Lap 63

124 4 0
                                    

Tumunog ang alarm ni Zhandra. Pinundot nya ito para mamatay, umupo sya at inunat ang kanyang mga kamay. Tumayo sya at lumapit sa kanyang table. Kinuha ang kanyang kalendaryo at nakitang may bilog.

Sa isang araw na pala ang birthday ni dad. -Zhnadra

Pagkakita nya sa kalendaro ay naisipan nyang mamili sa Palace Mall para ipanreregalo sa birthday ng dad nya. Nasa mens stall sya ng may nakita syang sapatos. Nang mahawakan nya na ito ay may isang lalaki din ang humawak dito. Hinigit nya ito pero hindi din nagpatalo ang lalaki. Tinignan ni Zhandra ang kaharap nagtataka sya kung bakit nakahood ito at nakashade. Hinatak nya ng buong lakas yung hawak na sapatos kaya naman na out of balance ang dalaga, nanlaki ang mga mata nya dahil babagsak sya sa sahig buti na lang at mabilis ang response ng lalaki at nasalo sya nito pero bumagsak ang suot nitong hood maging ang shades nito dahil nasagi ng kamay ni Zhandra. Natulala si Zhandra sa kaharap. Napahinto ang isang babae sa labas ng stall, naglabas ng kanyang cellphone para kunan sila Zhandra at ang lalaki. Nagsisigaw ito.

Si Waren Lee. Nandito si Waren. (Kinikilig na sigaw ng babae)

Pagkasigaw ng babae ng ganun ay nagsipagdagsaan na ang ibang mga tao sa mall at may mga dalang cellphone. Nagsipagtakbuhan ang mga tao para lapitan at puntahan ang stall kung nasan sina Waren at Zhandra. Naguguluhan ang dalaga sa nangyayari. Iniayaos ng binata ang dalaga sa pagtayo.

Yari, nakilala na ako. -Waren

Naguguluhan pa rin ang dalaga. Tumingin ang aktor kay Zhandra at hinawakan nya ito sa kamay.

Pasensya na pero ihanda mo na ang sarili mo sa pagtakbo. -Waren

Inalis ni Zhandra ang kamay ng binata.

Teka. -Zhandra

Tinanggal ang kanyang suot na heels at hinawakan na lamang ito.

Mabilisang takbo ito diba?? (winagayway ang heels na sapatos) -Zhandra

Natawa na lamang ang actor, tumango bilang pagsang-ayon at muling hinawakan ang dalaga.

Ready!!! Get set GO. Takbo -Waren

Tumakbo sila palabas ng stall. Sinugod nila ang dagsa ng tao. Nang malusutan yun ay dali-dali silang tumakbo pero nakasunod pa rin yung mga tao sa kanya. Yung iba vinivideohan pa ang pagtakbo nila. Habang tumatakbo ay masayang nakangiting nililingon ng binata ang kasamang dalaga samantalang gulat na gulat pa rin si Zhandra dahil hindi sya sanay sa ganung sitwasyon. Pumunta sila sa exit para dun na lamang dumaan. Nang makita ng mga security ang kaguluhan sa cctv monitor nila ay agad na nagpadala pa ng tauhan para mapigilan ang dagsa ng tao. Nacontrol na ng security ang mga tao samantalang sina Zhandra at Waren ay hingal na hingal na huminto sa labas ng Mall. Isinuot agad ni Waren ang kanyang hood at shades. Si Zhandra naman ay ang kanyang sapatos. Tinulungan syang magsuot ni Waren na kinahiya naman ng dalaga.

Ibang klase yun hahaha -Zhandra

Kaya nga. First time kong tumakbo ng may kasamang babae ng ganun hahaha -Waren

Bakit ka ba nila sinusundan ng ganun?? -Zhandra

Hindi ko alam hahaha wala kang alam tungkol sa akin noh?? -Waren

Oo naman. Estranghero ka kaya. -bulong ni Zhandra

Nang may humitong bus na may letrato na commercial ng isang sikat na pelikula ni Waren Lee na eksaktong nakatalikod ang binata dito. Nanlaki ang mga mata ni Zhandra at tinuro yung bus. Napalingon si Waren sa likod nya kung san ang dereksyong tinuturo ng dalaga.

Hahaha ako nga ba yun?? (Napahawak sa batok na tila nahihiya) -Waren

Grabe hindi ako makapaniwala. Waren Lee?? Teka diba kaw din yung nabangga ko kahapon?? -Zhandra

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon