Magkahawak kamay kameng lumabas ng kwarto. Naguguluhan ako sa nangyayari. Si rave ay ramdam ko ang galit na pinipigilan niya. Mabuti nga at kumalma siya kanina. Salubong parin ang kilay niya at bakas ang disgusto sa kanyang mukha. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang bawat halik sa akin. I felt disgusted pero noong sinabi ni Lukas na hindi siya ang humalik sa akin ay nakahinga ako ng maluwang. Natatakot talaga ako kanina, akala ko marerape na ako. Ayoko talaga na may ibang humahawak sa akin bukod kay rave.
Everyone was sitting in the living room. Taka akong nakatingin sa kanilang lahat na naroon. Ano ang ginagawa ng pamilya ng senyora ermita dito? Kahit nang makasalubong ko ang tingin ni Esmeralda ay nginitian niya ako. Walang halong pagkukunwari. Sincere ang mga mata niyang nakatitig sa akin at sa kamay ko na hindi binibitawan ni rave.
Tita Fiona cleared her throat.
"ma...ma" umangat ang tingin k okay riley na hawak hawak ni nanay. Nandito din sila. My eyes sting with unshed tears. Bumitaw ako kay rave at napalunok. Patuloy ang kabog ng puso na tumakbo ako sa anak ko at kinarga siya ng mahigpit saka hinalik-halikan
"ayos na ba ang baby ko? Wala ng sinat?" riley cupped my face and smiled
"mis, mama"
"miss mo si mama. I miss you too riley ko" nilagay ko ang ulo niya sa dibdib ko at saka pumikit. Ninanamnam ko ang init ng anak ko sa aking katawan. I really did miss him. Halos isang linggo ko rin hindi napagkikita si riley
"iyan na ba ang apo ko?" Esmeralda asked . Tumango lang ako saka binaba si riley.
"halika apo ko. Pakarga at pa-kiss namn ang lola" malumanay ang boses ni Esmeralda. Masuyo. Naglakad naman si riley papunta dito. Inabot neto ang kamay at saka nagmano. Tumawa si Esmeralda
"lala" napangiti ako. Ang bilis talaga niyang maintindihan ang bawat salita at binibigkas eto kapag wala siyang topak.
"give me a kiss rie. Grandmama missed you so much" nakuha ni alba ang atensiyon ni riley. Mabilis etong tumakbo at humagikhik saka nagpakandong kay alba.
Tumikhim si rave. Our eyes was locked with each other. Punong-puno ng emosyon ang kanyang mga matang nakatitig sa akin at pabalik kay riley. I see how he longed for him. Napakasuyo nang tingin ni kay riley
"can I hug him?" he whispered.
"but of course. He is your son afterall" bigla nalang inabot ni alba sa akin si riley at bumulong
"give rie to his father. We will be planning your wedding today" napaawang ang bibig ko sa sinabi ni alba.
"come here baby" napaigtad ako sa malambing na boses ni rave na tumawag sa akin. He call me infront of everyone with that endearment. Narinig ko pa ang pagbungisngis ni ava at ang pagpalatak ni aviona
"tang-ina, walang forever!"
I did what I was called. Lumapit ako kay rave. Akala ko ay kukunin niya lang si riley. Pero ipinulupot niya ang braso niya sa aking bewang. Ako na karga karga ang anak namin at siya na nakayakap sa amin ni riley. He kissed rileys forehead. Isang matagal na halik. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ni rave hanggang sa mamalayan ko na lamang na unti-unting tumulo ang luha niya sa kanyang mga mata. Patuloy ang mababaw niyang paghalik sa ulo ni riley
"God. He looks like me" he smiled. He smiled a genuine smile while staring at our son. He murmured words with riley na ikinahagikhik ng anak namin. At lumipat ang tingin niya sa akin. Nilapit niya ang mukha ko sakanya at kinintalan ng halik ang aking noo.
"so I was telling your family about the wedding preparations. I want it held next month" alba said na nagputol sa napakaemosyonal na tagpo. Si rave ay kinuha na si riley saka niya ipinulupot ang kanyang braso sa aking bewang at idinikit ako sa kanyang dibdib
"call me papa" sabi niya kay riley. Namilog ang mata ng anak ko. Hinawakan ang panga ni rave at naningkit ang mga mata. Pagkatapos ay bigla niyang sinapak ang papa niya. Tumawa si miko sa isang sulok
"good job rie. Ang galing mo talaga mag jab" nailing ako. Maya maya ay nagsalita si riley
"pa..pa" umawang ang labi ni rave. Nakatitig siya kay riley habang tinitignan eto ng masuyo
"God. It feels good you calling me papa. My heart beats fast. For a moment I thought my breath left me. I love you son. I love you and your mama" bulong lang yun pero narinig ko. Napalunok lang ako. Sinabi niya din kanina yun kaya nga lumulubo ang puso ko. Iniisip ko kong totoo yung pagcoconfess niya ei
"so freedom iha. Okay lang ba sayo na gaganapin next month ang kasal. Ako na ang mag-aasikaso ng lahat ng mga detalye apo" napakurap ako sa sinabi ni alba.
"ha? A-ano sino pong ikakasal alba?"
"it's your wedding day –" nanlaki ang mata ko at pilit tinatanggal ang mga braso ni rave na nakapulupot sa akin. Kaso mas pinirmi lang ako ni rave at hinalikan niya ang sentido ko.
"pero alba wala nmn akong bf. Saka tita Fiona pumapayag po kayo sa gusto ni alba? Nag-aaral pa po ako. Wala nmn akong balak mag-aswa ei. Ma ano bang sinasabi ni alba?" kumamot sa ulo niya si mama at nag-iwas ng tingin. Si tita Fiona nman ay tinaasan lang ako ng kilay at nagkibit-balikat. Ngumisi si alba
"saka senyora bakit po kayo narito? Ano po ba talagang nangyayari? Yung kanina ano po yun. Joke lang yung ginawa ni Lukas at ng iba pang tauhan mo alba?" unti-unti ng tumataas ang presyon ko at nag-iinit ang ulo ko. Hindi ko nga narinig ang usapan nila dahil busy ako sa pakikiramdam kay rave at riley tapos sasabhin ni alba na ikakasal ako. Kanino naman? Naiinis na ako. Hindi pa mawala wala sa isip ko ang pagpunit sa damit ko at ang paghalik sa dibdib ko
"that was just a prank free. Gusto lang malaman ni alba kong hanggang saan kayang ipagtanggol ng isang rave Matthias ang kanyang apo. Kong mahal ka ba ni rave o hindi? And I was the one kissing you. Nakakaenjoy pala maging villain ano?" humagikhik pa si aviona.
"si Lukas lang taga bulong free. Naku halos mangisay na nga ako sa takot. Sabi ko magagalit ka sa plano nila kaso desidido si alba gawin. Nandoon kame sa kwarto pinanunuod ang ginawang paghalik sayo ni avi. Yuck talaga siya free and my sister just turned psycho for a while there. Nagagawa ng broken hearted ei noh" sinapak ni avi si ava na tatawa-tawa lang dito.
Napasimangot ako. So kaya nandito ang pamilya simon dahil pinag-uusapan nila ang kasal ko at ni rave. Unti-unti naging malinaw sa akin ang lahat. Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap na para bang walang nangyari at ginawang kababalaghan si alba. Ramdam ko ang paglapit ng mukha ni rave sa aking batok
"I'm sorry baby. I'm sorry" he whispered na nagbigay kurot sa aking puso. Natahimik tuloy ako at napayuko. Ano ang ibig sabihin ng pagsosorry niya? Ang bigat bigat nmn kasi ng salitang SORRY.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love ✔
Chick-LitThe Simon's series 1 Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang...