Hindi nakapasok kinabukasan si Jaldwin. Dinalaw sya ni Jhenna at dinalhan ng soup. Dahil kilala na sya ng mga tao sa masyon ay malaya itong nakakilos sa loob.
Ate Jhenna. (Niyakap ang dalaga) -Hillary
Aba, teka (inikot si Hillary) dalaga na ang aming prinsesa ah!!! -Jhenna
Bakit kasi ngayon ka lang ulit bumisita dito?? -Hillary
Mahabang storya kung iisa-isahin ko pa. Ikaw kumusta kayo ni Harvey?? -Jhenna
Ate ano ba yang sinasabi mo. -Hillary
Oh! Mukhang iba na ata at hindi na si Harvey ah!!! sya lang naman ang madalas mong kasama at kausap. Halata kaya na may crush ka sa kanya. -Jhenna
Hehehe -Hillary
Pero masaya akong hindi mo na kinukulong ang sarili mo sa iisang tao at sa mansyong ito. Aba'y sayang ang ganda para maging si Rapunzel ah!!! Malawak itong mundo kaya masayang iexplore mo ito habang bata ka pa at buhay. (Sumeryoso) -Jhenna
Kaw talaga ate Jhenna. Opo. Paano ba yan papasok na ako. Natutuwa akong muli kang makita. (Hinalikan sa pisngi) Bye. -Hillary
Nang matapos ihanda ni Jhenna ang soup na kanyang dala ay inihatid nya ito sa kwarto ni Jaldwin. Gising na ang binata at hindi bumabangon kaya naman pinilit ni Jhenna na patayuin ito.
Bakit ba?? Ayaw ko nga sabi eh!!! -Jaldwin
Hanggang ngayon ba naman ay ganyan pa rin ang attitude mo. Kelan ka ba magiging matured huh!!! Jaldwin ng gaya ng kapatid mong si Nate. -Jhenna
Nagbago ang itsura ni Jaldwin ng marinig na ikinumpara sya kay Nate. Umupo ito sa kama.
Kaya ba iniwan mo ako??kasi Im an immature. -Jaldwin
Jaldwin. -Jhenna
Tch.. wag ka ngang magpanggap na concern gayong iniwan mo naman akong ganito ng ilang taon saka bakit ka pa ba bumalik?? Ok na ako tapos ngayon gumulo na naman. -Jaldwin
Malinaw na naman sa akin ang lahat na hindi na ako ang mahal mo kaya nga kahit masakit na makita ka na masaya sa piling ng iba ay iniinda ko dahil masaya ka pero kung makikita kitang nakalugmok at parang bata na naghihimotok ng ganito hindi ako para tumunganga na lang sa isang tabi. -Jhenna
Tumigil ka na nga at umalis. Natikis mo nga ako nun kaya ganun na lang ang gawin mo ngayon. -Jaldwin
Hindi! Makinig ka Jaldwin kung mahal mo sya ipaglaban mo. Ipakita mong karapatdapat ka. -Jhenna
Para ano pa eh!!! Ayaw nya na. -Jaldwin
So, what?? Nasan na ang Jaldwin na gusto laging nananalo?? Para saan pa ang pangalan mong JaldWIN diba?? Yung storya natin oo tapos na pero walang closure. Isa yun sa dahilan kung bakit ako bumalik at ngayon handa na akong sabihin sayo yun. May sakit ako Jaldwin. -Jhenna
Napatingin ang binata sa dalaga na biglang umiyak.
May sakit ako at may taning na buhay ko. May Cancer ako sa dugo. Nung umalis ako dito sa bansa nasa stage 3 na pero dahil sa therapy at advance technology sa ibang bansa medyo umokay okay ako pero hindi na kinaya pa ng katawan ko at ngayon nasa stage 4 na. (Inalis ang wig na suot) Umalis ako sa araw ng kasal natin dahil natakot ako na makita kang nahihirapan sa araw na mawala ako kaya mas pinili kong mag-isa at wag magpakita. Pinilit ko talagang magtago sa mga connections mo ng ilang taon. Nakita ako ni Vorge at pinakiusapang wag ng sabihin ang kondisyon ko sayo. Gusto kong makita kang normal na mamuhay ng wala ako. Masanay ng wala ako sa buhay mo. -Jhenna
Wala ng nasabi si Jaldwin at nilapitan na lamang ang dalaga at niyakap ito.
Sorry. -Jaldwin
No. Ako dapat ang magsorry and please wag mo akong kaawaan. We're friends even before kaya naman sapat na yun sa akin. -Jhenna

BINABASA MO ANG
My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)
Romanceano ang gagawin mo kung makasal ka sa isang lalaking ayaw matali sa isang babae kaya naman lagi nya itong tinatakbuhan pero sa tingin nyo ba kaya nya pang takbuhan ang isang babaeng walang katulad? ABANGAN nyo nalang ^_^