Nagsuot na ng shades ang lalaki at inayos nya ang tindig nya. Seryoso nyang hinarap ang mga press na kanina pang nag-aabang sa kanyang pagdating. Dumeretso sya agad sa stage para i-entertain ang mga press at ang kanyang fans. Samantala may kumatok sa opisina ni Nate. Pumasok si Jaldwin.
May presscon si Waren Lee dito sa atin. As part of his mall show. Need ng presence natin dun. -Jaldwin
Bakit naman kailangan pa natin gawin yun?? -Nate
Hindi mo ba sya kilala?? Halika na't puntahan at batiin natin sya ng malaman mo kung bakit kailangan natin syang suportahan. -Jaldwin
Lumabas sila at nagtungo sa event center ng mall. Laking gulat nya na madaming tao sa mall at dinumog talaga ang nasabing aktor. Puno ng tao ang mall mula baba hanggang taas at marami pang tao sa labas ng mall na nagpupumilit pumasok. Yung ibang mga fans ay halos mahimatay na dahil sa siksikan.
See?? Now you get my point?? -sigaw ni Jaldwin
May mga body guards na ang umaalalay sa kanilang dalawa. Pasigaw na nga din silang mag-usap dahil sa dami ng tao.
Hintayin na lang natin sya dito sa hall room. -Jaldwin
Dun na nga lang nila hinintay si Waren sa hall room. May monitor tv dun sa loob para mapanood ang binata na nasa event center.
Grabe naman yun. -Nate
Buti nga at dito nya sa Palace Mall napiling mag Mall tour at magpapresscon. -Jaldwin
Napukaw ang atensyon nila ng sumagot ang actor sa tanong ng press.
Kanina nandito si Zhandra Loizaga para sa event activity nitong mall at hiningan namin sya ng mensahe para sa kanyang masugid na taga hanga. -Press
Bakit naman sa kanya yun sinasabi. Teka don't tell me?? -bulong ni Nate
Ang seryosong mukha ng actor ay napalitan ng malaking ngiti. Tinakpan nya ang labi nya ng kanyang kamay na nakatikom para maitago ang kilig.
Ano po ba ang sabi nya?? -Waren
Nahihiya nga sya nung hinhingan namin sya ng mensahe pero nagpasalamat sya dahil naaappreciate mo ang isang tulad nya. Sana daw ay magkita kayo ng magkakilanlan naman kayo. Anong masasabi mo dun. -Press
Uhhm.. ang sarap sa pandinig at masayang malaman na gusto nya akong makilala hehehe Wag kang mag-alala Zhandra malapit na. (habang nakatingin sa camera) -Waren
Nagtilian ang lahat ng fans dahil sa nakitang reaksyon ng aktor sa pagkakasabi ng mensahe sa modelong si Zhandra. Biglang nagflash sa likod ng aktor ang big screen ng bagong IG post nya na kasama si Zhandra at ang autograph nito. Lalong umingay ang kanyang mga tagahanga maging ang mga press. Napatingin sa likod ang aktor.
Naku, ang bilis naman. Nabalita agad hahaha -Waren
Kelan yang photo mo kasama si Zhandra?? -press
Kanina lang po. Nasalubong ko po sya. sadyang napakaganda at napakabait po ni Ms. Zhandra. -Waren
So, ibig sabihin ba nyan ay may aabangan na kami at ang mga fans mo sa buhay pag-ibig ni Waren Lee?? -press
Tignan po natin. Malalaman po natin yan. I'll tell you when I get there po. -Waren
Sa hall room naman ay tuwang-tuwa si Jaldwin dahil malaking advantage na interesado si Waren kay Zhandra mas lalo na sa magiging sale ng products nila sa Palace Mall. Tataas ang sales ng company nila. Ngunit si Nate ay hindi natutuwa hinggil dito at hindi nya gusto ang aktor.
Kaya naman pala tayo ang pinili nya para sa presscon ay dahil kay Zhandra. -Jaldwin
Tch.. pacute.. pacool as if naman magustuhan sya ni Zhandra eh!!! Mukhang player sa itsura pa lang oh!!! -bulong ni Nate
BINABASA MO ANG
My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)
Romanceano ang gagawin mo kung makasal ka sa isang lalaking ayaw matali sa isang babae kaya naman lagi nya itong tinatakbuhan pero sa tingin nyo ba kaya nya pang takbuhan ang isang babaeng walang katulad? ABANGAN nyo nalang ^_^