I tucked him to bed. Pinilit kong buhatin ang senyorito at pahigain sa kanyang kama. Malalim na ang kanyang paghinga. Ni hindi ko akalaing makakatulog siya sa dibdib ko habang patuloy ang kanyang pag-iyak kanina. Nang maisaayos siya sa kama ay kinumutan ko siya hanggang bewang. Umupo ako sa kanyang gilid at tinitigan ang kanyang maamong mukha. Tulog na tulog ang senyorito. Payapa ang kanyang paghinga. Halata na ang kanyang maiitim na stubbles na nagpangyari upang mawala ang dati-rati napakalinis at boy-next-door niyang mukha. Halos tatlong taon din bago ko ulit siya nakita at habang nakatitig ako sa nakapikit niyang itsura ay kumabog ng mabilis ang aking puso at nakikita ko ngayon na ang lalaking dati kong hinahangaan ay ibang tao na. His already a man now. Nagkaroon na siya ng ilang gatla sa noo. He really did mature. Lalaking-lalaki na ang kanyang itsura ngayong tulog siya paano pa kaya kapag gising na siya.
Bakit? Bakit kaya umalis si Agatha sa mismong araw ng kanilang kasal? Nakakalungkot ang nangyari pero may parte sa puso ko na naging masaya dahil hindi natuloy ang kasal ng senyorito. Hinawakan ko ang kanyang mukha. Dinadama ang nanunusok na stubbles. Bigla siyang umungol kaya napaigtad ako sa gulat. Akala ko ay gigising siya kaso ay tumagilid lang siya kaya mas nabistahan ko ng maigi ang kanyang mukha
'sana kasi senyorito ako nalang ang nagustuhan niyo. Promise hinding-hindi ka magsisisi'
'fate has it's own eyes my dear' I heard someone whispered on my ear. Isang malamig na dapyong hangin. Napapikit ako at nerbiyos na napatayo. Isang huling sulyap kay senyorito bago ko siya iniwan at nagmamadaling lumabas ng kanyang kwarto. Mabilis akong pumanaog at dumiretso sa labas ng mansiyon at hingal na hingal. Shit talaga ng matandang senyor. Ngayon na lamang ulit siya nagparamdam. Kinakabahan talaga ako
"hoy freedom. Anong nangyari at namumutla ka" sa gulat ko ay napatalon ako. Ikaw ba naman ang tapikin ni maya sa balikat at sigawan malapit sa tenga mo.
Kumamot sa ulo si maya at kinunutan ako ng noo.
"takot na takot ka free. Narinig mo ba ang senyor sev na nagsalita?" mas namutla akong lalo.
"ikaw narinig mo?" tumango si maya. She pouted like a child
"palage ko siyang naririnig. Nakakainis at wala yatang magawa sa buhay ang matandang yun. Aba'y utusan ba naman akong pikutin ang isa sa mga apo niyang lalaki. Madre de dyos! Bergin pa ine!" hindi ko mapigilang tumawa sa nanlalaki at pulang pulang mukha ni maya
"pero free patay na ang senyor hindi ko nga naiintindihan bakit naririnig ko siya na kinakausap ako. Pero ilang taon na akong nagtatrabaho at naninilbihan sa mansiyon hindi naman siya nagpapakita sa akin kaya hinahayaan ko nalang siyang kausapin ako. Naiisip ko baka hindi mapalagay ang kanyang soul kaya nanggugulo siya dito sa lupa" unti-unti akong napalagay. Hindi lang pala ako ang kinakausap ng senyor at least kahit papaano may karamay nmn ako. Tumataas talaga ang balahibo ko sa batok kapag nasa loob ako ng mansiyon
"ang alam ko maya kapag daw gusto ng senyor severino ang isang tao ay kinakausap niya eto" tumili nalang bigla si maya at namutla
"hala huwag kang manakot beh! Hindi kame talo ng senyor. Ay jusko pipikutin ko nalang ang senyorito Rafael kahit hindi ko type ang mga gwapo at palikero. Masyado kasing babaero iyon. Tumawad pa nga ako na ang senyorito landon nalang o kaya ang senyorito diego kaso kapag nakikipag sagutan ako kay senyor at nakikita ko ang malaking portrait niya sa hallway feeling ko matalim niya akong tinitignan. Wala akong kawala beh. Paano ba mamikot. Help me" humagikhik ako. Ang laki laki ng problema ni maya.
She pouted again
"kainis ka naman. Geh mauna na ako at inutusan pala ako ng senyora ermita. Bye friends" tumawa ako ng kumembot na naglakad paalis si maya. Ang iksi iksi ng shorts niya! Kita kuyukot. At hindi niya pa alam paano mamikot ha. Kaloka.
Tatlong araw ang lumipas ay naging panauhin namin ang senyorito rave. Malinis na ang kanyang mukha. Halata na naging maayos siya sa nakalipas na tatlong araw dahil nakangiti siya habang nakapamulsang nag-aantay sa akin sa sala ng aming munting bahay. Suot ang puting kamisa de tsino at putol na maong na pantaloon hanggang lagpas ng kanyang tuhod. Naka sombrero pa siya ng buli at naka tsinelas. Para siyang magsasaka tuloy sa ayos niya. Napakagwapong magsasaka
Hindi ko tuloy maialis ang pagtitig ko sa kanya. Malakas ang kabog ng puso ko habang walang kurap kurap kong tinitigan ang nagmature na mukha ng senyorito rave. Galing pa akongschool. Inaayos ko ang requirements ko at nag-enrol narin ako para sa huling taon sa kolehiyo
"hey free, miss me" he chuckled when I didn't respond.
"hey, kumurap ka naman" napaigtad ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Kumurap ako. Nakangiti at masuyong nakatitig ang senyorito rave
"mas lalo kang gumanda free" he whispered. Napairit ako. Lumubo ang puso ko. Ewan at kinilig ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin at nag-iinit ang mukha ko.
Tumawa ang senyorito rave.
"come here free. Give me a hug. Don't you miss me. How long is it? Three years huh" hindi na ako nag antay ng isa pang salita at mabilis akong pumaloob sa mga bisig ng senyorito. My heart constrict again. Lumulubo at unti-unti kumakalma ako. Pakiramdam ko ay nakauwi na ako. It feels like home in the arms of the only man I ever loved. I wish that he love me too
"God, I miss you free. So damn much!" mas humigpit ang yakap sa akin ni rave. He even kissed my hair. Nanatili kameng magkayakap ng ilan pang minuto hanggang sa ako na mismo ang bumitaw. Nakakahiya na. Baka maabutan pa kame ni nanay. Baka kurutin ako nun sa singit.
Pinaupo ko ang senyorito. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi binitawan. He stared at me. Ewan kong bakit siya ganyan. Nakakailang ang pagtitig niya pero hindi ako nagreklamo. Gusto ko rin naman ei. Nginitian ko siya
"I wanted to forget. Can you help me?" naguguluhan ko siyang tinignan. Paano? Paano ko naman siya matutulungan
Hinawakan ng senyorito ang mukha ko saka ako inayang tumayo. Pupunta daw kame sa tuktok . Yung palage naming pinupuntahan. Gusto niya daw makita ang kabuuan ng remedyos. Nagpaalam akong magbibihis lang saka kame tumuloy sa lugar na lage naming tinatambayan kapag nagbabakasyon siya noon
"I miss this place free" nakatayo ako sa likod ng senyorito habang siya naman ay nakadungaw sa kabuuan ng remedyos. Napangiti ako. Mas tumangkad ang senyorito rave at mas lumaki ang kanyang katawan. Mas na defined ang kanyang muscles. Saka ramdam ko ang abs niya kaninang yakap yakap ako. Ang tigas ng dibdib niya. Ang sarap sigurong haplos-haplusin. Umiling-iling ako. Shit! Kong ano ano tumatakbo sa isip ko
"come here free" wala sa sarili nman akong naglakad papalapit sa kanya. He entertwined our fingers. He smiled at me. Tumalon ang puso ko. Bakit siya ganito? Lumalambing siyang lalo.
Nanatili kameng magkasalikop ang kamay habang nakatanaw sa kabahayan sa baba ng bundok. Hanggangsa lumipat ng pwesto si rave sa likod ko. Niyakap niya ako at mas lalong nilapit ang katawan ko sa kanya. He put his arms on my waits and his nose is now nuzzling my neck. Nanlaki ang mata ko. Naumid ang dila sa gulat. What the hell!
"s-senyorito" nanginginig kong tawag. Pilit kong inaalis ang braso niyang nakapulupot sa akin kaso mas humigpit pa etong lalo
"stay still baby. I miss you. Your scent makes me calm. Your scent makes me forget everything. Let me just hold you, please" napabuntunghinga ako. Napapikit at walang nagawa na hinayaan ko nalang ang senyorito. Wala talaga akong naiintindihan kong bakit niya akong biglang niyakap. At dahil mabait akong nilalang ng diyos ay hinayaan ko siya dahil kumakalma daw siya kapag naamoy ang katawan ko. Talaga? Mabango ba ako? Inamoy ko naman ang sarili ko at pati t-shirt ko. Hmmn. Amoy downy lang naman. Napanguso ako. Nakikiliti ako sa bawat hampas ng hininga ng senyorito sa batok ko. Napapaigtad ako.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love ✔
Literatura FemininaThe Simon's series 1 Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang...