Awang ang bibig ko at tinitigan ang matigas at halos walang ekspresyon na mukha ni tita Fiona. I now know why she's so tough and she's hiding behind her strong demeanor.
Mom was pregnant that's why she left home. Pinalayas siya ng kanilang mga magulang dahil nabuntis siya. Nabuntis siya ng asawa ng kanyang kapatid. Papa Richard was tita fiona's husband. Ang sakit malaman ng lahat ng katotohanan patungkol sa aking pagkatao. Ang sabi ni tita Fiona ay alam niya kong saan nakatira si nanay at ang kanyang asawa. She talked to them. Nakiusap ang tatay na hayaan na lamang sila ni nanay na mamuhay ng tahimik. Kahit nasasaktan ay pinilit tanggapin ni tita Fiona ang lahat. She annulled their marriage. She accepted her fate pero hindi matanggap ng mga magulang ang nangyari sa kanilang panganay at sa kanilang bunso. Kahit ilang beses huminge ng tawad si nanay ay hindi eto pinakiharapan ng kanyang lolo at lola. Kaya pala minsan ay umaalis si nanay at tatlong araw pa siya nakakabalik. Ni hindi ko alam ang dami palang pinagdadaanan ng nanay at tatay. Kaso kilala sa lipunan ang pamilya leviste. Naging tahimik ang hiwalayan at magmula noon ay walang nag-ungkat ng mga pangyayari. Itinuring na patay ang bunsong leviste.
"I want you to stay here with me hanggang sa makapanganak ka. Pagkatapos ay mag-aaral ka ulit at tapusin ang kurso mo saka mo kuhanin ang kursong gusto kong kuhanin mo. You will work part-time and study at the same time. Mananatili ang buhay na nakasanayan mo. I want to introduce you to everyone but your mother wants you to remain hidden and safe and live the life of being simple. Kaya naman gusto ko lamang ay sundin mo ang nais at gusto ko. Pagkatapos mong mag-aral ay pwedeng mo ng gawin ang nais at gusto mo. Finish your studies freedom. I will be with you all the way"
Ni hindi ko akalain na sa pagtapak namin ng maynila ay makikilala ko ang totoong katauhan ng nanay ko. Sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan ko, namin ng nanay ko ay hindi ko mapaniwalaan na sa isang iglap lamang ay magbabagong lahat ang aking buhay.
The first trimester was very tough. Hinang-hina ang aking katawan sa paglilihi. Mabuti na lamang ay kaagapay ko si nanay at tita Fiona, na nakapalagayan ko ng loob. Ang hidwaang nangyari at naganap dekada na ang lumipas ay naglahong parang bula ng makita ko kong gaano kabuti at nag-aalala si tita Fiona sa aking kalagayan. Dalawa sila ni nanay na umaagapay sa aking pagbubuntis at nahihiya na ako sa family doctor ng mga leviste na ilang ulit pinapatawag ni tita Fiona sa pag-aalala sa akin.
Nang mag apat na buwan ang tiyan ko ay naging maayos ang aking kalagayan. May mga pabugso-bugsong pagduduwal parin pero mas bumuti ang aking kalagayan. Halata sa mga mata ni tita Fiona at nanay ang kagalakan sa panibagong supling na dadating sa pamilya leviste. Palage si tito raul sa bahay tuwing sabado ng gabi kasama si tita vanna at ang dalawang kong pinsan na babae na nakapagpalagayan ko ng loob. Si aviona na nagtatrabaho bilang international model at part time blogger at si ava na nag-aaral parin pero nagpapart-time sa coffee shop na pag-aari ng pamilya leviste. The leviste corporation have lots of many subsidiaries. Isa sa mga hawak nila ay ang coffee shop. Mayroon ding model agency. Ang pinakamalaki ay ang LV o Leviste Networks. Ang president ng kompanya ay si tita Fiona. Isang tv network na siyang pumapangatlo ngayon sa buong bansa. Maraming artist ang naturang network. Pero napapanatili parin ni tita Fiona ang pagiging pribado ng kanyang buhay ganoon din si tito raul.
Kahit si aviona ay nagsimula sa maliliit na project na kalaunan ay naging isang tanyag na modelo. Nang mag seven months ang tiyan ko ay palage na sa bahay si ava at aviona. Palage akong dinadalhan ng cassava cake na sinasaway nmn ni nanay dahil kain ako ng kain ng matamis at nag-aalala silang baka mahirapan ako sa panganganak.
Pinagsalikop ko ang aking kamay habang nakatitig sa monitor at inaantay ang doctor na kanina pa nakakunot ang noo at tinitignan ang computer. Ginagalaw niya ang aking tiyan. Walong buwan na ang aking tiyan at hirap siyang hanapin ang gender ni baby. Nag-aantay ang pamilya ko sa sasabhin ng doctor.
"ang tagal grabe" si tita vanna pa talaga ang kanina pa nagrereklamo.
"gosh. I cancelled my appointment just to know the gender of the baby" si aviona nakapagpangiti sa akin. Tuloy ay naiyak na naman ako. Magmula ng makasama ko ang pamilya ng nanay ay nag-iba na ang takbo ng buhay ko. Nawala sa isip ko ang mga dalahin at bigat sa aking dibdib patungkol sa tatay ng aking anak. Kahit hirap ay natutuwa akong makita ang excitement sa mga mata ng mga taong-unti-unti kong pinahahalagahan sa paglipas ng buwan na nakasama ko sila.
"there, there. It's a BOY" naghiyawan sila sa galak. Tapos ay bigla akong napatakip sa tenga nang tumili si tita vanna
"magbayad ka raul. Panalo ako. I told you. Ang ganda ni freedom. Lalaki ang anak niya. Huwag kang magpapaniwala na kapag babae ay maganda ang nanay kapag buntis" ngumisi si tita at kumindat. Kakamot-kamot si tito raul na kinuha ang kanyang pitaka
"tita Fiona. Pay me now. I won" humagikhik si ava. At nakipagpustahan pa talaga si tita Fiona. Tuwang-tuwa ang doctor. Inirapan ni tita Fiona si ava
"brat"
Hindi ko na talaga mapigilan kaya humalakhak na ako. I am happy. Whatever that happens in the past will remain in the past. Habang nakatingin ako sa mga taong nasa loob ng laboratory room ng ultrasound ay hindi ko maiwasang magpasalamat sa Diyos. They should be enough for me. Ang ngiti at kanilang tawa ay nagbibigay sa akin ng lakas upang magpatuloy sa buhay at na huwag matakot. I should accept my fate that rave Matthias simon, the father of my child, will never be mine and cannot be mine. His too high for me. Idagdag pa ang mga matapobre niyang mga kamag-anakan at ang mapanghusga niyang abuela.
I shouldn't think of anything but my child. Maraming magmamahal sa kanya at alam kong magagabayan siya ng maayos habang lumalaki.
Nagkatitigan kame ni tita Fiona. Gone was the intimidating aura. She smiled at me. I mouth thank you because I can't tell how much she mean to me now
"magiging maayos ang lahat anak. Magtiwala ka sa Diyos" bulong ng nanay ko habang pinupunasan ang aking tumutulong luha
BINABASA MO ANG
Unrequited Love ✔
Romanzi rosa / ChickLitThe Simon's series 1 Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang...