Lap 65

136 4 0
                                    

Hanggang kelan mo ba ako titikisin? -Jaldwin

Hindi pa rin kumikibo ang dalaga. Bumababa ito ng sasakyan. Sinundan sya ni Jaldwin at niyakap ito.

Miss na kita hon. -Jaldwin

Napahinto si JK, pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

Bitiw. -Jk

Bakit mo ba sa akin ginagawa ito?? -Jaldwin

Inalis ni JK ang pagkakayakap sa kanya ng kasintahan at humarap sya dito.

Para toh sa ikabubuti natin. -JK

Bakit ok naman tayo ah!!! -Jaldwin

Hindi tayo magiging ok kung hindi mo pa nasesettle ang feelings mo kay Jhenna -JK

Ikaw na ang mahal ko. -Jaldwin

Pero mahal mo pa rin sya?? -Jk

Hindi ko na sya mahal. -Jaldwin

Tumingin ka sa mga mata ko habang sinasabi mo yan. -Jk

Hindi makatingin ang binata. Tumulo ang mga luha ng dalaga na kanina nya pa pinipigilan. Napahawak sya sa kanyang bibig at huminga ng malalim.

Hindi mo nga makuhang tumingin sa mga mata ko. Ayaw na nga kitang pahirapan pa kaya naman nakikipaghiwalay na ako. Kaya please parang awa mo na tigilan na natin toh!!! Ang sakit na eh!!! Ang sakit sakit na Jaldwin. -JK

Pumasok na ng kanilang bahay si JK na umiiyak samantalang nakayuko lamang si Jaldwin. Hindi nya malaman sa sarili kung bakit hindi nya napagbigyan ang pakiusap sa kanya ng kasintahan na sabihin ito direkta na nakatingin sa kanyang mga mata na hindi nya na mahal si Jhenna. Mahal nya si JK at malinaw yun sa kanya pero nung makita nya si Jhenna na nahimatay ay may naramdaman itong takot na tila nagsasabing mahal nya pa rin ang dating kasintahan.

Sa araw ng simula nya bilang Sekretarya ni Nate ay maaga itong gumising, nakabihis na ito at hinihintay na lamang ang oras upang umalis at pumasok kaya naman matagal muna itong nakaupo sa kama nya. Nakatitig sya sa malaking salamin sa kanyang harapan. Nakita nya ang sarili dito na malungkot.

Tama na JK. (Tinampal tampal ang pisngi ng dalawang kamay) Hindi na ikaw yan. Ayusin mo nga ang sarili mo. Ngiti na. Ngumiti ka na. (Hinawakan ang labi at pinapangiti ito) ayan dapat ganyan. Fighting!!! (Itinaas ang kanang kamay at nagform ng fighting sign) -JK

Sa opisina ni Nate. Kausap nya sa telepono si Scarlette.

Yes. Tinanggap ni Mr. Gil ang proposal ko. Paano?? Dahil kay Celestina Gil. Basta ako na bahala. Babalitaan na lang ulit kita ate. Sige na. Bye -Nate

May kumatok sa pintuan. Pagkabukas nito ay bumungad si JK. Lumapit ang dalaga sa table ni Nate.

Good morning Sir Nate. Ako po si Jamaica Khei Gutierrez ang Secretary nyo po. Pinapangako ko po na pagbubutihin ko ang trabaho ko at hindi kayo magsisisi sa paghire sa akin. (Yumuko sya bilang paggalang) -Nate

Nagulat ang binata sa ginawa ni JK at natuwa.

Ano ka ba Khei, napakaformal mo naman. -Nate

Sir, pakiusap po wag nyo akong itrato ng gaya ng dati. Iba na po ang sitwasyon natin. -Jk

Ok fine. Sige Secretary Gutierrez ihanda mo na ang appointment schedule ko at mga kakailanganin sa meeting para makapaghanda. Maging yung mga paper na aaralin ko. Tatawagan na lang kita pag may kailangan pa ako. -Nate

Yes, Sir. (Nagbow at pumunta na sa kanyang area sa labas ng opisina ni Nate) -JK

Pinagmamasdan ni Nate si JK sa kanyang table. Kita nya ang dalaga dahil sa transparent wall ng kanyang opisina. Seryoso at dedicated ang dalaga sa kanyang trabaho kaya naman motivated si Nate sa pagtatrabaho. Mga ilang oras ang lumipas ay dumating si Jhenna. Tumayo si JK at nagbow dito. Tumawag ang dalaga kay Nate at pinaalam na may bisita ito. Pumasok si Jhenna. Pinaupo sya ni Nate sa sofa ng opisina.

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon