Fifteen

5.7K 137 4
                                    



"My gf ka na ba senyorito?" Ngumiti eto ng matamis at kumikislap ang mata. Piningot pa neto ang pisngi ko

Magmula ng araw na hilingin niya na samahan ko siyang ipasyal sa kabuuan ng remedyos ay naging malapit kame sa isa't isa. Pilit ko ring nirerendahan ang aking sarili na huwag ilabas ang pagkagusto ko sa kanya. Dapat ay normal lang siya sa paningin ko. Dapat kuya ang turing ko sa kanya. Ilang beses din kameng nakikitang magkasama ng iilang tauhan ng hacienda at ng senyora. Kapag nakatalikod o hindi nakatingin ang senyorito ay nawawala ang nakapaskil na mabait na ngiti ng senyora at napapalitan eto bagsik. Kumakabog tuloy ng malakas ang puso ko sa takot. Kaso naisip ko na wala nmn kameng ginagawang masama. Malinis ang konsensiya ko at crush ko lang talaga ang senyorito rave

"Hmmn yes. Actually i was already engage to the woman of my dreams" habang nakatitig ako sa mukha ng senyorito ay di ko maiwasang mapatitig sa napakagwapo niyang itsura. Makakapal na kilay, maninipis na labi na mamula mula. Tapos makalaglag panty pa kapag ngumingiti siya. Malalalim nmn tumingin ang kanyang mga mata na para bang hinihigop ka neto at di mo maiwasang kumurap at mapalunok dahil pakiramdam mo binabasa ng mga mata neto pati kasuluksulukan ng pagkatao mo.

"Are you okay free? May dumi ba ako sa mukha?" Taka netong tanong. Napalunok ako sabay iwas ng tingin. Gosh. Baka nahalata niyang tinititigan ko siya. Na may gusto ako sa kanya. Ramdam ko parin ang paninitig ng senyoriyo rave kaya pilit ang ngiti kong sinalubong ang tingin niya

"Congrats pala kong ganoon po senyorito. Masaya po akong matutupad ang isa sa mithiin ng iyong puso" his eyes twinkles in amusement

"Ang cute mo" gigil niyang pinisil ang pisngi ko

Sa totoo lang ay ayos lang nmn sana na hindi din ako gusto ng senyorito rave kaso yung narinig kong ikakasal na pala siya ay nagpaguho ng mundo ko. Hindi ko nalang pala siya crush. Unti-unti ko na pala siyang minamahal. Ilang beses ba naman kameng magkasamang dalawa. Masyado siyang maalalay at sweet. Palangiti din siya at mabait. Palage niya din akong inaaalala. Tinatanong kong kumaen na ba ako. Palage niyang ginugulo ang buhok ko at kinukurot ang pisngi ko "ang cute mo free" ang lage niyang sinasabi. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya.

"K-kelan ang kasal mo?"

"After my college graduation. I only got one year to fill my college life free. Tara pasyal tayo. I want to show you something before i go back to manila"

Masarap ang simoy ng hangin sa Carmona. Halata kong gaano kalinis ang ancestral house ng mga Gonzales. Maayos kameng tinanggap ng pamilya ni papa richard. Nakilala ko na noon pa si Alba kaso eto ang unang beses na pinaunlakan ko ang kanyang paanyaya na makasama siya at ang kanyang apo sa tuhod. Walang nagawa si tita Fiona dahil malaki ang problemang kinakaharap ni tito raul at kailangan niya ang bawat desisyon ng tita Fiona. Si nanay ay nginitian lang ako at hinalikan ang noo ni riley

Sge na anak, mag-ingat kayo doon

I don't know what I have to give up again to continue having this life. Si alba at tita fiona lang nmn ang hindi magkasundo. Sa totoo lang ay ma pride kasi si tita fiona. Nahihiya si alba na kausapin si tita dahil nga sa nagawa ni papa richard na siyang anak ni alba. Arranged marriage din kasi ang nangyari sa pamilya nila, yun nga lang ay natutunang mahalin ni tita fiona si papa richard tapos si papa ay nahulog ang loob kay mama fria na palageng nanjan at nakikinig sa mga sentiyemento ni papa noon

"I wish that it's not yet time for you to go back in manila free. I like having you and riley with me here. Malungkot ang mag-isa alam mo ba iha. Pakiramdam ko ay nadadagdagan ang aking lakas kapag nakikita kong tumatawa at nakangiti si riley" ginagap ko ang kamay ni alba at masuyo siyang nginitian

"Di ba nga babalik ka din nmn ng manila, you'll stay at tito mino's house. Pupuntahan ka nmin doon alba. Mama wants us to head home already. Ewan ko kong ano ang nangyari at nang tinawagan ako ni ava ay pakiramdam ko malaking problema ang kinakaharap nila. I hope you well alba. Me and riley will miss you too" i kissed alba's forehead at sumakay na rin ako ng nag-aantay na sasakyan. Kumaway pa ako sa nakabukas na bintana ng kotse. Hagikhik ni riley ang maririnig sa kabuuan ng katahimikan. Kitang-kita ang magkahalong saya at lungkot sa mukha ni alba

Limang oras mahigit ang naging byahe namin bago dumating sa bahay. Nandoon na sa library com office ang buong pamilya at ako na lamang daw ang inaantay. Iniwan ko kay yaya beth si riley saka ako tumulak pa library. Tatlong katok saka ko binuksan ang pintuan.

"Thank God you are here free" nakahinga ng maluwang si avi ng makita ako. Mabilis pa nga niya akong dinaluhan na pinagtataka ko

"Anong meron? I thought everything is settled already. Your wedding will be planned as what tito raul want it" umirap si avi

"I told you i don't want to marry derrick. Kita niyo na ang nangyari noong dinner. They laugh at us. Maraming nagpapakilala sa pamilya Simon na babae na nabuntisan daw ni derrick. And what did they told? That i was just after their families fortune. Tang-ina. E ano kong mas mayaman sila saten. Hindi ko kailangan ng kayamanan nila. I can produce and give things for my child financially. Dad please, naeestress na ako at bawal akong maestress!"

Hinilot ni tito ang kanyang sentido saka ako tinignan

"Is alba home, free, iha"

"Yes tito. She will be here next week. She needs to rest first pa po" tumango eto

"I need her help. We'll talk with the simons when alba arrive. You will get married aviona. I don't want my grandchild having no father at all" avi hissed

"You know how the old simon will feel about this dad. She's too high and mighty. Langaw lang tayo kong tutuusin sa paningin niya. Paano kasi ayaw mong ipasama si tita fiona noong dinner kaya minaliit nila tayo. How pathetic their family is. At hindi man lang tayo pinagtanggol ni derrick. Iyon ba ang gusto mong mapangasawa ko, walang bayag" lalo naningkit ang mata ni tito

"Walang bayag pero nabuntis ka. Seriously aviona valerie. Let's end this conversation. Let's talk when alba arrive." Maotoridad na sabi ni tito. Alarm was written on aviona's face.

"Damn! I don't want to get married!" Bulong ni avi

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon