Hillary's PoV
Uhhm.. alam ko dito ko lang yun itinapon eh!!! Haizt ang aga naman magtapon ng basura ng mga janitor dito sa school. Ang nakakapagtaka lang ay bakit kay Marves pinaabot yung letter at yung box na yun? Magkakilala ba sila? Kung sa bagay maliit lang naman itong campus need lang naman na sumakay ng golf car o shuttle para makapunta sa iba pang building hehehe (sabay kamot sa ulo) teka pede ko naman syang tanungin kaso baka sungitan at supladuhin na naman ako nun eh!!! Pero bahala na nga. (Sisilip silip sa basurahan) bat ko ba kasi tinapon yun ng hindi muna binabasa tuloy nakucurious ako kung ano ang laman ng mga yun? Isang buong araw wala si Marves ah!!! Ang alam ko ang hilig lang gawin nun ay ang matulog sa klase o kaya naman ay magcutting classes anyway ano bang paki ko bahala sya.. pero ang lungkot din pala pag wala yung mokong na yun.. medyo boring kasi walang makaaway..
Kinabukasan.
Wala pa rin si Marves at tila walang naghahanap sa kanya.. ako lang ba talaga ang naghahanap?haizt.. nakocurious na ako tatanungin ko na nga si Drake. Kaya naman tinawag ko si Drake nung breaktime namin.
Drake.. psst.. halika (may pagsenyas)
Oh! Bakit bebe girl? 😉 -Drake
Kahit kelan talaga tong so Drake napagkaloko (sa isip ko) Hindi ka ba nagtataka kung bakit wala yung kaibigan mong si Marves? Tanong ko sa kanya.
Ahh.. bakit miss mo na noh??hahaha -Drake
Hindi ah! Mas ok nga kasi ako nag eexcel ngayon dito sa klase eh!
Kala ko kasi eh! (Pang-aasar look) -Drake
Pero seryoso 2 days na syang wala..nakakapagtaka lang.
5 days sya mawawala.. normal lang yun.. every year ganun sya pagsasapit ang araw ng May 19.. tradisyon nya na yun hahaha -Drake
Huh?? (⊙o⊙)?tradisyon?? (pagtataka ko)
Wala ngang napuna diba kasi nga lagi nya na itong ginagawa. Baka naman puntahan mo sya sa kanila ah!!! (Pang-aasar ni Drake)
Bakit ko naman sya pupuntahan sa kanila (inis kong sabi)
Hahaha ang cute mong maasar. -Drake
Naku, nagpapasimula na naman itong si Drake. (Sabat ni Georga)
Pagsasapit talaga ang buwan at araw na ito, lumiliban si Marves para pumunta sa Japan. -Jovette
Huh??for vacation?? (Tanong ko sa kanila)
Ewan, hindi din namin alam basta ang sigurado kami na half Japanese sya. -Georga
Wait half Japanese sya?? (Gulat kong saad)
Pinagtawanan nila ako pagkasabi ko ng ganun sa kanila.
Seryoso Hillary?hindi mo nga alam na half Japanese sya?? -Jovette
Oo nga obvious kaya sa mukha at maging sa accent nya. -Georga
Hindi talaga!!! Promise!!!
Pinagtawanan lang nila ako hanggang sa dumating ang teacher namin. Nakucurious talaga ako kung bakit taon-taon sa ganitong araw ay nawawala sya. Baka nga tradition nila yun sa Japan sa family nila something.. ang lalim ng iniisip ko ng biglang bumulong sa akin si Drake na ikinagulat at ikinasigaw ko. Nagtinginan ang lahat kaya naman sa hiya ko ay napatakip na lang ako ng bibig. Nang nawala na sa amin ang atensyon ng lahat ay nagsalita na ulit si Drake.
Nagtataka ka ba kung bakit wala si pareng Marves?? (ulit nyang tanong) -Drake
Napailing na lang ako na talagang gustong gusto kong malaman.

BINABASA MO ANG
My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)
Roman d'amourano ang gagawin mo kung makasal ka sa isang lalaking ayaw matali sa isang babae kaya naman lagi nya itong tinatakbuhan pero sa tingin nyo ba kaya nya pang takbuhan ang isang babaeng walang katulad? ABANGAN nyo nalang ^_^