Twenty

5.5K 88 10
                                    

Tatlong araw ibinurol ang tatay saka namin siya ipinalibing. Ayaw na namin patagalin ni nanay dahil iyon din daw ang kahilingan ni tatay. Sa buong durasyon ng burol ay hindi ako iniwan ng senyorito rave. Maraming bulung-bulungan akong naririnig na hindi ko pinagpapansin. Nasasaktan ako sa pagkawala ng tanging taong lubos kong pinahalagahan at minahal. Ayoko mag-isip ng ibang bagay bukod sa gusto kong umiyak lang at titigan ang tatay ko na nasa loob ng kabaong

Ang sabi ay isang ligaw na bala daw ang nakatama kay tatay. Hanggang ngayon ay hinahanap parin kong saan eto nanggaling. Hindi talaga magawang tanggapin ng puso ko ang lahat. Pati utak ko ay ayaw ng gumana. Ang gusto ko nalang ay matulog sa mismong tabi ng kabaong ni tatay

"Free, you need to eat. Dalawang araw ng walang laman ang tiyan mo kundi tubig" tinignan ko ng mamasa masa kong mata ang senyorito rave

"Si nanay-"

"She's sleeping. Ikaw din matulog kana. Ang lalim na ng eyebags mo. You need to rest free. But before drifting to sleep. Kumaen ka muna. I am warning you. Eat" sinubuan ako ng senyorito. Binukas ko nalang ang bibig ko at hinayaan siya sa pagsusubo sa akin

"Hindi ka aalis?" Hinaplos niya ang buhok ko at pinaayos ako ng higa sa kama

"Babantayan kita. Mag-uusap tayo pagkapahinga mo. Now sleep"

Nagising ako na nauuhaw. Nabungaran ko ang natutulog na mukha ng senyorito. Nasa gilid ng kama ko ang kanyang ulo. Naawa nmn ako dahil tingin ko nangangawit na siya. Kaso hinayaan ko siya at mas tinitigan ko pa ang nakapikit niyang mukha. Ang gwapo talaga niya. Ano kayang nangyari sa engagement niya?

Nang magising ang senyorito ay nginitian ko eto. He blink tapos ay inayos ang nagulong buhok.

"Kanina ka pa gising?" Tumango ako.

"Anyway, gusto ko lang magpaalam. Babalik na ako ng maynila bukas. Gusto ko na maging matapang ka free. Nawala man ang papa mo ay anjan parin nmn ang manang ria. Be strong kasi sa iyo kumukuha ng lakas ang nanay mo. Finish your studies okay. I don't know  kong makakapagbakasyon pa ako dito but i will see you kapag nagkaroon ng time na makabalik ako. I will be busy with work and my marriage. Aasikasuhin namin ni agatha ang kasal. Magpapadala ako ng invitation. I need your presence on the important chapter of my life. Be well free, okay. You will always be my bestfriend" rave kissed my forehead. Naninikip ang dibdib ko. Pilit akong nagpakatatag. Nginitian ko si rave and mouth congratulations. Nang makaalis ang senyorito ay humagulhol ako.

My father just died three days ago at sumunod nman na namatay ang puso ko. Ang sakit. Ang sikip sikip. Nilalamukos ang puso ko at hindi ako halos makahinga. Ganito pala yun. Ganito pala kasakit kapag walang katugon ang pagmamahal na nararamdaman mo sa isang tao.


Matuling lumipas ang tatlong taon. Fourth year college ako sa kursong education. Maayos ang naging buhay namin ni nanay at kahit papaano ay sumasagi lamang ang senyorito rave sa isip ko. Sa nakalipas na taon ay mas pinagtuunan ko ng aking atensiyon ang aking sarili at si nanay. Mas pinahalagahan ko ang aking pag-aaral. Isa sa pangarap namin ni tatay ay ang magkaroon ako ng ipinagmamalaking diploma.

Excited ako sa huling taon sa kolehiyo. Malapit na naming matupad ang pangarap namin ni nanay.

"Free, halika nga at dalhin mo eto sa mansyon. Kanina pa sumasakit ang balakang ko. Ang ulo ko ay kumikirot din" nag-aalala kong sinalat ang noo ni nanay

"Ang init mo ma, uminom na po ba kayo ng gamot?"

"Oo ininuman ko na at ang hirap magkasakit sa panahon ngayon. Hala at kailangan ni maya yang mga punda at bedsheet. Dalhin mo na ngayon doon sa mansyon" pagkatapos kong magpaalam at masigurado na magpapahinga si nanay ay naglakad ako papuntang hacienda simon.

"Maya" nakangiti akong nilingon neto. Nasa likod bahay ako dumaan sa mismong dirty kitchen ng mansyon

"Uy halika muna dali. Mabuti at nandto ka. Pautos nmn. Padala nmn netong alak kay senyorito rave. Kanina pa siya nagbabuzzer. Paakyat sa kwarto niya free, please. Kanina pa kasi ako tinatawag ng senyora ermita. Naku at mas takot ako kay senyora kaysa kay senyorito. Mabuti nalang at nandto ka. Sge na puntahan mo na ang senyorito at pabigay nga alak na hinihinge niya" hindi na ako nakapagtanong. Nandto si rave? Anong nangyari? Ang alam ko ay kasal niya kahapon. Natanggap ko ang invitation kaso finals ko kaya hindi ako makakapunta. Nag send lang ako ng congratulations sa facebook niya. Hindi din naman ako lageng nagbubukas kaya hindi ko alam kong anong reply ng senyorito sa message ko sa kanya

Kinakabahan at kipkip ang alak ay umakyat ako sa second floor ng mansyon, lumiko sa kaliwang pasilyo at huminto sa dulong kwarto kong saan ang kwarto ni rave

Tatlong katok bago ko binuksan ang pintuan. Madilim ang kabuuan ng kwarto. Tanging lamp shade lang ang nagsisilbing ilaw idagdag pa na sarado din ang bawat bintana ng kwarto

"Free ,is that you? Come here baby" narinig ko pa ang paghagikhik ng senyorito. Tingin ko ay lasing na lasing na siya. Naglakad ako papunta sa gilid ng kama. Nakaupo ang senyorito sa lapag. He's messed up badly

"She left me free, she left me. Ang sakit. Ang sakit sakit" humagulhol siya. Hindi ko maiwasang tumalungko din. May mga stubbles na si rave at nanlalata ang itsura niya. Ilang araw na kaya siya sa kwartong eto? Lumalabas pa ba siya. Nagpapaaraw?

"All i did was love her. I even give her, her dream wedding yet she choose to leave me on the day of our marriage. Why does it fucking hurt. It hurts so much freedom" napalunok ako. Inabot ko ang senyorito at niyakap ko siya. Nasubsob sa dibdib ko ang kanyang basang mukha

Bakit kasi hindi nalang ako rave. Dapat ako nalang ang mahalin mo at hinding-hindi kita sasaktan

And my tears started to fall. Such unrequited love

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon