalain nya lang na meeting lang ang nangyayari. -Nate

Wala sa amin yun ni Mr. Gil besides ikaw ang naging daan para makita namin si Celestina at JK. -Dylann

Busyng busy sila na pinah-aaralan ang kanilang nalakap na records ng naalala nya ang kanyang kasintahan.

Please excuse me for awhile. -Nate

Iniwan nya si Dylann na pinag-aaralan ang nakalap nilang files, documents at market report.

Tinawagan ni Nate si Zhandra.

Zhandra dear simula ngayon kailangan na natin mag-ingat. Hindi na muna tayo magkikita. Madalas na lamang kitang tatawagan. This is hard for us lalo na sa akin sobra kitang mamimiss. -Nate

Naiintindihan ko para naman sa pamilya at kompanya nyo yan. -Zhandra

Salamat sa pag-intindi. I love you. -Nate

I love you too. -Zhandra

Ibinababa nya na ang phone at binalikan si Dylann. Araw-araw at gabi-gabing abala sila sa pagpaplano at pag-iimbestiga. Buti na lamang at abogado si Dylann kaya naman magiging madali ang lahat. Hinimay himay nila lahat ng files maging ang record at reports. Pinaimbestigahan din nila ang malalapit kay Scarlette na shareholders maging ang ipapakilala nito kay Nate para mapatalsik si Jaldwin ay pinaimbestigahan at pinabantayan din nila maging ang mga auditors. Pinuntahan din nila ng palihim ang branch nila sa Cebu para makita yung sinasabing mga products na expired na pero nakatambak pa rin sa warehouse maging ang kanilang maliliit na branches sa Luzon at Visayas. May mga tapat na tao sina Nate na tumutulong sa kanila. Naghire ng palihim sila ng bagong auditors na eksperto at batikan na sa pag-audit para mapadali ang lahat. Balak nilang magsagawa ng biglaang audit at isasabay ang pag-aaudit sa araw ng shareholder's meeting ng sa gayon ay hindi sila matunugan na may niluluto silang plano laban sa mga corrupt na board members. Nakabantay talaga sila at madalas nakamonitor sa mga binayarang auditors hanggang sa dumating na ang araw ng Sharehoder's meeting. Maagang nag-ayos si Nate. Nagsusuot sya ng necktie nya sa harap ng salamin ng maalala nya yung araw na nagpasa sya ng proposal kay Mr. Gil.

Flashback

After ng meeting nila ni Mr. Gil sa tea house ay tumawag ito kay Nate nung gabi.

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon