Lap 69

139 4 0
                                    

Gulong-gulo na si Jaldwin sa nangyayari kaya naman madalas itong nasa bar. Nakita ni Jhenna ang kalagayan ni Jaldwin. Naisip nya na ganun ang binata nung mga panahong iniwan nya ito ng walang dahilan. Wala syang magawa dahil alam nya sa sarili nya na hindi na sya nito kailangan. Kung hindi subsob sa trabaho ang binata ay sa bar naman ang punta. Sinasamahan sya nito sa hospital pero ramdam nya na bilang kaibigan na lang talaga ang turing nito sa kanya. Madals silang magkasama pero ang isip nya ay lumilipad kaya naman napagdesisyunan nya nang gumawa ng aksyon. Isang umaga ay pumunta sya sa opisina ni Nate. Binati sya ni JK.

Magandang umaga Ms. Jhenna. Kung si Sir Nate po ang hanap nyo ay wala sya ngayon dahil may meeting sya kay Mr. Gil. -JK

Hindi sya ang pinunta ko dito kundi ikaw. Pede ba tayong mag-usap?? -Jhenna

Nagpunta si JK sa pantry at pinaghanda ng coffee at cake si Jhenna pagkatapos ay umupo na ito para kausapin ang dalaga.

Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa pero pede bang bumalik ka na kay Jaldwin. (Hinawakan ang kamay ng dalaga) I know hindi dapat ako nakikialam sa mga bagay na ito pero ayaw kong makita si Jaldwin na nagkakaganun. Sinusubsob ang trabaho sa sarili at pagkatapos deretso sa bar. -Jhenna

Pero Ms. Jhenna ikaw pa rin ang mahal nya. -Jk

Ano bang sinasabi mo. Kaibigan na lamang ang tingin nya sa akin. Kung mahal nya ako hindi sya gabi-gabi pumupunta sa inyo minsan nga magdamag pa. At yung nakita mo kami sa hospital nagkataon lang yun na nakita nya akong nahimatay kaya naman tinulungan nya ako. -Jhenna

Walang imik lamang si JK at tila nagulat sa sinabi ni Jhenna. Umalis na na ang dalaga. Napaisip sya sa mga sinabi nito. Naabutan sya ni Nate na malalim ang iniisip.

May nangyari ba Ms. Gutierrez?? -Nate

Oh! Sir Nate. Wala naman po. -JK

Hindi ako naniniwala (inilapit ni Nate ang mukha sa dalaga at tinitigan ito) bakit ang lalim ng iniisip mo?? -Nate

Nanlaki ang mata ni JK dahil sa ginawa ni Nate. Ngumiti sya ng sadyang kay laki dahil sa impresyong ginawa ng binata. Nakita yung eksena nilang yun ni Jaldwin.

Ahem!!! -Jaldwin

Ang sama ng mukha nito at hindi nagustuhan ang nakita. Dali-dali namang tumayo si JK at nagbow dito samantalang dahan-dahan inangat ni Nate ang ulo nya at nilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa.

Here's the data and the plans of my project. -Jaldwin

Lets discuss it inside Mr. President. -Nate

Sa School naman ni Hillary.

Ano na kayang nangyari dun sa lunchbox ko?? Hindi nya pa binabalik. Ni wala man lang sinabi tch.. -Hillary

Girl, may sinasabi ka ba?? -Jovette

Ah!!! Wala hehehe -Hillary

Nakiusap si Marves na isama natin si Gwineth sa mga lakad natin. Wala kasi syang friends dito. Hindi rin sya trip ng mga kaklase nya dun. Panu ba naman ang aarte at iba talaga mga ugali dun sa seksyon nila. -Jovette

Walang problema yun. Oks na oks, ang cute nya kaya. -Drake

Ito na naman sya. -Georga

At sya pa talaga ang nakiusap tch.. close agad?? -Hillary

Dumaan lang si Marves at umupo sa desk nya. Natulog ito at hindi sila pinansin. Sinundan ng tingin ni Hillary ang binata.

Tch.. kakaiba talaga ugali eh!!! Napagkamood swing (bulong ni Hillary)

Kalagitnaan ng 2nd subject nila ay nag-excuse si Hillary para magbanyo kaso nang papunta na ito ay napahinto sya ng makita nya si Marves na tinutulungan tumayo si Gwineth dahil binully ng mga kaklase nitong babae.

My RuNaWaY gRoOm ChAiNeD hEaRtS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon