Three

7.3K 162 0
                                    


Malaki at malawak ang bahay ng mga Leviste. Puting-puti ang kabuuan ng kulay ng bahay. Halos masasalamin mo na ang iyong sarili sa sobrang kintab ng sahig. Dumiretso kame sa komedor o kong tawagin ay dining area. May katulong doon na nag-aasikaso ng mga pangangailangan ng pamilya. Idagdag pa ang masyadong nakakatakot na aura ng kapatid ng nanay ko. Nakaupo siya sa pinakagitna ng hapag-kainan na alam mong siya talaga ang batas sa lahat. Nasa kanan niya si tito raul na maaliwalas ang bukas ng mukha at si nanay ay sa kaliwa. Katabi ko naman si nanay.

"buweno at kumaen muna tayo. Gusto kong pag-usapan ang sadya mo fria sa mismong opisina ko" kaya kahit nanginginig at kinakabahan sa sobrang kapal at init ng atmospera ay kinaya at pinilit kong lunukin ang bawat kanin at ulam na sinusubo ko. Kitang-kita ko parin na kinakabahan si nanay pero pilit niya akong nginingitian. Sobrang awkward na kong hindi lang sa ilang beses na kwento at ngiti tapos halakhak ni tito raul ay baka gugustuhin ko na lamang na hindi sumabay sa pagkaen. May something kasi si nanay at tita Fiona. Ewan ko ba at malakas ang pakiramdam ko na may alitan sila. At knina ko pa nga rin iniisip kong bakit ngayon lang umuwi si nanay sa kanila. Maayos at maganda nmn pala ang naging buhay niya noon pero bakit siya nagtitiis na maglabada at maging tauhan ng senyora ermita. Kahit si tatay noon ay wala ring sinasabi noong nabubuhay eto. Basta palage nilang pinaparamdam ni nanay na mahal na mahal nila ako.

Pagkatapos kumaen ay kinausap ako ni nanay na antayin ko na lamang daw siya. May pinatawag siyang isang matandang katulong na siyang sumama sa akin sa itaas ng malaking bahay. Binuksan ng matanda ang isang kwarto at nakamamangha kong gaano kaganda, kalaki at kalawak ang kabuuan ng kwarto.

"eto ang kwarto ni mam fria iha. Matagal na panahon narin magmula ng mapilitan siyang maglayas at hindi na nagpakitang muli. Natutuwa akong bumalik na siya" mamasa-masa ang mga mata ng matanda. Ginagap niya ang aking kamay

"ikaw ang anak nila ni Richard hindi ba. Kay ganda mong bata" iniwanan ako ng nagpakilalang si yaya beth. Siya daw ang nag-alaga sa tatlong magkakapatid kaya parang anak na ang turing niya sa kanila. Marami pa sana akong gusto at nais itanong kaso ay hinayaan ko na lamang si yaya beth. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Kulay pink eto na hinaluan na itim na disenyo. Malinis at maaliwalas dahil bukas din ang glass panel ng terrace at nililipad ng hangin ang puting kurtina. Tinignan ko ang mga pictures na nakadisplay sa ibabaw ng tv at napangiti ako. Kasama ni nanay si tita Fiona at tito raul. Halata sa mukha nila ang saya sa nakangiti nilang larawan. Pinapagitnaan nila si tito raul at nakaakbay eto sa kanila. Malaki ang ngiti ni nanay samantalang ang ganda at aliwalas namn ng mukha ni tita Fiona. At habang nakatitig ako sa kabuuan ng kanyang itsura ay di ko maiwasang pagkumparahin ang itsura namin. Kamukhang-kamukha ko siya! Kaya pala titig na titig siya sa akin kanina.

Natapos ko ng malibot ang kwarto. Magmula sa walk-in closet na may mga gamit pa yata ni nanay noong dalaga siya. Sa napakalaking bathroom. At sa terrace na nilabas ko kanina at kitang-kita ko ang ganda ng tanawin sa labas neto.

Nilingon ko agad ang pintuan ng bumukas eto. Akala ko ay si nanay na. Pumasok ang isang dalagang alam kong hindi nalalayo sa edad ko. Nakataas ang kanyang kilay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa kasunod ang isa ring dalaga. Tingin ko ay mga disiotso ang edad at pangatlo ay mga kaedaran ni nanay. Nakangiti ang ginang sa akin

"you must be fria's daughter" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nakatitig lang sa amin ang dalawang babae. Nakahalukipkip ang matanda samantalang taas kilay naman ang mas bata

"these are my daughters iha. Mga pinsan mo sila. Si Aviona at Ava. Ako naman ang tita vanna mo, asawa ako ng iyong tito raul na siyang kapatid ng mama mo" magiliw ang ginang. Halata na mabait siya dahil palage siyang nakangiti at kitang-kita na maaliwalas ang kanyang mukha. Kaso ang kanyang pabango ay hindi ko nagustuhan. Kanina pa ako nagpipigil ng hininga. Hawak niya kasi ang aking kamay ko at nahihiya akong bumitaw.

"mom, stop holding here. She looks weird" sabi ng mas bata na nakangiwi pa habang nakatitig sa akin. Binitawan nmn ako ng ginang. Mabilis akong pumunta sa bathroom at dumuwal. Hinang-hina ako. Ni hindi ko namalayang sumunod pala sila sa akin

"are you okay iha" pumasok ang ginang at sinalat ang aking mukha.

"you look pale" sabi ni aviona ang mas matanda sa magkapatid

"a-ayos lang po ako. Sabi ni mama normal lang daw po sa isang buntis ang ganito kapag naglilihi" their mouths were gaping habang nakatitig sa akin

"you're pregnant. How old are you? You still look so young" ewan ko ba at basta na lamang akong naiyak. I saw judgement in their eyes. Nasasaktan ako bigla-bigla. Masyado akong sensitive magmula ng mabuntis ako.

Inakay ako ni tita vanna at pinaupo sa kama. Inutusan niya si ava na kumuha ng maligamgam na tubig para mapainom sa akin. Bumuntunghinga ang ginang.

"Does your mother tells you the story why she left home" tinignan ko si tita. Inaarok kong may alam siya. Halata kasi na alam niya kaso bigla siyang umiling sa akin

"wala kang alam. As much as I want to tell you. Gusto kong si fria ang magkwento sa iyo kong bakit siya lumayas sa bahay na eto. You know your mother is the most kind and understanding person I've ever known. Kaya naman nalungkot ako nang malaman kong nabuntis siya at lumayas" pilit na ngiti ang binigay sa akin ni tita vanna. Pagbalik ng anak niya ay pinainom niya agad sa akin ang maligamgam na tubig para daw bumuti ang pakiramdam ko. Tapos ay tinanong niya ako kong nagpacheck-up na ako na inilingan ko lang. And she called their family doctor. Gusto niya raw malaman ang kalagayan ko at ng baby at para maresetahan narin daw ako ng vitamins. Ang payat payat ko daw kasi at namumutla.

"eto ngang si aviona ay pinipilit ko ng mag-asawa. Haynaku iha at mas gusto niyan gumala ng gumala. Ayaw na ayaw magpakulong sa isang lalaki. She's already twenty-five and yet she is still enjoying pa daw. Sana naman ay magkaayos na si ate Fiona at si fria. For sure ay lalambot din ang puso ni ate ngayon pang magkaka-apo pala siya. Hindi mo naitatanong at mahilig si bata si ate Fiona" and tita vanna talks a lot nag-enjoy ako sa bawat kwento niya idagdag pa na hindi nman umalis ang dalawa niyang anak at nakikinig lang sa nanay nila. Nakikita ko ang palagiang pag-ikot ng mata ni ava at ang pag-ismid ni aviona sa kay tita vanna. Hindi namn sinisita ng ginang ang mga anak. Iniirapan lang

"you are so talkative mom" humagikhik si tita vanna. Naputol ang kwentuhan ng may kumatok at bumukas ang pintuan kasunod ang pagpasok ni nanay na magang-maga ang mga mata. Si tito raul ang kasunod niya saka si tita Fiona. Kanina ko pa iniisip kong nasaan ang mga magulang nila. Kaso nahiya naman akong itanong.

"daddy" magkasabay na tawag ng magkapatid. Umikot ang mata ni tita vanna. And I heard her say daddy's girl much. Napangiti tuloy ako.

"iha, kukunin ko na ang mag-iina ko. We'll talk tomorrow okay. Magpahinga ka muna at sabi neto ni fria ay hirap kang magbuntis. Congratulations nga pala" tito tap may head saka inakay si tita vanna palabas ng pintuan ng kwarto kasunod si aviona at ava na nakangisi pang kumindat kindat sa akin.

Nang tatlo na lamang kameng natira ay tumukhim si tita Fiona saka niya ako tinaasan ng kilay at umupo sa upuang naroon.

"we want to tell you something freedom. I want you to hear the whole story why your mother left home" maotoridad na sabi ni tita fiona

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon