Maagang pumasok si Marves sa eskuwelahan.
Marves' PoV
Hep! Bago kayo mag-isip ng ano pa man.. maaga akong gumising ngayon para magpractice ng tennis. Nalalapit na kasi ang sports fest dito kaya diba magkakaroon kami ng play at ng iba pang pakulo.
AnGeLsMiLe: defensive!!! If I know..
Flashback
Narinig ni Marves ang usapan nina Jovette at Georga nagpapanggap lang kasi syang tulog.
Diba bukas makakapasok na si Hillary? -Jovette
Oo. Yun ang sabi nya nung magvideo call kami kanina. -Georga
Excited na ako sa baon nyang kwento at mas lalo na sa pasalubong nya -Jovette
Hay naku.. kahit kelan oh!!! -Georga
Nang biglang sumungit sa eksena si Drake..
Talaga papasok na si Hillary ko bukas.. sobrang namiss ko sya.. -Drake
At isa rin toh eh!!! Ahh.. ewan ko sa inyo. Dyan na nga kayo. Magsama kayo tutal parehas kayong mga weirdo. -Georga
Nilayasan ni Georga sina Drake at Jovette na may sariling mundo na may hugis bituin at puso sa mga mata nila samantalang bubulong-bulong si Marves habang nagkadantay ang mukha sa braso na nakapatong sa kanyang armchair kunwari tulog.
Tch.. eh! Ano naman kung papasok na sya.. excited na excited naman sila.. ito namang si Drake ang corny.. Talaga papasok na si Hillary ko bukas.. sobrang namiss ko sya.. tch..
End of flashback
haizt.. ang boring magsisimula na ang klase pero wala pa rin sya.. nasa kala gitnaan na ng pagtuturo ang titser namin ng na-interrupt ang klase. Napa wow at naghiyawan ang mga kaklase kong lalaki ng may pamilyar na babaeng pumasok sa classroom namin. Haizt kahit kelan tong mga kaklase ko baluga.. makakita lang ng babae. Humihingi ng pasensya ang babae sa titser namin dahil late sya.
Sorry Ma'am Im late nasiraan kasi kami
Ok! You may take your seat now Ms. Jung -titser
Wait.. did I hear it right? Ms. Jung? Kaya naman itinaas ko na ang ulo ko para makasigurado pero syempre yung hindi obvious.. kaya naman pamilyar ang mukha nya.. hindi ko sya namukhaan agad dahil nagpagupit sya habang nalakad sya papalapit ng upuan nya na katabi ko lang naman ay tila bumagal yung galaw nya.. nagslow mo ba.. nawala yung mga kaklase ko tanging ako at sya na lang ang nasa loob ng classroom, hindi ko alam kung anong nangyayari tapos tila hinahangin-hangin pa yung buhok nya, take note nagpagupit sya ng kanyang buhok and then nagliliwanag pa sya na parang kumikinang-kinang sya. Tanging naririnig ko ng mga oras na yun ay yung tunog ng puso ko na parang tambol sa lakas mas lalo ng papalapit na sya malapit sa kanyang upuan ay amoy na amoy ko ang kanyang buhok na tila ba nahuhumaling ako dito hindi ko namalayan na natutulala na pala ako. Nang matauhan ako ay dali-dali akong nagtatatakbo palabas ng classroom. This is not me. Hindi talaga. Ang paulit-ulit kong sinasabi nang biglang may nabangga ako. Magsosorry sana ako kaso ng makita ko kung sino ay hindi na lang. Si baseball player friend ni Hot tempered princess Hillary. Tumayo sya at pinagpag ang damit, pinulot ang sports bag nya. Ganun din ang ginawa ko. Tumayo at pinagpag ang aking damit.
Pasensya na. Hindi ako tumitingin sa daan ang lalim kasi ng iniisip ko -Harvey
Tumango na lang ako as sign na oks lang. Aalis na sana ako ng tinawag nya ako.
Teka lang, diba ikaw yung friend ni Hillary Jung?
Wait!!! Friend as in kaibigan sa isip-isip ko..tch!!! Tumulong lang kaibigan na agad haizt.. kaya naman hindi ako nagsalita.

BINABASA MO ANG
My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)
Romanceano ang gagawin mo kung makasal ka sa isang lalaking ayaw matali sa isang babae kaya naman lagi nya itong tinatakbuhan pero sa tingin nyo ba kaya nya pang takbuhan ang isang babaeng walang katulad? ABANGAN nyo nalang ^_^